SPECIAL CHAPTER & TEASER

125 13 15
                                    

[SPECIAL CHAPTER W/ TEASER OF NEXT SERIES] by Leaf_Inks

Nakakatuwa na makitang masaya na ang isang tao na mahalaga para sa iyo.

Subrang saya ko para sa pinsan ko na si Flame.

Nakahanap siya nang lalaking mamahalin siya ng buo, bibigyan siya ng kumpletong pamilya at lalaking responsableng maging mabuting ama at asawa.

Ako kaya kailan? Hysttt plano ko na nga lang tumanda na lang na dalaga.

Ayus na yan. Masaya naman na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Pero hindi ko mapigilang mainggit kay Flame at Betina.

Ang dalawa kong pinsan na masaya na sa lovelife nila.

Samantalang ako? Heto Sad Girl pa rin ata ng taon.

Nakakainggit...

Sana lahat sa kanila diba?

Well...well...well...

Narito ako? Ano pa nga ba?

Ang isang dilag na malapit nang malanta.

Mukhang tatanda na akong dalaga.

Galing nga pala ako ngayon sa Mall, bumili ako nang mga damit ni Dustine.

Papalabas ako nang parking lot nang biglang may nakabangga sa akin.

"Ano ba! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!" Inis na sabi ko sa nakangga sa akin.

Nang maamoy ko ang pabango ng lalaking nakabangga ko...pamilyar ang pabango niya.

Nang magtama ang aming mga mata, mukhang tama nga ang hinala ko.

Ang lalaking hindi ko nais makita sa tanang buhay ko ay nakita ko na.

"Baby..." Tawag niya sa akin.

Inirapan ko siya at mabilis na umalis sa harapan niya.

Letche! Panira nang araw.

Tumingin muna ako sa paligid nang masiguradong hindi ako sinundan ng lalaking nakabangga ko kanina.

Buti na lang at hindi niya na ako sinundan.

Huwag siyang pastalker kuno!
Hindi bagay sa isang manloloko ang ganun.

Letche siya.

Maaring siya ang naging sanhi nang pagkawasak ko.
Ngunit sisiguraduhin kong hindi siya ang magiging sanhi ng pagbagsak ko.

Matawagan na nga lang si Flame.

Babaita sagutin mo ang tawag ko please...

"Hm? Hello boi?" Sagot niya.

Hay salamat na kingina. Sumagot ka rin sa wakas.

"Kumusta ka na?" Tanong ko. Miss ko na ang babaita na ito eh.

"Huh? Kakapunta mo lang kanina dito sa bahay. Miss mo na ako agad? Wow nakakatouch naman. Ang bilis mo naman akong mamiss."

"Ay kakapunta ko pa lang ba dyan kanina?"

Lutang ako. Pasensya naman oh.

"Malamang! Oh tanu ka na paapod?"

"Trip ko lang. Tanu bawal kang apudan?"

"May sinabi ako na habo ko?"

"Wala."

"Iyon naman pala e. Nga pala nasa'n ka ngayon?"

"Nasa Mall." Simpleng sagot ko.

"Wahhh! Boiii bekenemen!"

Heto na naman ang isang buraot na ito.

"Mayu akong pirak."

"Kuripot ka daw talaga!" Sigaw niya sa akin.

Umirap naman ako na tila narito siya sa harapan ko.

Nang tignan ko ang cellphone ko, binabaan ako ni Flame ng telepono.

Ngayon hindi na talaga ako nagtataka kung bakit pinsan ko siya.

Pareho kaming may saltik.

Natigil ako nang may humawak sa aking braso at pinaharap ako sa kaniya.

"Baby, lets talk." inirapan ko siya.

Baby mo mukha mo.

"Mag-usap tayo please." Pagsusumamo niya.

"Nag-uusap na tayo." Malamig na usal ko.

"Huwag tayo rito. Halika sa parking lot." Ani niya.

"Masyadong mainit rito sa labas ng Mall." Dagdag niyang saad.

"Mainit na kasi dumating na yung kampon ni Satanas." Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Akma akong aalis na nang bigla niya akong kaladkarin papunta sa may parking lot kung saan tahimik at walang ka-tao-tao.

Pagkarating namin roon ay padabog kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin ngunit mabilis niya akong niyakap.

Inilingan ko siya at akmang aalis na, ngunit hinawakan niya ang braso ko at ikinulong sa mga bisig niya.

Kinabahan ako nang hawakan ng kamay niya ang magkabilang pisngi ko at halikan ako...sa labi.

Gusto kong itulak siya. Ngunit hindi ko magawa.

Gusto kong makawala. Ngunit hindi ko magawa.

Gusto kong patigilin siya. Ngunit hindi ko kaya.

Ramdam ko ang pagdiin ng labi niya sa labi ko.

Sinimulan niya nang ipasok ang dila niya sa labi ko. Nagulat ako sa sarili ko nang bigla ko na lang ibuka ang bibig ko upang maipasok niya ang dila niya sa bibig ko.

Nalulunod ako sa halik niya.

Naramdaman ko na lang ako na sumasabay na rin ako sa paghalik niya sa akin.

Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya at hinalikan siya pabalik.

Itigil ang karupokan!

Jusko patawarin mo po ako kung nagkasala ako dahil mukhang kinain ko na ang sinabi ko dati.

Patawarin niyo po ako. Pasensya na, tao lang. Marupok e.

Tukso layuan mo ako!

Nang inilayo niya ang sarili sa akin at natigil ang paghahalikan namin, napalingon ako sa paligid.

Nahagilap ng mata ko si Luis. Nakatingin siya sa amin at gulat na gulat.

Nalintikan na...

Huwag niya sanang ireport sa marites kong pinsan na si Flame.

Chismosa iyon eh.

Sigradong aasarin na naman ako nun kapag nalaman niya.

Letche kasing asawa ni Flame na 'to.

Bakit si Luis napadpad rito sa may parking lot nang Mall na ito?

Ang malas ko naman talaga.

Paglingon ko sa lalaking kahalikan ko ay muli nitong hinagkan ang labi ko.

Hanggang maramdaman ko na ang labi niya sa aking tenga.

"Sundan na natin si Dustine." Bulong niya...

☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎☔︎☂︎

ᕕ( ᐛ )ᕗ

See you in Next Series!
[Harmony Of Love Series #2]

A Novel By Leaf_Inks
All rights reserved.

Random Friend Request [COMPLETED]Where stories live. Discover now