Papasok pa lang si Rosario sa Hanashoubu ay napangiti na siya. Rinig na rinig mula sa entrance ang boses nila Pam, Aya at Zsannen kahit pa medyo malayo doon ang private room na tambayan nila kapag nagkikita kita sila.
Nag-order kaagad siya ng Okonomiyaki, Tempura, Ramen, Yakiniku, Shabu-Shabu, Mochi at Green Tea. Binayaran na din niya. Pinakiusapan na lang niya ang staff na dalhin ito sa private room nila.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kwarto ay hindi na sila magkamayaw sa ingay. Kapag pinagsama sama sila ay parang may rambulan na nagaganap. Asaran dito, asaran doon.
"Babaita! Anyare naman sa mukha mo? Haggard na haggard!" ani ni Aya. Sumimangot pa ito.
"Oo nga." segunda pa ni Pam. "Ikaw pa naman pinaka-palaayos sa atin." lumabi pa ito.
"Hay naku! Marami lang talagang trabaho ngayon kailangan kumayod para kumita pa ako lalo. Alam mo naman ang buhay ngayon. Atsaka pagkatapos ng opening ng Tesoro next month trabaho ulit ang aatupagin ko. Flylaloo nanaman ako papunta sa Spain dahil sa mag-asawang Velencoso. Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa dalawang yun. Hindi naman ako maka-hindi." napangiti siya nang maalala ang butihing mag-asawa.
"Ibig sabihin ba niyan eh iiwan mo nanaman kami dito?" naghihinanakit na sambit nito.
"Pansamantala lang. Wag niyo akong masyadong mamiss." niyakap niya ang tatlo. "Aww.. Sobrang namiss ko talaga kayo. It's been what? 3 weeks?"
Matagal na silang magkakilalang magkakaibigan. Simula pagkapanganak yata sa kanila eh sila na ang magkakasama. Matalik na magkakaibigan din kasi ang mga magulang nila. Lahat sila ay nag-iisang mga anak pa. Babae pa lahat kaya siguro agad silang nag-click na tatlo. Hindi naman masyadong nagkakalayo ang mga edad nila. Siya ay 24 na. Si Aya, 28. Si Pamela, 25. At si Zsannen ay 27. Magkakapatid na nga ang turingan nila dahil sila sila rin ang magkakasama lagi.
"Oo. 3 weeks ka nang di nagpapakita tapos iiwan mo nanaman kami?" sabi ni Aya. Umakto pa itong umiiyak sa pamamagitan ng pagdampi ng panyo sa gilid ng mga mata nito.
Napahalakhak silang magkakaibigan. Nahinto sila nang dumating ang order nila.
"Hoy! Binayaran mo ba yan? Baka malugi tong resto ko!" lumalabing wika ni Zsannen.
"Ito naman ang kuripot! Libre mo ah!" Napangisi siya. Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. Marahil alam nito na bayad na dahil nakita niya ang resibo sa mesa.
Nagsisimula na silang kumain nang may nag-ring na cellphone. Tiningnan nila ang kanya kanyang cellphone dahil iisa lang ang mga unit nila.
Napasimangot si Aya at lumabas upang sagutin ang tawag nito.
Bumulong siya kay Pam. "Sila pa ba ni Jeremy?" sabay simangot. Unang beses pa lang na ipakilala ni Aya ito sa kanila ay ayaw na niya dito. Oo nga at may itsura ito ngunit parang may iba itong aura na ayaw niya.
"Malay ko." sabi nito sabay subo ng mochi.
"I don't like him for Aya. She deserves a much better man than him." mapait na saad niya.
"Nako, teh! Sino bang may gusto dun para kay Aya? Di hamak na mas mapera si Aya dun. Atsaka umaasa pa ata yun sa magulang niya para sa ipangde-date niya." impit na natawa sila sa sinabi ni Zsannen.
"Mas bagay sila ni Atty. Garcia." proud pa na sambit ni Pam sabay ngisi.
"Sino naman si Atty. Garcia?" nakakunot noong tanong niya dito habang ngumunguya ng Tempura.
"Edi yung gwapong attorney na nagligtas sa kanya nung nabilaukan siya habang kumakain kami sa isang restaurant." Humagalpak pa ito sa kakatawa. "You should've seen her face. Sobrang pulang pula sa hiya. Ang takaw takaw kasi. Hinigop yung sabaw yun pala may buong laman ng tahong. Akala mo nalulunod yung itsura niya. Yung tipong isdang gustong mabalik sa tubig." Hindi na nila napigilan na humagalpak sa kakatawa. Halos maglupasay na nga sila sa kakatawa sa salaysay ni Pam.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)
RomanceNaghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na rin ang buong pamilya niya at ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanap a...