Chapter 3

11.5K 294 3
                                    

Nanlumo si Rosario sa nalaman. May girlfriend na pala ang pinapangarap niyang si Andres. May pa-babe babe pa! Ano yun baboy? Kainis! Mamaya nga asawa niya na yun. Ayaw kong maging kabit! Grrr.

Napagpasyahan niyang umalis na para mapaaga ang dating niya sa Tagaytay. Huminto lang siya para kahit paano ay mag-agahan sa isang maliit na karinderya. Malayu-layo pa kasi ang kanyang tatahakin kaya naman kakain muna siya.

"Isang order nga po ng adobo na may itlog atsaka po isang kanin." wika niya sa tindera.

Napatingin sa kanya ang mga kasabayan niya. Napakunot ang noo niya. Ngunit agad din naman ngumiti.

"Bawal na ho bang kumain ang nagugutom? Wala pong pinipili itong mga alaga ko." napangiti na rin ang mga ito at magiliw siyang inasikaso.

"Eh. Ang amin lang naman miss ay hindi ka bagay dito. Mukha ka naman mayaman pero bakit dito ka pa nakain." wika ng manong na nasa tapat niya.

"Kahit saan naman po pwede akong kumain hindi naman po ako mapili atsaka mukhang mas masarap kumain dito kasi open ang lugar. Mas malalanghap mo ang hangin. Mukha nga hong masarap magluto itong si Manang eh. Tingnan niyo ang dami natin dito." ngiting sagot niya habang inililibot ang paningin sa karinderya. Halos lahat ay nakatingin sa kanya. Karamihan sa mga ito ay mga trabahador na kasama ang mga asawa nito. Marahil may isang pananiman na malapit dito. Mukhang mga magsasaka ang mga ito.

"Nako, ne! Da bes magluto yang si Manang Flor! Iyan ata ang ipinagmamalaki naming tagaluto dito sa bayan namin." wika ng isang may katandaan nang lalaki.

"Nako! Tumigil ka na sa kakabola diyan at kumain ka na lang diyan, Berting." nakangiting sambit ni Manang Flor.

"Heto naman si Manang para namang aders!" nagtawanan sila. Pinagsilbihan siya ni Manang Flor habang patuloy silang nagku-kwentuhan ng mga trabahador.

"Nga pala, ne. Anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba?" tanong ng isang lalaking marahil kaedadan ni Manang Flor.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Ay. Naku! Hindi ho ako naliligaw. Alam ko ho ang daang tatahakin ko. Nagutom lang po talaga ako kaya naman po napagpasyahan kong tumigil muna at kumain." nakangiting sagot niya.

"Saan ka ba patungo, ne?" tanong ulit ng matanda.

"Ah. Sa Tagaytay po." wika niya habang pinupunasan ng panyo ang bibig niya.

"Tagaytay? Magbabakasyon ka ba?" tanong ng isang babaeng inaasikaso ang asawa.

Napangiti siya. "Hindi po. Ako ho'y may aasikasuhin lang."

Napatango ang mga ito. Dumating ang ilan pang mga lalaki at ang isang matandang lalaki na may dalang isang kaing na mangga.

Napasinghap siya. "Lolo!" nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na ito ang matanda lalaki na nakilala sa fast food kahapon.

Napakunot ang noo ng matanda nang bumaling sa kanya at agad naman siyang nakilala. "Rosario." napangiti ito. "Anong ginagawa mo dito, hija?" umupo ito sa harap niya.

"Don Alfonso, magkakilala ho kayo nitong si ne?" tanong ni Manang Flor.

"Ganitong ganito ko siya naabutan sa isang restaurant kahapon. Kumakain ng parang walang bukas." natawa ang mga trabahador pati ang matanda sa harap niya.

"Naman, lo! Wag niyo naman ipagkalat na matakaw ako. Mamaya hindi na ako papasukin sa mga restaurant niyan eh." nakangiting sabi niya. Nagtawanan naman ang mga ito.

"Oo nga pala, hija. Anong meron at napadpad ka sa barrio namin?" tanong nito sa kanya. Ngunit bago pa siya makasagot ay sumagot na ang lalaking nagtanong nito sa kanya kanina.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon