A/N
hello:) pasensya na natagalan ang update. nasira kasi charger ng laptop ko. kakigamit lng ako ng laptop para maka update ngayon.
Heto na po ang Chapter 3
****
Ysabelle's POV
“woooohhhh…! Ang saya ditto mommy!” masayang sabi ni Tashia. Nandito kami ngayon sa Star City. Halatang halata ang kasiyahan sa mukha ng bata habang nakasakay sa carousel. Napagalaman kong unang beses lamang makapunta sa ganitong lugar. Ayon sa kanya hindi daw siya pinapayagan ng daddy niya pumunta sa ganitong lugar. OA daw masyado ang daddy nito.
“kapit kang mabuti sa hawakan para di ka mahulog.” Paalala ko habang kinukunan siya ng picture. Sa 24 years na pamamalagi ko sa mundong ibabaw ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasayang sandali. Ewan ko ba sa bawat ngiti ni tashia nahahawa akong maging masaya.
Tulad niya di ko rin naranasan ang makapunta sa ganitong lugar noong bata pa ako dahil nagkasakit ako mama ko at di naglaon ay binawian din ng buhay. Naging masakit sakin ang mga nangyari sa panahon na iyon.
Di ko nakilala ang papa ko mula bata pa ako hanggang ngayon. Sabi ng lola iniwan daw ni papa si mama nang malaman niyang buntis si mama. Kaya Na iwan ako sa pangangalaga sa aking lola na isang coach ng isang tennis club sa isang pribadong paaralan. Mula noon ang lola ko ang bumuhay at nag aruga sa akin.
Haay.. tama na nga ang malungkot na kwento sa aking buhay. Balik tayo sa pagiging mommy ko kay tashia. May kong anong pwersa nagsasabi saking alagaan at mahalin na parang akin si tashia. Sa bawat ngiti ni tashia may isang tao akong naaalala na mahalaga sa akin.
FLASHBACK
Second Year Highschool
Riiing…riiingg
Naku late na naman ako nito. First day of class pa naman. Kung bakit naman kasi hindi ko na set ang alarm ko eh.
Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa floor ng mga second year students.
“ysabelle!!” narinig kong sigaw ni Levie. Siya ang bestfriend ko mula pa grade 2. “hay naku, di kana talaga nagbago. Lagi ka paring late”
“sorry naman di ka-“ di ko na natuloy ang sasabihin ko ang sumugnit ang madaldal kong bbf
“Kasi di mo na set ang alarm mo.. naku.. lumang alibi mo nayan. Kabisado ko na. palitan mo naman ng bago nauumay na akong margining yan eh.” Alam naman pala nagrereklamo pa.
Pakilala ko muna si bbf. Siya si levie jane cortez kapitbahay ko at classmate mula grade 2. Galing silang cebu at lumipat dito sa Manila dahil dito nadistino sa trabaho ang papa niya. Ang papa niya ay isang magaling na accountant sa isang kilalang company at ang mama naman niya ay isang nurse na nagtratrabaho sa ibang bansa. May isa siyang kapatid si Kuya James na dalawang taon ang tanda sa amin.
“Alam mo ang daldal daldal mo pa rin” reklamo ro rin. Pero kahit ganyan si bbf mahal ko rin yan.. (cheesy)
“hali ka na nga. Late na tayo sa first subject natin” sabi niya habang hilahila niya ako.
“sandali” tumigil kami sa paglalakad. “CR muna ako. Una ka na lang. reserve mo ako ng chair huh . dapat tabi tayo.” Bilin k okay bbf at dumeretso na anko sa CR.
Habang nasa loob ako ng cubicle , narinig kong naguusap ang mga kapwa ko studyante.
“nakita mo nab a yong transfere? Ang Cute niya talaga grabe.” Sabi ni Girl 1 na kilig na kilig.
“Para siyang artista..ay hindi para siyang small version ni Papa Achilles.. crush ko na talaga siya” Girl 2 naman na parang nanaginip.
Ano bang nagyayari sa mga ito. Sino bang tinutukoy nito. Grabe talaga kung maka tsismis. Ay wa paki ako.
“hoy kayo! Ang bata pa noon. Second year pa yon samantalang kayo fourth year na. mga child abuse kayo.” Kontra namn ni Girl3.
“KJ naman nito. If I know crush mo rin si gwapings.” Girl 1
Bakit ba ako nakikinig sa mga to. Ayy late na late na tuloy ako. Lumabas nako ng CR habang patuloy pa rin sa pagtsikahan ang tatlong 4th year na parang walang mga pasok. Sabagay first day naman puro pakilala at orientation ang nagaganap.
Pagliko ko sa kanto, nabunggo ako ang lalaking tila nagmamadali. Kainis! Di man lang marunong mag sorry kahit sabihin pang di masyadong malakas ang pagkabunggo sa akin. Pero hayaan na lang para di masira ang araw ko first day of class pa naman. (pang ilang first day of class na itong nabanggit ko??) Siguro late na yong lalaki kaya nagmamadaling umalis ng di man lang nag sorry. Tiningnan ko ang lalaking papalayo. Likuran ko lang ang nakita ko.
Paalis na ako nang may maapakan akong isang bagay. Ballpen pala. Nang tingnan kong mabuti di lang pala ordinaryong ballpen kundi isa iyong mamahaling fountain pen. May nakalagay pang initials na “R. M. G.” na tila sinadlang nilagay. Itatago ko nalng ito atnilagay ko sa aking bulsa. isasauli ko ito kapag nakita ko siya.
Pagdating ko ng classroom andon na ang teacher nanim sa first subject sa harap. Dumaan na lang ako sa gilid patungo sa kinaruruonan ni Levie.
“Best ang tagal mo.” Angal nito. Umupo na lang ako sa tabi niya gaya ng bilin ko sa kanya. Pero di pa ako nakapag salita ay nagdadada na ito.”uy narinig ko may bago tayong classmate. At ito pa imported. Galling America daw doon lumaki. At sabi pa nila gwapo daw pero may pag ka snob nga daw. Ewn ko kung saan nila nakuha yang impormasyon na yan na akala mo nakasama na ng ilang taon.” Walang tigil na sabi nito.
Kahit kaylan talaga tong bbf ko napaka tsismosa. Kapag naka pagsalita ito tuloy-tuloy walang preno kala mo di maaabutan ng bukas. Nabahala tuloy ako baka sitahin kami ni teacher pagnakita at narinig niya kaming naguusap habang di nakiking sa mga sinasabi sa harapan.
“best maya mo nalang ituloy yang kwento mo ha. Baka mapalabas tayo ng wala sa oras nito” putol ko sa mga pinagsasabi niya.
Habang tinatawag ni Ms Bach ang mga pangalan ng mga kaklase ko, naalala ko angmga sinasabi ng tatlong girls sa CR kanina. So posibleng classmate ko ang tinutukoy nila.
“Gadiano, Nessa”
“present”
“garay, lorna”
“present”
“Gonzaga, jay”
“present”
Haay ang tagal naman ng R..bakit pa kasi Robles pa ang surname ko..nakaka boryo naman mag hintay.
“Gonzales, Ralph Michael”
Antagal naman sumagot.
“Gonzales, Ralph Michael” ulit ni Ms Bach
“present” sabi ng bagong dating na lalaki sabay pasok at upo sa upuan na nasa harap ko.
Walang galang. Di man lang nag sorry na na late siya ng pasok. Baka siya yong transfere na tinutukoy ni bbf. Teka siya yong lalaking na ka bunngo sakin ah? So Classmate ko pala siya?
***
As i promise hinabaan ko na po ng konte.
FEEL FREE TO COMMENT:)
DONT FORGET TO VOTE!
open po ako sa mga suggestions
NEXT UPDATE: SUNDAY
DATE: August 26, 2014
by mysterious_zaphire
BINABASA MO ANG
Will You Be My Mommy? (on hold)
RomanceThis story is Rated G. started: August 31,2014 *** teaser HE IS HOPING SHE IS WAITING WHAT IF THEY MEET ONE DAY WILL THERE BE A CHANCE FOR THEM TO CONTINUE WHAT THEY HAVE IF SHE WILL KNOW THAT HE IS ALREADY MARRIED AND HE HAS A CHILD. WILL THEY BE T...