Nagdesisyon ang mag-asawang Elry at Rose na doon na lang siya matulog sa guest room sa mansyon dahil masyado nang late. Tinawagan na din niya ang sekretarya niyang si Krystal na bukas na ng umaga siya babalik sa resort. Buti na nga lang at may dala siyang ilang damit sa compartment ng kotse niya. Pagkatapos maligo at makapag-bihis ay tumambay muna siya sa balkonahe ng kwarto niya. Sobrang ganda sa naturang village kapag gabi. Payapa at waring nawawala ang problema mo sa bawat pagdampi ng malamig na hangin sa balat mo.
Napabuntung-hininga siya. She's been through a lot these past few months na talaga namang tila wala siyang kapaguran. Travel dito. Travel doon. Trabaho dito. Trabaho doon. Halos hindi na siya nakakapag-relax. Basta bukas pupuntahan ko yung karinderya at sisimulan na iyon. Kakain din ako ng masarap na adobo na may itlog. Can't wait! Hindi niya maiwasang mapangiti. Miss ko na ang luto ni Mama.. It's been two weeks since I last saw them. Hmm.. pagkatapos ng 'project karinderya' doon na ako uuwi sa Pakil. Hoho. Ano pa ba? Right! Yung bibilhin kong lupa dito. Nagpasya siyang pumasok na para basahin ang kontrata. This is a nice contract. Pagkatapos niyang pirmahan iyon ay kaagad siyang natulog para hindi naman siya pupungas pungas bukas. Kailangan niya ng sapat na enerhiya para bukas.
Nagising siya sa mabangong samyo ng pinipritong bacon. Hmmm.. sarap naman.. makaligo na nga at nang makakain na. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng walking shorts at simpleng t-shirt. Mainit kasi sa karinderya kaya naman sinisigurado lang niya. Pagkababa niya ay nakita niyang nagluluto si Rose.
"Rooooooose~~ Pengeng beeeeykuuuuun~~" nakangiting wika niya habang umuupo sa hapag.
Natawa ito. "Sira ulo ka talaga. Para kang bata."
"Anuber! Gusto ko lang na handa ka na sa magiging junakis mo! Mommy! Mommy! I want beeeeykuuuuun now!" she whined nonstop.
Tawa ng tawa si Rose habang iling iling lang si Elry habang bumababa sa hagdan.
"May sapi talaga 'tong kaibigan mo, hon." nakangiting wika ni Elry habang ginagawaran ng halik ang asawa.
"Sinabi mo pa!" sabi pa ni Rose.
"HEY! I can hear you kaya!" nakalabing wika niya. "BEEEEEYKUUUUN, MAMIIIIIII~" she continued.
"Fine. Fine. Oo na! Patapos na nga eh." nakatawang ani nito habang inihahanda ang hapag kainan.
Tinulungan niya na ito para hindi na ito masyadong mahirapan. Habang kumakain ay naikwento niya dito ang binabalak na pagtira sa village. Agad naman na natuwa si Rose. Para naman daw may katsismisan ito. Sinabi niyang isu-submit na lang niya ang papeles at hihintayin ang tawag kung kailan ang magiging interview sa kanya. Agad siyang nagpaalam sa mga ito pagkatapos nilang magligpit ng pinagkainan.
Paglabas niya ng gate ay biglang nagtatakbo patungo sa kanya ang isang asong pamilyar sa kanya.
Napangiti siya. "Einstein!" she crouched down para magka-level sila ng aso. Agad na sinugod siya nito at napaupo siya sa sidewalk. Natawa siya. Hinaplos haplos niya ang ulo nito. "Hi. Nasaan na ang amo mong hindi ako pansin?" pagdadrama niya rito. Tumahol ito. Napangiti siya. Hinalikan niya ang ulo nito at kaagad na tumayo. "Einstein, I have to go. Baka kasi ma-traffic ako eh." pinapagpag niya ang pang-upo niya nang may lalaking sumulpot sa likuran niya. Muntik na siyang mapatalon. Ito ang kapatid ni Andres. Kung hindi siya nagkakamali ay Andrew ang pangalan nito. Medyo natulala siya sa kakisigan nito. Literal din siyang napatingala. Matangkad ito. Moreno. Matangos ang ilong. Mahaba ang mga pilik. Ang ganda pa nang mga mata nito. Mapula-pula ang mga labi. Maganda ang built ng katawan. Muntik na siyang madapa nang itulak siya ni Einstein papunta rito. Napasubsob tuloy siya sa matipunong mga dibdib nito. Agad naman siyang hinawakan nito sa baywang. Bakit.. bakit ang gwapo niya? Omg! This can't be! Napasinghap siya at napatingala. Nagtama ang kanilang mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Halos ga-pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. Nanlaki ang mga mata niya ng masuyong hinaplos nito ang mga pisngi niya. "Are you okay?" her breathing became uneven when she heard that sexy voice of his. What is happening to me? Hindi naman ako ganito kay Fafa Andres ko ah! Napalunok siya at napatango.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
RomanceNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...