Kabaliwan Genre
"BA'T MO 'KO SINAMPAL?"
Naiiyak na tanong ko habang nakahawak ang kamay ko sa aking pisngi
"May lamok kasi!" Sigaw niya na ikinaiyak ko
"Lamok? Mukha ba akong lamok?"
"Huwag ka ngang umiyak! Nahahawa na ako eh!" Tinakpan niya ang kan'yang bibig at umiyak
"Teka ba't ka umiiyak? Ako nasampal!" Sigaw ko habang patuloy siya sa pag-iyak
"Kaya nga! Hindi ko naman sinasadya eh! Natatakot lang ako kasi baka maubos ng lamok ang dugo mo!"
"Bakit? Sino ka ba para pakialaman ang lamok? Eh gusto niya dugo ko eh! Kasalanan ko bang branded itong dugo ko at pati lamok ay nahumaling?" Tanong ko dito na ikinatigil ng pag-iyak niya at marahas niya akong sinampal ulit
"Bakit mo na naman ako sinampal?!"
"M-May lamok na naman kasi.." Sabi niya sabay turo sa pisngi ko
"Lamok? Nasa'n? Bakit hindi ko naramdaman?" Tanong ko pero nanatili lang siyang nakatulala sa likod ko at may halong pamumutla
"Anong tinitingin-tingin mo sa li—" Lumingon ako sa likod ko at nagulat sa aking nakita
"WAAAAAAA!!!"
"HOY MGA BALIW BAKIT KAYO SUMISIGAW?!" Naiiritang tanong ng doktor na malapit lang sa'min.
Lumapit ito sa'min at pinaghampas kami ng napakalaking diyaryo kaya agad kaming nawalan ng buhay.
"Ew.." Daing ng doktor pagkatapos kaming hinampas.
Ay pasensya na, hindi pala kami tao, kami pala yung lamok.
BINABASA MO ANG
Garden Of Miscellaneous Flowers
Historia Cortacompilation of short stories. The cover I used is not mine, credits to the rightful owner.