051

185 47 17
                                    

23 YEARS AGO [Flashback]

___

"Aling Sally, nandyan pa po ba si Flame?" rinig kong tanong ni Luis kay Mama habang kumakain ako ng agahan sa kusina.

"Oo Luis. Bakit?"

"Hintayin ko na ho siya rito, para sabay na kami papunta ng school."

"Sige maupo ka muna dyan sa sofa Luis. Kumakain pa si Flame sa kusina."

Rinig kong usapan ni Mama at Luis sa sala.

Simula nang tumungtong ako ng Grade One, pinapayagan na ako ni Mama at Papa magpunta ng school mag-isa. Kung sabi nga lagi ni Luis sa'kin ay hindi na siya baby, big boy na raw siya. Kaya big girl na rin ako.

Hindi na ako nagpapahatid kay Mama at Papa patungong school dahil kaya ko naman na at nariyan naman lagi si Luis upang samahan ako.

Pagkatapos kong kumain at iligpit ang pinagkainan ko, nag-ayos ng sarili at nagtungo na sala upang puntahan ang kababata kong naghihintay sa'kin.

"Good morning Flame!"Bati niya saakin habang naka ngiti.

"Gandang umaga. Tara na?" Tumango naman siya bilang sagot.

"Aling Sally! Punta na po kami sa eskwelahan."

"Ingat kayo ha." Bilin sa'min ni Mama.

Lumapit ako kay Mama na abala sa pagwawalis ng mga nalantang dahon.

"Love you, Mama. Ingat rin po kayo dito ha?" Nakangiti naman siyang tumango at tinapik ang aking ulo.

"I love you too." Nangigil ako at hinalikan siya sa pisngi.

Nang makita ko si Papa na galing sa bakuran, lumapit ako rito at hinalikan rin ang aking ama sa pisngi na siyang ikinangiti niya at ginulo ang buhok ko.

"Mag-aral ng mabuti. 'Wag puro na lang laro, Flame." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Tumango naman ako bilang sagot.

Pinuntahan ko si Luis na naghihintay sa'kin.

"Tara na." Agad naman siyang umakbay sakin at naglakad na kami papunta ng paaralan. Malapit lang naman kasi ang paaralan namin.

Pagkarating namin roon. Subrang tuwang-tuwa ako dahil makikita ko na ulit ang mga dating kalaro ko. Magkakaroon ako ng bagong mga kalaro at subrang sabik na akong ipakita sa mga kalaro ko ang bago kong uniporme, mga gamit pang-eskwela at ang bago kong sapatos.

"Flame!" Bati sa'kin ng dati kong mga kaklase na magiging kaklase ko ulit ngayong pasokan.

Ngumiti naman ako sa kanila at tumango.

Bigla silang napatingin sa kasama ko. Si Luis na nakaakbay sa'kin habang nakangiti sa kanila.

"Oy Luis! Grabe ka naman maka-akbay kay Flame. Mag-nobyo at nobya ba kayo?" Tanong sa amin ni Beverly. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Agad akong lumayo kay Luis at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin nang dahil sa sinabi nila.

Agad namang sumimangot si Lui dahil sa ginawa kong paglayo sa kaniya.

"Hala hindi kami magnobyo at nobya. Pitong taong gulang pa lang tayo. Masyado pa tayong bata para dyan." Sabi ko sa kanila.

"Pero paglaki mo ba Flame, gusto mong maging kasintahan si Luis?" Tanong sa'kin ni Adrian.

Napatingin agad sa'kin si Luis at naghihintay ng sagot ko.

"Ayokong maging nobyo si Lui. Tamad 'yan mag-sipilyo eh. Tapos ninakaw pa kami ng saging, napagalitan tuloy kami." Seryosong usal ko.

"Tsaka ayoko sa kaniya. Kaibigan ko 'yan eh." Dagdag ko.

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now