Kakagising lang niya. Eto na ang pinakahihintay niyang araw sa buong buhay niya. Ang pagbubukas ng panibagong chapter ng buhay niya. Ang pagbubukas ng Tesoro del Rosario! Yey! Bakit ano ba akala niyo? Hehehe. Agad siyang naghanda para sa party mamayang gabi. Inayos na niya ang mga susuotin niya at ang mga gamit niya. Naligo na siya at nagpalit ng simpleng mint colored shirt which she tucked inside her white high waisted shorts at isinuot ang mint colored niyang Ipanema slippers. She let her hair down. Nag-apply siya ng kaunting make-up at bumaba na.
Pagkababa niya ay naabutan pa niyang nagkukwentuhan ang kaniyang mga magulang pati na ang mga magulang ni Andrew. Noon pa man kasi ay malapit na ito sa isa't-isa kahit na sa telepono lang ito nagkakausap. Napangiti siya.
"Kumain na po ba kayo ng agahan?" nakangiting tanong niya sa mga ito habang isa-isang hinalikan ang mga ito sa pisngi.
"Nauna na kami, anak. Kumain na kayo ni Andrew. Kanina ka pa hinihintay na magising nun." nakangiting wika ng ama amahan niyang si Daddy Dre.
"Nasaan na po ba ang gwapong kumag na yun?" nakalabing wika niya.
Nagulat siya nang may mga bisig na pumaikot sa baywang niya at yakapin siya mula sa likod. "Here." hinalikan nito ang sentido niya.
Pagtingin niya rito ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. He was grinning from ear to ear. Hinampas niya ang braso nito. "Ano ka ba! Nakakahiya sa kanila." she was blushing hard.
"Naku, anak. Wag ka na mahiya sa amin! Natulog na nga kayong magkasama sa iisang kwarto, hindi ba?" tudyo ng ama niya.
Mas lalo yatang namula ang mukha niya. "Pa!"
"Totoo ba iyon, hija? Are we expecting a grandchild soon?" excited na wika ng Mommy Ursula niya.
"Ma! Unang una sa lahat hindi pa ho kami kasal. At pangalawa.. ginagalang ko ang pagkababae niya. Hinding hindi ko ho siya gagawan ng masama." seryosong wika nito.
She was touched and kissed his chin.
"Pwera na lang kung gusto niya na!" he playfully added.
Hinampas niya ang dibdib nito. "Heh! Magtigil ka nga! Manyak ka talaga!"
Nagtawanan ang mga magulang nila.
-------------------------------------
Natapos ang preparation ng bandang alas kuwatro ng hapon kaya naman may tatlong oras pa sila para maghanda para sa gaganaping party. Umidlip muna siya at naghanda na pagkagising niya. Pagkatapos ng ilang oras ay tapos na siya. Tiningnan niya ang repleksiyon sa salamin. Oha! Ano say mo! Hahaha. Ang ganda ko talaga! Char! She was wearing a white tube cocktail dress and a pair of white pumps. She also paired it with her white pearl earrings. She tied her hair up in a bun and retouched her lipstick. Napangiti siya. Para siyang bride. Kulang na lang veil at ang groom. Hashtag landi pa more! Hahaha.
Napatingin siya sa orasan. Omg! 7pm na pala! Bakit hindi pa nila ako tinatawag?!
Agad siyang bumaba at dahan dahang lumabas sa malawak na garden. "Hala! Nasaan sila?" nagpapanic na tanong niya sa sarili. Sobrang dilim kasi sa garden na halos wala na siyang makita. Huhu! Sana wala namang mumu dito!
Halos mapatalon siya nang biglang may tumugtog na violin. Nasilaw siya nang biglang umilaw ang spotlight at tumutok sa kanya.. teka.. umuulan ng rose petals galing sa langit? Ngayon lang niya napansin ang helicopter na nagpapaulan nun. Napatingala siya. She squinted her eyes. Teka.. sila yung mga taga-Golden Ridge ah.. what is happening? Can somebarreh tell meh?
Nagulat naman siya nang kunin ng ama niya ang kamay niya at isayaw siya sa gitna ng garden. "Pa, what is happening?" naguguluhan niyang tanong.
Ngumiti lang ang ama niya at iniabot ang kamay niya kay Daddy Dre niya. "Daddy.. can you tell me what is happening?" desperadong tanong niya rito. Ngiti lang din ang sagot nito sa kanya. Nagulat siya nang biglang sumulpot si Dion at isayaw din siya. "Mr. Fidel! What is happening?" bulong niya rito. He just shrugged and smiled.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
RomanceNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...