WYBMM (chapter 8)

2.7K 99 6
                                    

i find time to update dispite of my busy schedule:) so ENJOY reading!!

I WOULD LIKE TO SAY HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO MY HS CLASSMATE, Mr RKT. GODBLESS YOU AND MORE BIRTHDAYS TO COME.

****

CHAPTER 8

Ysabelle’s POV

Pagdating ko sa ospital ay agad kong tinungo ang room kung saan naroon si lola. Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang tulog habang binabantayan ni nanay minda na nakaupo malapit sa bed ni lola.

“nay! Ano hong nangyari kay lola? Okay nab a siya?” kinakabahang tanong ko sa kanya.

“hindi ko alam eh. Narinig ko nalang na may nabasag mula sa kwarto niya kaya agad kong pinuntahan. Naratanan ko na lang siyang nakahandusay sa sahig kaya dinala naming agad ni Renato ditto sa ospital.”

Si mang Reanato ay family driver namin.

“eh ano ho ang sabi ng doctor?”

“sabi niya babalik na lang daw siya para ipaalam sa iyo ang kalagayan ni Valeria. Sa ngayon kasi kasalukuyan pang ginagawa ang mga lab test.”

Napabuntong hininga na lang ako. Di pa rin napanatag ang loob hanggat di ko alam ang  kalagayan ni lola.

Lumapit ako sa kinahigaan ni lola. Hinawakan ko ang kamay niyang may nakakabit na dextrose at hinihimas ko iyon.

“ysay uwi muna ako at kukuha ng mga damit ni valeria. Babalik rin ako kaagad.”

Tumingin ako sa kanya at tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.

“ikaw may kailangan ka ba? Baka nagugutom ka? Ibibili kita ng pagkain.”

“wag na nay. Busog pa naman ako eh. Pahatid ka nalang kay mang renato at mag inagat kayo.” Sabi ko saka lumabas ng kwarto si nanay minda.

Mag-iisang oras na mula ng dumating ako ay di pa rin nagising si lola ng may pumasok na  doctor.

“good afternoon po doc.” Bati ko sa doctor. “kamusta po ang lagay ni lola?”

“good afternoon din sayo. Base sa test na ginawa namin sa lola mo, her heart is weak kaya konting pagod lang ay naninikip na ang dibdib niya.”

Napaiyak ako sa sinabi ng doctor pero kailangan kong tatagan ang loob ko ngayon at di ako pwedeng maging mahina.

“Maliban don wala na kaming nakitang komplikasyon sa katawan niya. So kailangan niya ng tamang pahinga, bawal sa kanya ang mapagod at mastress. Minsan din makakasama rin sa kanya ang sobrang pagkattuwa.”

Nakahinga ako ng konti sa mga sinabi ng doctor pero kailangat pa rin mag-iingat para iwas sa komplikasyon sa puso.

“pwede na rin siyang lumabas bukas o sa susunod na araw.”

“maraming salamat po doc”

Bingyan muna niya ako ng reseta ng mga gamot  na kailangan bilhin bago siya lumabas ng kwarto.

Kinabukasan ay inasikaso ko ang hospital bill para makalabas na si lola. Ayaw daw niya manatili ng matagal ditto dahil pakiramdam niya ay mas lalo siya magkakasakit. Ayaw na ayaw niya ang amoy ng hospital.

Ralph’s POV

Nagising ako sa matinding pagyugyog na kama ko.

Will You Be My Mommy? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon