052

179 41 15
                                    

21 YEARS AGO [Flashback]

___

Nakaupo kami ni Luis sa damuhan at tahimik na nakatingin sa kawalan.

"Flame...anong pangarap mo sa buhay?":Biglang tanong niya.

"Ahm ewan. Noon gusto kong maging Flight Attendant, ngayon gusto ko namang maging Architect. Ewan ko ba, paiba-iba." Sagot ko sa tanong niya.

"Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Gusto kong maging isang Engineer, tapos ako ang magpaplano at gagawa ng bahay mo." Masiglang ani niya.

"Ayos 'yan. Magaling ka pa naman mag-drawing. Hmm...edi mag-aarchitect na lang din ako. Upang palaging magkasama tayo. Diba sila'y mag-kasosyo?"

"Ikaw ang inhiyero. Ako ang arkitekto mo. Ikaw ang magpapaplano ng bahay at gagawa nito. Ako ang magdidisenyo... Dahil ayokong mawalay sa'yo." Dagdag kong sabi.

"Talaga?" Kuminang ang mata niya at masayang tinanong ako.

"Oo naman."

"Promise 'yan ah?" Itinaas niya ang kaliwang kamay at nagkipag-pinky promise sa'kin.

"Promise!"

___

Nasa loob kami ng paaralan at walang ibang ginawa kundi mag-asaran. Wala kasi ang guro namin kaya ang lalakas ng loob naming maglaro.

"Oy yung mama ni Flame, marami raw utang kina Aling Marites." Rinig kong pang-aasar ni Luis.

"Mama mo blue. Papa mo blue. Kaya ikaw babalo." Inis kong sabi sa kaniya. Puro sila pang-aasar.

"Mama mo may balat sa pwet!" balik na pang-aasar sa'kin ni Luis.

Subrang inis na inis na ako.

"Papa ni Luis may malaking nunal sa noo. HAHAHHAHA" Biglang pang-aasar ni Jai kay Lui.

Natawa naman kami ng mga kaklase ko.

"Mama mo nga Jai dakilang tsismosa. Hmppp." Inis na usal ni Luis kay Jai.

"Papa mo nga rin Flame may malaking peklat sa paa."

Mas lalo akong nainis sa kaniya. Kinuha ko ang isang libro sa tabi ko at tinapon sa kaniya.

Nilapitan ko rin siya at pinagpapalo. Natawa naman ang mga kaklase namin.

"Bad ka! Bad ka!" Sigaw ko sa kaniya. Naka-peace sign naman siya at humihingi ng tulong sa mga kaklase naming lalaki.

"Ah..aray! F-flame masakit!---aray! Ano ba! Sorry n-na----aray ko!" Patuloy naman ang pagpalo ko sa kaniya ng libro

"Sorry na Flame...nagbibiro lang naman ako." Kinurot ko ang tagiliran niya na siyang ikinahiyaw niya.

"'Di tayo bati!" Inis na sigaw ko kay Luis.

Bahala siya dyan. 'Di ko na siya kalaro.

Nakipaglaro ako kina Jai at Rhian. Hindi ko pinapansin si Luis kaya wala siyang nagawa kundi lumayo na lang din sa akin dahil alam niyang magtataray lang rin naman ako.

Nakita ko siyang nakikipaglaro sa mga kapwa niya lalaki na sina Adrian, Drake at West.

Nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata at mariin niya akong tinitigan na parang gusto akong lapitan.

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Inis pa rin ako dahil sa pang-aasar nila. Manigas siya dyan.

Uwiian na, naglalakad ako papauwi ng bahay mag-isa. Ngayong araw lang kami hindi nagkasabay ni Luis umuwi ng bahay. Dire-diretso ang lakad ko.

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now