031

193 54 18
                                    

(Role Play Account) - Khalil

2:12pm

Kaide Khalil Ybarra: Kung naintindihan mo yung 280, anong ibig sabihin nun?

Vixienne Yzalea: Hmm? Be mine?

Kaide Khalil Ybarra: I'm already yours. You don't need to ask me.

Vixienne Yzalea: Banat ba yan? HAHAHA

Vixienne Yzalea: Nagbibiro ka lang Khalil diba?

Vixienne Yzalea: Nawrong send ka lang diba?

Vixienne Yzalea: Khalil? May gusto ka ba sa'kin?

Vixienne Yzalea: Alam nating dalawa na imposible yun. Dahil sa online lang tayo nagkakilala. Hindi tayo nagkikita sa personal. Ni hindi mo nga alam tunay na katauhan ko sa RW. Kahit birthday ko 'di mo alam, nickname ko sa RW, o kung ano pa man.

Vixienne Yzalea: Alam mo naguguluhan ka lang. Imposible na magustohan mo ako nang dahil sa chat lang tayo nag-uusap. At tsaka aware ka naman na laro-laro lang ang lahat hindi ba?

Kaide Khalil Ybarra: Oo, Vixienne. Gusto kita. Noon pa man gusto na kita. Hanggang sa napamahal na ako sayo.

Kaide Khalil Ybarra: Kahit saang paraan naman maari kang magmahal diba?

Kaide Khalil Ybarra: Kahit sa online lang tayo nagkakilala. Minahal na kita. Wala namang pinipiling landas ang pagmamahal hindi ba?

Kaide Khalil Ybarra: Alam kong laro-laro lang ang lahat. Pero anong magagawa ko, kung tuluyan na akong nahulog sa patibong mo?

Kaide Khalil Ybarra: Anong magagawa ko kung natalo na ako sa larong ito? Hindi ba't sabi ko dati. Handa akong magpatalo sayo sa laro. Manalo ka lang.

Kaide Khalil Ybarra: Pilitin ko mang manalo. Wala akong magawa dahil nahulog na ako sayo.

Vixienne Yzalea: Khalil, ayoko ng ganito tayo. Natatakot akong magmahal pero sumugal ako. Pero nang ganitong umamin ka...hirap akong paniwalaan ang sinabi mo. Dahil tingin ko, nasanay ka lang sa presensya ko.

Kaide Khalil Ybarra: Mali ba ang magmahal?

Kaide Khalil Ybarra: Nakilala agad kita simula pa nung una. Tiniis kong magpanggap sayo ng ilang buwan. Ang saya ko na nakausap ulit kita.

[Kaide Khalil Ybarra: Anong sinasabi mo na hindi kita kilala sa totoong buhay?
Si Cloud Luis Guivarra 'to. Yung dating kalaro mo na iniwan ka. Tapos nakalaro mo ulit, ngunit sa ibang paraan na.]

Kaide Khalil Ybarra: Kaide Khalil unsent messages.

Seen 3:04pm

_______

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now