"Wow! It looks delicious!" Napatingin si Ysabelle sa batang babae na naroon sa shop niya na timitingin sa mga nakadisplay na cakes at iba pang pastries.
"pero wala akong perang pambili." Dugtong nito sa malungkot na tinig habang nakatitig sa mga naka display na pastries.
"Tine, dito ka muna sandali" tawag niya sa kanyang empleyado.
"Sige po mam, ako muna ang bahala dito." Tumayo siya at nilapitan ang bata na bakas sa mukha ang matinding lungkot. tantya niya ay nasa 4-5 taong gulang ito.
"hi, pretty girl. whats your name?"
"tashia" simpleng sagot nito.
"why do you look so sad?"
"i want to eat that cake pero wala po akong money to buy it." malungkot pa rin ito.
"are you alone? sino ang kasama mo? asan ang mommy at daddy mo?" sunud-sunod na tanong niya rito.
"i am lost. kasama ko po si yaya. si daddy andon po sa malayo." umiiyak na sabi nito.
"sshhh. wag na umiyak." pagpapatahan niya sa bata. "gusto mo ba kumain nung cake?" Turo niya sa isang slice ng chocolate cake at tanging tango lang ang naging sagot nito. "sige, kakain tayo pagkatapos hahanapin natin ang yaya mo baka nag-aalala na yon sayo"
"yeheey!" masayang pagsangayon nito at napalundag pa sa saya.
****
nailapag na sa mesa ang mga pangaking pinakuha niya sa kanilang waiter. Ang chocolate cake at sinamahan pa ng mga cookies, cupcakes, iced tea at tubig. nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng bata habang nakatingin sa mga pagkain.
"ahmm. ang sarap po nito" pinagmasdan lamang niya ito habang sarap na sarap ito sa pagkain ng chocolate cake hanggang sa matapos ito.
"you know what, we have the same eyes." nagulat siya sa sinabi nito. pinagmasdan niyang mabuti ang mga mata ng bata. at tama nga ito. hazel din ang kulay ng mga mata nito tulad ng sa kanya. pero napansin din niyang parepareho din sila ng shape ng mukha at ng mga labi. kung may makakakitang magkasama sila ng bata tiyak masasabi nitong para silang pinagbiyak na bunga.
nagbalik lang siya sa diwa nang mapansin niyang nalungkot ang mukha ng bata.
"bakit?" tanong niya rito.
"di ko pa po nakita ang mommy ko." natigilan siya sa sinabi nito. di niya inakala na sa murang edad naranasan na ng bata ang pangungulila sa isang ina.
"Asan ang mommy mo?"
"sabi ni daddy andon na daw po sa heaven. at dapat daw po na palagi po akong happy para happy din daw po si mommy." Sa sinabi ni tashia ay hindi niya mapigilang malungkot para dito.
"sige, smile ka nga." binigyan naman siya nito ng isang ngiti.
"may request po ako."
"ano yon?"
"can i visit you here everyday?"
"yes, of course. you can also eat what ever you want" at nagpapalakpak ito sa kinauupuan.
"one more request." nakangiting tumango siya rito. ayaw niyang nakitang malungkot ang bata at parang may nagsasabi sa kanya na pasayahin ito kahit sa anong paraan.
"Will you be my mommy?"
*************************
hello:) first time ko pong magsulat dito sa wattpad. pasensya na po sa malimaling spelling, grammar,etc.
pls vote and comment :)
next update: try on Sunday
BINABASA MO ANG
Will You Be My Mommy? (on hold)
RomanceThis story is Rated G. started: August 31,2014 *** teaser HE IS HOPING SHE IS WAITING WHAT IF THEY MEET ONE DAY WILL THERE BE A CHANCE FOR THEM TO CONTINUE WHAT THEY HAVE IF SHE WILL KNOW THAT HE IS ALREADY MARRIED AND HE HAS A CHILD. WILL THEY BE T...