WYBMM (chapter 4)

2.9K 104 10
                                    

Hi sa inyong lahat:)

sobrang saya ko nang makita kong lagpas na ng 100 ang nagbabasa nito story ko..maraming maraming salamat po

heto na po ang Update san magustuhan niyo.

****

RALPH'S POV

“kuya Ralph!” tawag sakin ni kim nang makababa ako ng kotse.

“kim anong balita?” agad kong tanong sa kanya

“kuya, wala pa rin eh.” Kita ko ang matinding pagaalala sa mukha niya.

Gabi na kasi at mag lilimang oras ng nawala si tashia. Ghad! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding kaba. Di ko alam ang gagawin ko. Kung may mangyari sa aking anak di ko mapapatawad ang sarili ko.

Hinilot ko ang ulo sa tindi ng sakit nito. Wala pa akong matinong tulog mula noong umalis ako papuntang davao.

“wala bang tumawag o ano man tungkol sa pagkawala ni tashia?” tanong ko habang papasok kami ng bahay.

“wala eh pero nakahingi na ako ng tulong sa mga kaibigan kong may koneksyon sa nauukulan.” Tumingin lang ako sa kanya habang nag-iisip kong papano mahahanak si tashia.

“Kuya everything will be okay. Makikita natin si tashia.” Pagaasure nito. Pero alam kong guilty ito sa mga nangyari pero di ko sya kayang sumbatan sa sarili kong  kapabayaan.

I did everything I can para sa business ko pero sarili kong anak napabayaan ko.

Before my wife passed away, I made a promise to her that I will look after tashia. Ill do my best to be a good father to her. But now I failed. Alam kong nadidisappoint ko nang masyado si jessa, my wife kung sakaling buhay pa ito.

Flashback

“yes! Yes! “ Iniikot ikot ko sa ere si Jessa ng sabihin niya saakin na buntis siya ng dalawang buwan. Masayang –masaya ako sa ibinalita niya sa akin.

Anim na buwan pa lamang mula ng ikasal kami. We were both 20 that time. Alam kong bata pa kami pero dahil mahal naming ang isat-isa na pagdisisyonan naming magpakasal.

Kaklase ko si jessa ditto sa states. isang Half Filipino half American. Ditto na ako sa States nga-aral ng college dahil ako ang magmamana ng business ni daddy.

Mabait si jessa. Nung una di niya ako kinikibo pero patuloy ko parin siyang kinakausap.

Di nagtagal naging matalik kaming magkaibigan. Naging magaan ang loob naming dalawa sa ist-isa.

One year after niligawan ko si jessa at tatlong buwan lang akong nangligaw bago niya ako sinagot.

masayang Masaya ako nong panahon na iyon.ginawa ko lahat para mapasaya siya.gaya ng iba hindi perpekto an gaming relasyon. Away bati din kami.

“Ayyyy! Teka lang!” angal nito sakin. “ibaba mo nga ako. Nahihilo ako sa ginagawa mo eh”

Binaba ko siya at hinalikhalikan ang kanyang pisngi. I cannot express what im feeling right now.

“I love you” madamdamin kng sabi sa kanya.

“I love you too!”

Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinaplos ang kanyang tiyan.

“ hi baby. Its me daddy. Just stay healthy. Wag mong pahirapan ang mommy mo huh. I love you baby” sabi ko at hinalikan ang kanyang tiyan.

Gaya ng ibang buntis nakaranas din si jessa ng morning sickness at paglilihi.

Tindi nga niyang maglihi eh. Kapag nakita ako kinukurot ako sa ilong at di titigil hangat hindi namumula. Ginigising din niya ako sa madaling araw kapag may naisipang kainin. Okay lang kung mga matinong pagkain like ice cream , chocolate cake, etc. pero kung magpapabili ng prutas tulad ng grapes na walng buto at iba pa, san ka naman kaya kukuha non? Kung di mo mabibigay di ka kikibuin ng isang lingo o higit pa.

 pinagtitiisan ko lang nga eh kasi mahal ko at iniintindi ko dahil sa kalagayan niya.

Wala ding mintis ang pagsama ko sa kanya sa monthly checkup niya sa kanyang doctor. Tuwang tuwa kami nang malaman naming ang gender ng baby naming noong 5 months na siyang buntis.

Nagalit ako sa kanya nang di ko sadyang marinig ang paguusap nina jessa at ng kanyang ate. Bawal pala sa kanya ang magbuntis dahil sa sakit nita. Tinago niya sa akin ng mahigit tatlong taon naming magkilala. May sakit pala siya sa puso. Her heart is weak..

Di ko alam ang gagawin ko nang malaman ko ang kalagayan niya. Pero pinaintindi niya sakin na gustong gusto niyang magkaanak kaya di niya sinabi sa akin.

Hanggang dumating ang araw na manganganak na siya. She made me promise that whatever happen I will always choose the baby.

“yes, I will do that” sabi ko kahit masakit para sa akin ang mamili. Buhay ng mag-ina ko ang nakataya ditto.

Ng araw na iyon nasilayan ko ang pinakamagandang babaeng mamahalin ko habang buhay. I name her Natashia dahil yon ang gusto ni Jessa. Pero nilagyan ko ng Belle as her second name dahil sa napaganda niya.

Pero ng araw ding iyon nawala ang napakabait at napakamapgmahal kong asawa. Labis labis ang lungkot na nadama ko ng panahon na iyon. Kung di dahil sa mga magulang at mga kaibigan ko di ko makayanan ang malampasan ang paghihirap at lungkot na nadarama ko.

Napagdidisyonan kong maging matatag at mag move on sa buhay dahil andiyan pa si tashia ang buhay na alaala na iniwan sa akin ni jessa.

***

helo po sayo ms Author , Miss_Sixteen sayo ko po dinidedicate tong chapter na ito kasi sobrang inspired po ako sa Take Me To Your Heaven na gawa mo. sana magustuhan mo po.

pasensya na po sa malimaling spelling, grammar,etc.

pls vote and comment :)

open din po ako sa mga suggestions

next update: try on Sunday pero di pa sure :)

Date: August 28, 2014

Will You Be My Mommy? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon