WYBMM Chapter 10

3.1K 93 37
                                    

A/N:   Soorrryyy,, !!! Pasensya na ngayon lang po nag update...

#SHORTUPDATE

Recap muna :)

Pagpasok ko ng restaurant kung saan siya nakita kong may kasama pala si bff. Di ko nakita ang mukha dahil nakatalikod sa akin ang lalaki eh.

Nakita kong Masaya silang naguusap ng lalaki pero kinamayan niya ako ng Makita akong papalapit sa kanya.

“best ditto!”

Pagtawag niya sa akin, napalingon rin ang lalaking kasama niya.

Napahinto ako.Di ko alam ang gagawin ko. Di ako makapagsalita at nangatog ang mga tuhod ko buti na lang at nakahawak ako sa isang upuan kundi nakaupo na ako ngayon sa sahig.

“hi!” napatayo ang lalaki at lumapit kaagad sa akin.

di pa ako nakabawi sa pagkagulat ay nayakap na ako ng lalaki. Di ko alam kung itutulak ko ba siya o ano.

“Princess kamusta ka na?” Mahina ngunit malinaw na pagkabigkas niya sa pangalan ko.

isa lang naman ang tumatawag sa aking princess eh. At kahit kalian man ay di ko siya malilimutan.

Di ako makakilos mula sa pagkayakap niya sa akin. Para akong nabuhusan ng maraming ice na nanigas sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako kay Levie.nakatingin din siya sa akin. gaya ko  hindi rin siya  makapagsalita.

“King.” Mahinang sambit ko sa pangalan.

+++

 

Ysay’s POV

 

Nang makabawi ako sa pagkagulat, bigla ko na lang siyang naitulak. Tiningnan ko siya ng puno ng galit. Hindi lang galit ang nararamdaman ko ngayon kundi pagkamuhi sa taong kaharap ko.

“Princess” mahinang tawag niya sakin pero sapat na yon para umabot sa aking pandinig.

Nakikita kong nababalisa siya na parang hindi niya alam ang gagawin. Ang kaninang masayang mukha ay napapalitan ng lungkot at takot. Alam kong gusto niya akong kausapin pero hindi pa ako handang pakinggan siya sa ngayon.

Binaling ko sa bestfriend ko ang aking paningin na ngaon ay nakatayo di malayo sa amin na hindi alam ang gagawin.

Oo, aaminin ko nagtatampo ako ngayon sa bff ko dahil di man lang niya sinabi na andito siya.

Hindi ko alam ko ilang minuto na kaming nakatayo don. Saka lang ako nakabalik sa tamang wisyo nang marinig ko ang bulungan sa paligid.

“cess, don’t cry” sabi niya habang hinawakan niya ako sa pisngi. Saka ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Sa gulat ko ay biglang natapik ko ang mga kamay niya palayo sa mukha ko. I know its rude but it doesn’t help to ease the pain im feeling right now.

Napatakbo na lang ako bigla palabas ng restaurant. Alam kong sinundan niya ako dahil rinig ko ang pagtawag niya sakin. Pero binawaliwala ko lang at patuloy na tumakbo palabas ng mall papunta sa parking lot.

Nang makasakay ako ay agad kong pinatakbo paalis ng lugar na iyon. Pero kitangkita ko sa side mirror na naroon siya nakahawak sa mga binti niya habang hingal na hingal.

Pagdating ko sa bahay ay sa kwarto na ako tumuloy. Humiga sa kama at doon nagiiyak. Alam ko sa sarili ko na naka move on na ako. pero bat ako nasasaktan at  umiiyak ngayon? O pinaniniwala ko lang ba ang sarili ko na naka move on na ako? Hanggang sa makatulugang ko ang pag-iyak.

A/N: Hanap ako ng time para sa susunod na update.. may summer job po akong kailangan unahin..

#SORRYTOKEEPYOUWAITING

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will You Be My Mommy? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon