053

165 32 9
                                    

20 YEARS AGO [Flashback]

______

Cloud Luis Point Of View

Nagising na lamang ako sa maingay na usapan ng mga magulang ko. Lumabas ako ng aking kwarto at nabungaran ko sila sa sala.

Naroon sila Lola at Lola kaya mas nagulat ako. Alas dos ng umaga? Anong pakay nila rito?

"Oh Cloud buti na lang at gising ka na." Salubong sa akin ni Mommy.

"Nakaimpake na ang mga gamit. Aalis na tayo, tutal gising naman na ang apo ko." Agad akong napalingon kay Lola.

"Po? Aalis po tayo? Saan po tayo pupunta?" Inosenteng tanong ko.

Aalis kami?

Bakit? Bakit kami aalis?

"Oo, Cloud. Aalis na kayong Bicol. Sasama ka na sa Lolo at Lola papuntang Maynila
Doon ka na mag-aaral." Agad akong napailing sa sinabi ni Mommy.

"No, Mom. Hindi po ako sasama." Matigas na sabi ko. Agad na kumunot ang noo ni Mommy sa akin.

Nilapitan niya ako at matalim na tinignan. Agad ko siyang inilingan.

"Mommy Daddy...a-ayoko. Hindi po ako sasama." Usal ko. Napahikbi na lamang ako ng maramdaman ang palad ni Mommy sa pisngi ko.

"Micaila!" Sigaw ni Lolo kay Mommy ng sampalin ako nito.

"Anong hindi sasama, Luis?! Aba't nagmamagaling ka na! Gusto kong ipaalam sa'yo na sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Sampid ka lang sa pamilyang ito. Ampon ka lang! Kaya wala kang karapatang magmagaling!" Naiyak na lamang ako sa sinabi ni Mommy. Agad naman akong nilapitan ni Daddy at itinago ako sa likod niya.

"Ano ba, Micaila. Huwag mong saktan ang bata!" Galit na sabi ni Daddy kay Mommy.

"Eh totoo naman! Sampid lang yan sa pamilyang ito. Ba't kasi nag-ampon ampon ka pa, Howard! Eh kahit wala tayong anak, ayos naman na ah! Napakamaawain mo naman kasi, nalaman mo lang na ulila na yung bata inampon mo na agad!" Inis na sigaw ni Mommy kay Daddy.

"Micaila tama na." Ani ni Lola.

"Ano ba, Ma! Totoo naman, sampid lang yang bata na yan dito. Simpleng susunod na nga lang sa pinapagawa natin, hindi pa magawa."

"Tumigil ka, Micaila." Usal ulit ni Daddy kay Mommy. Napaiyak na lamang ako habang nakayakap sa likod ng aking ama.

Simula bata pa lamang ako, ganito na sa'kin si Mommy. Sinasaktan niya ako tuwing wala si Daddy. Palagi niya akong minamaltrato tuwing hindi ko sinusunod ang gusto niya.

Lumaki ako nang walang kalayaan. Simula nang ampunin ako ng pamilyang ito ay ganito na ang buhay ko, walang ibang ginawa kundi ang sundin lahat ng iutos ng Nanay-nanayan ko.

Maayos naman na magulang si Daddy. Sina Lolo at Lola ay sobrang bait sa'kin. Sadyang si Mommy Micaila lang talaga ang may galit sa'kin. Ewan ko ba sa kaniya, wala naman akong ginawang masama sa kaniya pero walang tigil ang pananakit niya sa'kin.

Patago niya akong sinasaktan. May mga araw na tinataguan ko si Flame upang hindi niya makita ang mga galos at pasa ko, alam ko kasing magagalit siya sa Nanay ko at kakaawaan niya ako. Ayokong kaawaan ako ng isang tao at makita na mahina ako. Lalo na't ayaw rin ni Mommy na makalabas sa ibang tao na sinsaktan niya ako.

Tinangka kong tumakas noon ngunit hindi ko nagawa. Nahuli lang rin naman ako Mommy at kinulong sa loob ng kabinet upang hindi makatakas.

Ngayon heto, pagkakataon ko na ito upang makatakas sa pang-aalipusta ng nanay-nanayan ko dahil narito na sina Lola at nais akong pagpaaralin sa Maynila.

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now