WYBMM (chapter 7)

2.7K 98 5
                                    

convo with my sister

sis: ate bat busy ka dyan? ano ba yang ginagawa mo? nag-aaral ka ba? wala ka namang pasok..tapusin mo na lang yong pinasulat ko sayo yung sa prac 2.

me: wala namn (nagpapakafrustrated writer lang naman ako dito). photocopy mo na lang tinatamad na ako eh.

(hehehe.. tinatamad daw pero nagsusulat pala ng chapter 7)

#SHARE

so here is the update... ENJOY READING :)

****

CHAPTER 7

Ysabelle’s POV

Humagangos na tumatakbo ang lalaking papasok ng presinto. Mas lalong kinabahan ako sa mga sunod sunod niyang sinabi.

“Good morning sir. Im the one you called earlier tungkol sa batang nahanap niyo na.” tuloy- tuloy nitong sabi.

Di ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Tiningnan ko si Tashia na nakayakap sa akin. Nagtataka akong nang Makita kong walang reaksyon mula sa kanya.

Akala ko ba miss na niya ang daddy niya ng tanungin ko siya kanina habang papunta kami rito sa presinto.

 Pero laking dismaya ko ng malaman kong hindi ito ang mga magulang ni Tashia. Pero may parte rin sa akin na sorang saya dahil mahahabaan kahit konti ang pagsasama naming dalawa.

Matapos mag-usap ang dalawa ay umalis kaagad yong lalaki. Bakas rin ang sa mukha nito ang pag-alala at pagod dahil sa nangyari sa anak.

“Ms may isa pa kaming tinawag upang kompirmahin kung sila ba ang pamilya ng batang dinala mo rito.” Pagbibigay alam ng pulis sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala rin naman akong magagawa eh.

“mommy, pagnakabalik nap o ba ako sa amin, magkikita pa ba tayo?” malungkot na tanong ni Tashia sa akin habang di bumutaw ng yakap sa akin.

“yes, baby! Ill make sure of that!” masiglang sabi ko kahit taliwas ito sa aking naramdaman ngayon.

“promise?”

“promise!”

“pinky swear?” inilahad niya sa akin yong maliit na hintuturo at pinagdikit ito.

“pinky swear!” naalala ko tuloy noong bata pa ako ginagawa rin naming  ko ng mama ko kapag nag promise kami sa isat isa.

“I love you mommy!” alam kong nabawasan ang lungkot na naramdaman niya ngayon.

“I love you! I love you! I love you! I love you! I love you!” paulit ulit kong sabi at kiniliti siya.

Tawa lang siya ng tawa sa paglalambingan naming. Even for a day na magkasama kami, masasabi kong mahal na mahal ko na si Tashia.

Natatawa lang ding pinagmasdan kami ni Levie. Mayamaya pay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Kinuha ko iyon sa bag ko at nakita kong si nanay minda ang tumawag. Nagtataka ako kung bakit siya tumawag. Tatawag lang kasi ito pag may problema sa bahay.

Nagpaalam muna ako kay bbf na sagutin ko muna ang tawag at tumago lang siya. Lumayo muna ako ng konti.

“Helo nay! Kamusta ho? Bakit kayo napatawag?” tanong ko kay nanay minda.

Pero di ko inaasahan ang sagot niya. Parang naghina ako sa mga narinig ko mula sa kanya.

“Best ikaw muna bahala ditto. Kaylangan ko ng umalis eh!” natatarantang paalam ko sa kanya. Naiiyak na ako.

Will You Be My Mommy? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon