WYBMM (chapter 6)

2.7K 105 4
                                    

hello everyone.

inagahan ko ng dalawang araw ang update ko dahil nakalimutan kong busy pala kami sa friday. 50th birthday kasi ng uncle ko and thats a big occasion since its silver na ang 50.

exam din namin sa monday kaya magiging busy din ako sa weekend. alam niyo na buhay estudyante eh :))

so guys enjoy sa UD na ito.

***

Ysabelle’s POV

Tapos ko ng palitan ng damit pantulog si Tashia at ngayon ay mahimbing na natutulog sa gitna ng aking kama. Nakaligo na rin ako at naka damit pantulog.

Umupo ako at pinagmasdan siyang matulog. Hinawi ko ang buhok na tumabing sa kanyang mukha para matignan siyang mabuti.

Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi at hinalikan ko. Pinagsawaan ko muna siyang tingnan bago ako nagdisisyong mahiga sa tabi niya.

Naalimpungatan siguro siya nang maramdaman ang pagtabi ko dahil gumalaw ito.

“mommy” inaantok niyang sabi.

“ssshh. Tulog ka na. ditto lang ako at babantayan kita.” Sumiksik siya sa akin at niyakap ako.

“I love you mommy” sabi niya bago tuluyang pumikit uli.

Niyakap ko rin siya at hinapit siya palapit sa akin.

“I love you too baby” madamdamin kong sabi sa kanya bago ko naisipang pumikit.

Hayyyy.. ano ba naman ito. Bakit di ako makatulog.

Tiningnan ko ang relo na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko. Mag-aalas 2 na ng madaling araw pero heto ako dilat na dilat.

Tiningnan ko si Tashia sa tabi ko. Buti pa siya mahimbing at malalim na ang tulog. Tingin ko nasa dreamland na siya ngayon. Naingit tuloy ako.

Nagawa ko na lahat para lang makatulog. Pinilit ko ng pumikit but still no use. Sinubukan ko ng magbilang ng tupa pero wa epek pa rin. Bumaba na ako at nagtimpla ng gatas pero wala pa rin.

Bakit ba kasi di ako makatulog?

Kasi iniisip mo na naman ang pinag-usapan niyo ni Levie kanina at di rin mawala sa isipan mo si…j you no

Napailing na lang siya sa kanyang naisip.

Di ko siya iniisip. Kontra ng isang bahagi ng utak niya.

Nababaliw na talaga ako. Dapat ang isipin ko ngayon ay si Tashia. Tama si tashia nga dapat ang isipin ko. Pano ko siya isasauli bukas? Anong sasabihin ko sa mga magulang niya.

Yon ang huling naalala ko bago ako makatulog ng tuluyan.

Ralph’s POV

“ Kuya, pahinga ka muna baka mag kasakit ka pa sa ginagawa mo” nagalalang sabi ni Kim sakin.

Nandito ako ngayon sa balkonahe ditto sa kwarto ko. Kararating ko lang galing sa prisinto para magreport sa pagkawala ng anak ko.

Tumango lang ako sa kanya bago tumayo at tumalikod. Nagpunta muna ako ng banyo para maligo at marelax ng konti.

Paglabas ko wala na si kim sa kwarto ko pero na pansin ko ang tray ng pagkain na nakalapag sa table sa mini sala ditto sa loob ng kwarto.

Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. wala pa pala akong matinong nakain mula ng dumating ako dito galing Davao.

Napagpasyahan kong kumain muna bago mahiga. Pero nawalan ako ng ganang kumain nang maisip ko ang anak ko.

Nakakain na kaya siya? Ano ba ang kinain niya? Masarap kaya? Gusto kaya niya ang mga nakakain niya? O baka naman di pa siya kumakain

Will You Be My Mommy? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon