Pagkatapos maligo ni Andrew ay tinulungan niya itong magligpit ng gamit nito. Ini-lock nila ang kwarto at bumaba na. Pagkapasok sa elevator ay may mga nakasabay silang grupo ng babae na hindi magkamayaw sa pagtitig kay Andrew. Tila bale wala naman ito iyon dito. Huminto ang elevator sa 15th floor at may bagong grupo nanamang pumasok. Sa liit niya ay hindi malayong mapipi siya. Nagulat siya nang isandal siya ni Andrew sa katawan nito at ipinalibot ang braso nito sa baywang niya. Napalunok siya. Napatingin siya sa paligid. Lahat ng mga ito ay nakatutok ang atensyon sa kanila. Ene be?! Alam kong bagay kami! Wag nemen keyeng genyen! Emeged! Agad na hinawakan ni Andrew ang kamay niya at hinila siya palabas sa elevator pagkabukas na pagkabukas nito. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito.
"Where do you want to go?" he softly said while intertwining their fingers.
"Ewan ko. Teka! Bakit mo ba hawak ang kamay ko? May pa-HHWW ka pang nalalaman diyan!" she rolled her eyes. Pero deep inside kinikilig siya. She never held a man's hand before. Siguro dahil NBSB siya or No Boyfriend Since Birth.
"Ano yung HHWW?" curious na tanong nito habang patuloy nilang binabaybay ang lobby ng hotel.
"Holding Hands While Walking."
"Ah. Wala lang. Your hand fits in mine perfectly. Atsaka.. I like holding your hand." he shrugged while smiling at her.
Hmp! Kung hindi ka lang gwapo tsansing na ito!
"Nuod tayong sine! Ano ba magandang palabas ngayon? Ang tagal ko nang hindi nakakapanuod ng sine eh." sabi nito.
"Malay ko. Hindi ako mahilig sa ganyan eh. Sa TV lang ako nanunuod. Ang boring kayang pumila pa para sa ticket. Atsaka uso na ang download ngayon sa internet."
"Sabagay." he said while pinching her cheeks.
Pagpasok nila sa mall ay kaagad siyang napakapit sa braso ni Andrew. Napatingin ito sa kanya.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Nothing.. natatakot lang akong mawala. Wala akong sense of direction.." she pouted at him.
"Hay! Akala ko naman kung ano!" he wrapped an arm around her shoulders. "Wag kang mag-alala! Andito lang ako sa tabi mo. Hindi ako mawawala." nakangiting wika nito.
Nagikut-ikot muna sila hanggang sa mapagod. Napagdesisyunan nilang mag-kape muna sa Starbucks. Um-order siya ng Vanilla Frappe at ito naman ay Americano. Umupo sila sa isang tabi na hindi masyadong inuokupa ng mga customers para tahimik ang paligid.
"So.. paano mo nga pala nakilala ang Lolo ko?" he slowly sipped on his coffee.
"Well.. nakilala ko siya sa isang restaurant malapit sa Tagaytay proper. Sobrang gutom na ako nung araw na yun.. as in! Kaya naman huminto muna ako sa isang restaurant para kumain. Ang haba ng pila nung araw na yun. Eh yung mga alaga ko sa tiyan nagwawala na. Narinig ng Lolo mo yung pag-aalburoto ng tiyan ko. Buti siya lang ang nakarinig. Sobrang nahiya talaga ako. Kaya binilisan ko ang pag-order at umupo sa isang tabi para kumain. Nagulat nga ako nung umupo siya sa harap ko para humingi ng tawad sa pagtawa niya eh. Kaya ayun! Nagpakilala siya." nakangiting napailing na lang siya.
"He invited you to go to our hacienda after that?"
"No. Actually, that's a different story. Two days after nung meet and greet namin ni Lolo Alfonso. Nagutom nanaman ako. So on my way to Tagaytay nanaman natanaw ko yung karinderya ni Manang Flor. Nung una nga parang nagtaka pa sila na may isang babaeng naka-dress na sasalo sa kanilang kumain. Ang sabi ko naman walang pinipili ang taong gutom. Nagkakuwentuhan kami ng kaunti at doon ko nanaman nakita ang Lolo mo. Pinakain pa nga ako ng mangga na may bagoong eh." nakangiting wika niya habang sinisimsim ang Vanilla Latte niya.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
Storie d'amoreNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...