Chapter 20

9K 257 1
                                    

Napakunot noo si Andres Sr. aka Daddy Dre nang makita siya. "Anak?"

Nahigit naman ni Mommy Ursula niya ang hininga nang makita siya. "Anak! Matagal ka na naming gusto uli makita!" sinugod siya nito ng yakap.

"Bakit hindi ka namin ma-contact?" tanong sa kanya ng Daddy Dre niya.

She was speechless. Nandoon kasi sa hapag ang lalaking isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa kanya. Katabi nito ang 'fiance' nitong si Amor at ang lolo't lola nito.

Pinisil ni Ursula ang pisngi niya. "Anak! Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo diyan!"

"U-Uhm.." nakatitig pa rin siya kay Andrew.

Wari'y nahimasmasan si Don Alfonso nang makita siya. "Sandali! Anak? Anak niyo si Rosario?" nakakunot noong tanong nito.

Nakatitig pa rin siya kay Andrew. Hindi niya alam ang gagawin ngayong nakita niya na ito pagkalipas ng isang linggong pangungulila dito. Oo. Inaamin niya. Sa maiksing panahong nakasama at nakilala niya ito ay nahulog na ang loob niya dito.

"Ah.." tumikhim si Dion. "Tito at Tita. Aksidente pong nasira ang cellphone niya nung papunta na kami dito eh." nakangiting paumanhin ni Dion. Iginiya na siya nito sa upuan.

Tumikhim na din si Daddy Dre at tinulungang umupo si Mommy Ursula sa tabi nito. "Hindi namin siya anak, Pa. Anak anakan lang namin siya sa Espanya. Ewan ko ba diyan at hindi na bumalik doon nang nakapagpundar na ng sarili niyang negosyo dito sa Pinas." nakangiting wika ni Daddy Dre.

"Ah! Ako'y kinabahan dun, anak. Akala ko'y bunsong apo ko na itong si Rosario." hawak pa nito ang dibdib nito.

"Magtigil ka sa pagdadrama mo diyan, Alfonso!" mahinang tinapik ni Donya Corazon sa braso ang asawa. "Rosario, hija. Natutuwa ako at kilala mo na pala ang aking anak na si Andres Sr. at mas lalo akong natuwa nang makitang nagkakamabutihan na kayo ni Dion." kinindatan pa siya nito.

Hindi pa rin siya makapagsalita. Masyadong maraming tanong ang nasa utak niya. Tahimik na nakatitig lang sa kanya si Andrew habang ang katabi naman nitong si Amor ay busy sa pagtitipa sa cellphone nito.

"Bagay ba kami, la?" pabirong inakbayan pa siya ni Dion.

Tumikhim si Andrew at umalis sa hapag. Napakunot noo siya. Sinong matinong lalaki ang iiwan sa fiance niya sa hapag?

"Hey! Sorry I'm late! Masyadong marami akong inasikaso sa office eh."

Napatingin siya sa bagong dating na si Andres. Nagulat siya nang halikan nito sa labi si Amor. Omg! Is it real? Is it real? Pero diba.. Cherry.. ang pangalan ng fiance ni.. Andres? Or.. Cherry and Amor is iisa? Hashtag Mental Breakdown.

"Oh! Rosario? Andito ka pala?" nakangiting wika ni Andres habang umuupo katabi ni Amor.

"Ah.. y-yes. I came here with Dion." matipid na sagot niya.

"Ah. Dion.. siya ba si Ganda?" nakangising tanong ni Andres kay Dion.

Namula ang mukha ni Dion.

"Ang babaeng unang nambasted sa'yo?" nakangising tanong naman ni Cherry.. or Amor.

"Binasted ka ni Rosario? Pero bakit naman, hija?" nakakunot noong tanong ni Donya Corazon.

Tumikhim si Don Alfonso. "Ehem.. Andrew.. ehem."

Napangiti si Daddy Dre. "Talaga, Pa?"

Napatili si Mommy Ursula. "Kailan ang kasal? Magkakaroon na ba ako ng apo? Gusto ko sampu ah. Kaya mo ba yun, Rosario anak?" ngiting ngiting wika ng ginang.

Napangiwi siya. Natatawa naman si Dion sa tabi niya. "Eh.. wala naman ho kaming relasyon ni Andrew eh." malungkot na ngumiti siya.

"WHAT?!" nabingi siya sa sabay sabay na wika ng lahat ng nasa hapag.

"Ang tanga naman ni Andrew kung hindi ka niya niligawan, Rosario. Ako mismo ang babatok dun sa tanga kong anak." iling iling na wika ni Daddy Dre.

Natutop ni Mommy Ursula ang noo. "Oh my! Akala ko pa naman hindi torpe ang anak ko. Mana pala sa tatay niya."

Natawa si Daddy Dre. "Torpe ka diyan! Halikan kita diyan eh."

Namula naman ang mukha ng ginang. "Heh!"

Napangiti siya sa gawi ng mga ito. Hay.. sana ganyan din kami ng Future Husband ko. Sobrang sweet pa din kahit may edad na. Hashtag Relationship Goals.

Siniko siya ni Dion at bumulong. "Sundan mo si Andrew. Andun yun sa garden."

Napakunot ang noo niya at gumanti ng bulong dito. "Why would I do that? Siya tong hindi nagparamdam ng isang linggo." napasimangot siya.

Napangiti si Dion. "Way niya yun para mamiss mo siya."

"Utut niya panis. Bahala siya manigas siya diyan. Naiihi ako. Excuse me." tumayo siya at pumunta sa CR. Pagkatapos umihi ay nagretouch lang siya ng kaunti at lumabas na uli.

Siya itong hindi nagparamdam tapos tititig titig lang siya. Wala man lang 'Hello!'. Bahala siya diyan. Che!

Nagulat siya nang may humatak sa kanya at ipinasok siya sa isang kwartong madilim. Isinara agad nito ang pinto at narinig niyang ini-lock nito sa labas ang pinto.

"Oh my gee! Hey! Open the door! Hey!" walang tigil na kalabog niya sa pinto. Shet lang! Ang dilim wala akong makita!

May nakapa siyang light switch sa gilid at binuksan iyon. Nandoon siya sa kulay itim at asul na kwarto. Nasaan akong lupalop ng mundo? Naupo siya sa kama at tinanggal ang sapatos niya. Bahala na nga. Kainis! Pakana to ni Dion! Humanda talaga yung kumag na yun sa akin kapag nakalabas ako dito. Tsk!

Pinatay niya uli ang ilaw at humiga siya sa kama. Ano kayang problema niya? May pa-walkout walkout pang nalalaman. Ako nga mental breakdown na eh. Unang una, magkakapamilya silang lahat. Pangalawa, magkakapamilya uli sila. At pangatlo, putragis wala pa siyang fiance! Iyak iyak mode pa ako eh si Cherry at Amor pala ay iisa. Pucha naman Rosario oh! Kainis! Pero naiinis pa din ako kasi hindi niya ako kinontact man lang. Busit!

Niyakap niya ang unan at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Bubuksan niya sana ang kanyang mata nang marinig na bumukas ang pinto. Ngunit narinig niya ang boses nito.

"Damn! Kasalanan ko ito. Hindi ko siya kinontact ng isang linggo. Tapos ano na ngayon? Mukhang nagkakamabutihan na sila ni Dion. I was so fucking busy contemplating whether I am just fascinated by her or did I really fall for her. Fuck it! I love her! And I will do anything to get her from Dion!" inis na wika nito. Hindi niya alam kung may kausap ba ito o kinakausap nito ang sarili nito. Pero isa lang ang alam niya.. Mahal na din niya ito. Mahal na mahal.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon