Naglalakad lakad si Rosario sa paligid ng resort niya habang iniisip ang maari pang i-improve ng lugar. Spanish style ang kanyang naisip na konsepto ng kanyang resort. Doon niya nakuha sa Espanya ang ideya ng pagpapatayo ng resort na may feel na parang nasa sariling kabahayan lang. Ang ideya na kahit nagbabakasyon ay at home pa rin ang mararamdaman ng mga guests. Mayroon itong sariling gym, music room para sa mga gustong mag-karaoke, spa, movie room na pinalagyan niya ng mga kumportableng mauupuan, restaurant, bar, cafe, souvenir shop, hotel, pool, jacuzzi, convenience store at function rooms para sa mga balak magdaos ng mga meeting. Halos kumpleto na ang lugar. Hindi na kailangan pang lumayo kung saka-sakaling may ibang kakailanganin. Malawak din ang covered parking lot para sa mga sasakyan ng mga guests. Halos 100 ang mga taong nagsisilbi para sa ikaka-unlad ng kanyang resort. Mula sa mga cook, taga-linis, staffs, room service, waitress, receptionist, guards, atbp.
Pinag-iisipan pa nga niya kung ano pa ang mga pwedeng gawin sa natira pang bakanteng lupa sa paligid ng entrada ng Resort. Mula kasi sa entrada ay malayu-layo pa ang lalakbayin para makapunta sa mismong resort. May mga nakapaligid na mga bulaklak sa paligid nito na sinadya pa niyang ipa-disenyo sa kanyang kaibigang landscape artist sa Canada.
Naisip niyang maglagay ng greenhouse sa isang bahagi ng malawak na lupain. Dito kukunin ang mga kakailanganing gulay at iba pang panlasa para sa restaurant sa loob ng resort. Ngunit hihingi muna siya ng tulong sa propesyunal kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga gulay at iba pang pananim. Nais niya rin kasi na organic ang lahat ng gagamitin sa mga lutuin.
Nang mapagod sa kakaikot ay napagpasyahan na niyang bumalik sa kanyang kwarto. Naupo siya sa kanyang kama at tiningnan ang kalendaryo. Mahigit anim na buwan na rin pala siyang nakauwi sa Pilipinas. Matagal tagal na din niyang hindi natatawagan ang kanyang mga magulang. Matawagan nga sila Pudra at Mudra. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at idinial ang numero ng kanyang ama. Lumabas din siya sa balkonahe ng kanyang kwarto para makalanghap ng sariwang hangin. Makalipas ang ilang sandali ay sumagot agad ito.
"Anak! Mabuti pala at hindi mo pa nakakalimutan na may mga magulang ka pa." may hinanakit na sambit nito sa kabilang linya.
"'Tay naman. Nagdrama agad. Sorry na po. Alam niyo naman na ilang araw na lang ay matutupad na ang pangarap ko. Kaunting tiis na lang po at magkikita na tayo." sobrang nami-miss niya na ang mga ito.
"Alam naman namin. Nandyan ka ba ngayon? Kumain ka na ba? Kumakain ka ba ng tama sa oras? Inaalagaan mo ba ang sarili mo? Maganda ka pa rin ba? May boyfriend ka na ba? Kailan ang kasal? Mag-asawa ka na, ha?" sunud-sunod na wika nito. Hindi niya napigilang matawa.
"Ang dami naman agad sinabi, 'tay. Opo, andirito po ako ngayon. Kumain na po ako. Medyo hindi ko po nababantayan ang pagkain ko sa sobrang busy pero po kumakain naman po ako. Pinipilit ko hong alagaan ang sarili ko. Wala pa po akong boyfriend. Wala pa po akong groom, kaya kanino ako ikakasal? Saka na ho yang pag-aasawa. Bata pa ako 'tay. Pero hayaan niyo kapag nakahanap ako kayo ang unang makakaalam ni Mudra." napangiti siya nang humampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Wala sa loob na napabuntung-hininga siya nang maalala si Andres.
"Hi, babe." ito ang paulit ulit na naglalaro sa kanyang isipan.
Grabe! Kakakilala lang namin may jowa na kagad! Lord, why you do this to me? Minsan na nga lang po ako magkagusto sa isang lalaki eh taken pa. Minsan na nga lang tumibok 'tong puso ko sablay pa. Hay buhay nga naman.
Naputol ang pagdadrama niya nang marinig ang tatay niya sa kabilang linya. "Hoy! Ma. Rosario Costim Basa! Buhay ka pa ba?" Patay na ho ang puso ko. Nawasak at ngayo'y kailangan ko nanaman buuin. Masakit pero kailangan tanggapin. Na ang aking minamahal ay may minamahal na rin.
Hindi niya namalayan na nagsasalita pa rin ang kanyang tatay sa kabilang linya. "Naku! Itong batang ito. Tinulugan nanaman tayo, Virginia." Si Virginia ay ang nanay niya. Tanggap ko to aking sinta. Pangarap lang kita.
Narinig pa niyang sambit ng nanay niya na, "Eh kung ibinababa mo na yang telepono mo at kumakain ka na, Jose!" bago pa man makapagsalita ay naputol na ang linya. Napabuntung-hininga siya.
Kung bakit ba naman kasi may jowa na kagad si crush. Kakakilala pa lang namin, break na kagad kami? Lord, why you do this to me? Minsan na nga lang po ako magkagusto sa isang biyaya ng Niyo, sablay pa! Sayang.. perfect pa naman siya.
Dumiretso siya sa banyo para maligo. Napatingin ulit siya sa salamin. Tinitigan niya ang sarili. Hmmm.. Why don't you love me? Tell me baby, why don't you love me, when I made me so damn easy to love? I got beauty. I got class.. I got moves and I got ass. Ha! Napailing siya sa mga pinagsasabi. Nababaliw na talaga ako. Pati sarili ko kinakausap ko na. Makaligo na nga at nang bumango.
Pagkatapos maligo ay sinuot niya ang kanyang paboritong Panda onesie at humiga sa california king sized bed sa kwarto niya. Kaloka ang araw na itey! Kakastress. Joke. Wala naman ako masyadong nagawa today. Nganga lang. At least I met a few people. Makabalik nga dun para makakain pa ng mangga na may bagoong. Haha. Nagpagulong-gulong pa siya sa kama niya hanggang sa hilahin na siya ng antok.
---
Kinabukasan ay nagising siya sa huni ng mga ibon sa kanyang bintana. Napangiti siya. Hay.. This is life. Relax relax lang kapag may time. Itinali niya ng maayos ang kanyang buhok at tumayo upang buksan ang pintuan ng balkonahe para makapasok sa kanyang kwarto ang malamig at preskong hangin. Napapikit siya nang dumampi sa balat niya ang malamig at magaang hangin ng Tagaytay. Napayakap siya sa kanyang sarili. Hay.. Kailan kaya may yayakap sa akin kapag nilamig ako? Back hug ba. Yung nakapalibot ako sa mainit na mga bisig niya. Tapos nakatayo lang kami habang pinagmamasdan ang kagandahan ng view mula dito. Kailan kaya? I can't wait for that moment to come..
Mabilis niyang sinara ang pintuan nang sobrang nilalamig na siya. Naligo siya at pagkatapos ay nagsuot ng simpleng puting t-shirt at black skinny jeans na tinernuhan niya ng kulay gray na hoodie at itim na converse. Nag-apply siya ng kaunting make-up para naman hindi siya magmukhang zombie kapag may nakakita sa kanya.
Paglabas niya sa kanyang kwarto ay naabutan niya ang kanyang mga staff na nagbubuhat ng mga bath tub at jacuzzi para sa mga kwarto. Ito na lang ang kailangan at maayos na ang mga kwarto. Wala na silang problema at medyo makakapagpahinga na ang mga ito. Napangiti siya.
"Hey, earthlings! Nakakain na ba kayo ng--" tumingin siya sa kanyang relong pang-bisig. "--lunch?" napatigil ang mga ito at sabay sabay na umiling.
Tumango siya. "O sige. Magluluto lang ako sa baba at sabay sabay na tayo kumain." ngumiti siya sa mga ito.
Pagkababa niya sa restaurant ay agad na nagluto siya kasama ang kanyang mga kusinero't kusinera para sabay sabay na silang kumain. Nagluto sila ng Lengua, Paella, Shanghai, Morcon at Fried Chicken. Nagpasaing na din siya ng marami dahil hindi biro ang bilang nila.
Pagkatapos ng mahigit isang oras ay saktong ala-una na. Pinatawag na niya ang mga staff para sabay sabay na sila kakain habang naghahanda ng mga pinagkainan nila.
Umupo siya sa isang tabi at naghikab. Grabe! Antok pa din ako? Nakailang oras na nga akong natulog kagabi.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
Любовные романыNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...