"Ganda! Matagal ka pa ba?" Walang tigil na tanong ni Dion kay Rosario habang walang patid na kinakalampag ang pintuan ng kanyang kwarto.
"Teka. Patapos na po." wika ni Rosario habang naglalagay ng lipstick.
Eto siya ngayon at minamadali ni Dion sa pag-aayos. May dadaluhan daw kasi itong selebrasyon ngayong gabi. Isa daw itong malapit na kaibigan ng pamilya nila. Kaya kasama din ang mga magulang nito. Wala daw itong kasamang date kaya siya na lang daw. Tutal siya naman daw ang unang nagwasak sa puso nito. Harujosko!
"Pwede pa-jingle muna? Ihing ihi na ako eh."
"Eto na. Dapat kanina mo pa sinabi. Nagme-make-up na lang naman ako. Pasaway ka talaga." wika niya habang inaayos ang kanyang light pink dress. Binuksan niya ang pinto upang makapasok na ito. Natawa siya sa itsura nito. "Dr. Fidel. Meron naman pong banyo sa lobby. Tiniis mo pa talaga ah. Oh. Dalian mo na at baka malate pa tayo sa kalokohan mo." Dali-daling pumasok ito sa banyo.
"Ganda!" wika nito pagkalabas ng banyo.
"Oh?" tiningnan niya ito sa repleksiyon ng salamin habang patuloy na inaayos ang kwintas sa kanyang leeg.
"Ang ganda mo talaga.. wala akong masabi. Tsk." ngiting-ngiting umiling-iling pa ito.
"Heh! Tara na nga at nang makauwi din tayo ng maaga." kinuha niya ang kanyang purse at umabrisyete dito. "Tara na!"
---------------------------------------
"Ganda. Bibili lang ako ng flowers ah. Diyan ka lang." Huminto ito sa tapat ng isang kilalang flowershop."Bibili lang din muna ako ng coffee dun sa tapat na coffee shop."
"O sige. Puntahan na lang kita doon pagkatapos ko."
"Okay!"
Pagkalabas ng kotse ay kaagad siyang nagpunta sa katapat na coffeeshop at nag-order ng dalawang Vanilla Frappe. Naupo siya malapit sa counter para makuha agad ang kanyang inorder. Napagpasyahan niyang maglaro muna upang maibsan ang pagkabagot niya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, bigla namang tumilapon ang kanyang cellphone nang may nakabangga sa kanyang lalaki at lumanding sa inumin ng babae sa kabilang table.
"Ganda!" napasugod sa kanya si Dion at inilayo siya sa dalawang lalaking nagrarambulan. "Okay ka lang? Nasaktan ka ba? Saan ang masakit?"
"Yung.. cellphone ko!" Nanlumo siya nang iahon niya sa mainit na kape ang kanyang cellphone. Nag-blackout na ang screen nito. "Dion! Yung farm ko!" Inalog alog niya pa ang kanyang cellphone para mabawasan ang mainit na likidong umaagos mula dito.
"Anong farm?" ibinalot nito sa panyo ang kanyang pobreng cellphone.
"Itapon mo na yan. Bumili na lang tayo mamaya sa madadaanang mall. Hindi ko pa naman alam password ng gmail ko. Paano ko mareretrieve yung farm ko?" napalabi siya. Mataas pa naman na ang level niya sa Hay Day.
"Kasalanan to nung pasaway na kambal na yun eh. Mag-aaway na lang dito pa. Hayaan mo sisingilin natin sila." Inayos pa ni Dion ang kanyang dress at saka siya hinila palabas ng establishimyento.
"Kilala mo sila?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Oo. Dun yan nakatira sa Golden Ridge. Kapitbahay ko yan.. at magiging kapitbahay mo rin. Masasanay ka rin sa dalawang yun. May nagawa nanaman siguro si Daniel at nag-amok yung Kuya Samuel niya sa publikong lugar."
"May tumatawag pa naman sa akin kanina. Di ko nga lang nakita kung sino. Pero hayaan mo na kung kliyente naman yun kay Krystal didiretso yung mga yun."
"Pasensya ka na talaga ah. May pagka-sintu-sinto talaga yung mga kumag na yun eh."
"Okay lang yun. Cellphone lang naman yun eh. Tara na at baka mahuli pa tayo."
---------------------------------------Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay narating nila ang isang exclusive village sa Tagaytay na pawang mga milyonaryo at bilyonaryo lamang ang nakakatapak. Hindi biro ang mga mansyon na kanilang nadadaanan na halos isang kilometro pa ata ang layo sa mismong gate ng mga ito. Iba iba man ng istilo ang mga mansyon ay may kanya kanya naman itong taglay na kagandahan. Huminto ang kotse nila sa tapat ng isang Spanish styled gate na makikita mo lang sa mga royal palace, awtomatikong bumukas iyon nang banggitin ni Dion ang pangalan niya.
"Wooooooow! Sa Spain lang ako nakakakita ng mga ganitong mga structures." hindi niya mapigilang mapahanga sa kanyang nakikita.
"Siyempre. Espanyol ang nakatira diyan eh."
"Weh? Di nga?"
"Oo nga."
"Edi wow!" malayo pa man ay natatanaw na niya ang malawak na mansyon sa gitna ng malawak na lupain. "Ang ganda talaga. Ganito ang gusto kong ambiance ng bahay. Parang nasa ibang bansa."
Nag-parking si Dion sa tabi ng isang pulang sports car. Siguro mga dalawampung mamahaling kotse pa ang nakabalandra sa parking area. Shet. Wa ako ma say! Ang yaman.
Pagkapasok nila sa mansyon ay may mahigit na dalawampung kawaksi ang sumalubong sa kanila. Wew. Speechless aketch.
"Halina po kayo sa hapag, Senyorito Dion. Hinihintay na po kayo ng Don." wika ng mayordoma at iginiya na sila sa hapag.
Nahigit niya ang hininga niya ng makita kung sinu-sino ang nakaupo na sa harap ng hapag.
Omg! This can't be..
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
RomanceNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...