15th : The Red Strings Attached Part 1

2 2 2
                                    

Dedicated to Allixxhean
Romance and Humor

I was peacefully eating the foods I brought before I went to school at my favorite desk in our classroom when a loud voice interrupted me.

“Sofia the first!” a man with the same uniform as mine but has a different style playfully shouted while looking at me.

I rolled my eyes. What a good day.

“Kokey!” sigaw ko sa kan'ya habang ningunguya ang kinakain ko.

May isang tumalsik na kanin papunta sa braso niya dahilan ng kaniyang pagngiwi.

“Gandang bati ah.” sarkastiko niyang sambit sabay hawi ng kanin sa braso niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko bago sinubo ang natitirang pagkain sa bibig.

“Dinadalaw ka.”

“Tangina, mukha ba akong preso?”

“Kung mukha rin naman ang pag-uusapan, syempre..” hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin nang nasulyapan niya ang hawak-hawak kong tinidor.

“Syempre, ano?” iritado kong tanong habang napalunok siya sa kaba sa pag-aakalang tutusukin ko siya ng tinidor kapag ipagpapatuloy niya ang kaniyang sinabi.

“Maganda ka, syempre,” ngumiti siya pero may ibinulong. “Pero ‘yong kagandahan mo, napunta lang sa puwit.”

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig ang ibinulong niya at tatanungin na sana siya do'n pero may dumaang tao sa classroom namin at tinawag siya.

“Hoy, Nikolas. Anong ginagawa mo diyan, tinatawag ka na ni Prof,” sabi ng isang lalaking classmate yata nitong si Kokey.

“Lagot ka, baka ipaprincipal office ka na,” dagdag pa nito.

Kumunot ang noo niya at nagpaalam sa'kin bago lumabas para pumunta sa kinaroroonan ng classmate niya.

“Nyeta, anong ginawa ko?” rinig kong tanong niya dito.

“Nanghiram ka raw ng mukha sa aso.” pang-aasar ng kaklase niya na agad niyang binatukan at tuluyan na silang umalis.

Natapos na ako sa pagkain ko at nagligpit ng gamit.

“Jowa mo ba 'yon?” tanong ng kaklase kong bakla.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at bahagyang natawa. “Baliw, hindi. Matalik na kaibigan lang.”

“Matalik? Weh? Jowain mo na, girl, ang gwapo pa naman ng matalik na friend mo.” nakangiti niyang wika at sinadyang diinan ang salitang 'matalik na friend'.

“Ikaw nalang kaya! Tutal ikaw naman yata itong gustong-gusto eh.”

“Pwede rin.” kinikilig niyan sambit habang nilalagay ang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga.

Matapos kong maglunch ay agad akong lumabas ng classroom at nagpuntang library para makapagreview para sa susunod naming subject ngayon dahil magkakaroon ng pagsusulit mamaya.

Nimemorize ko lahat nang dapat kong matutunan at minsan ay sinusulat sa notebook para may kopya ako kung sakaling makalimutan ko ang mga ito.

“Hoy!” biglaang sigaw ng taong nasa harapan ko na nagpatalon sa’kin sa gulat.

“Ang ingay mo! Baliw ka ba? Nasa library tayo!” bulong ko sa kaniya na nagpalaki sa kaniyang mga mata at agad niyang binalingan ng tingin ang librarian na ngayo’y nanlilisik na ang mga mata habang nakatingin sa’min.

Napakurap-kurap siya at nang agad nabawi ang kaniyang gulat ay ngumiti siya sa librarian binigyan ito nang peace sign bago bumaling sa’kin.

“Lunch tayo,” pa-anyaya niya na agad kong inilingan.

“Hindi mo ba ako nakitang kumain kanina?”

“Edi kumain ka ulit.”

“Busog pa ako.” tiningnan ko ang mga sulat ko.

“Ako, hindi pa.”

Binalingan ko siya nang tingin at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Napatakip ako ng bibig. “Hala!” kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bago siya magsalita ulit ay inunahan ko na siya. “Pake ko?”

Sumimangot siya sa sinabi ko at umalis sa kina-uupuan niyang nasa harap ko at umambang lalabas ng library.

Hinabol ko siya dala-dala ang notebook ko at sinubukang pantayan sa paglalakad.

“Kawawa naman itong si Baby boy, sinong umaway sa’yo?” tukso ko sa kaniya na nagpabaling ng atensiyon niya.

Bahagya siyang natawa. “Baliw ka ba?”

“Kung kabaliwan din naman ang pag-uusapan, Top 1 ka na,” natawa ako dahil sa sinabi ko at agad siyang hinampas ng notebook sa braso.

Tumunog na ang bell na nagpahiwatig na tapos na ang lunch break kaya agad na akong dumiretso sa classroom nang hindi nagpapa-alam sa kaniya kasi sino ba siya.

Naging maayos ang pagsusulit sa isang subject ko dahil hindi na ako nahihirapan pang hukayin ang bawat parte nang utak ko para lang malaman kung ano ang magiging sagot tulad nang dati kong ginagawa dahil nakapagreview na ako kanina. Mabuti nalang talaga't nagawa ko pang magreview.

Natapos ang klase namin ay agad na akong pumuntang bahay at nang sumunod na araw ay naging maganda ang takbo ng buhay ko ngunit may napansin akong kakaiba.

Bakit hindi na nagpapakita ang Kokey na ‘yon sa’kin?

Garden Of Miscellaneous FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon