Comedy
"Ate, may lollipop po ba kayo?" Tanong ko sa ateng tindera
"Bata, pharmacy 'to hindi sari-sari store. Doon ka sa iba bumili"
"Eh, panghuling tindahan na po 'to eh!" Reklamo ko
"Pasensiya na, wala talaga kaming lollipop dito"
"Sige po.." Nakanguso kong sambit at umalis sa tindahan nila
Huhu saan kaya ako makakahanap ng lollipop?
Habang patuloy ako sa paglalakad sa kalye at nililibot ang aking paningin ay may nakakuha ng atensiyon ko
Lollipopp!!
Nakalagay ito sa itaas ng lamesa na nasa loob ng isang bahay. Dahil gusto ko nang kumain ng lollipop ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na ako sa bahay
Maingat ang aking mga hakbang habang papalapit ako sa lamesang may lollipop pero nang abot kamay ko na ito ay may biglang nagsalita
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng batang nasa likuran ko na ikinagulat ng aking sexy body
Sexy din ako kahit bata pa ako nuh!
"Ah-kasi..ano eh.." Nahihirapan kong sambit habang nag-iisip ng palusot nang biglang may naisip ang aking utak na minsan lang mag-isip
Kahit labag sa loob kong sabihin ang naisip ng utak ko ay sasabihin ko nalang dahil wala nang ibang paraan
"D-Dahil crush kita!" Sigaw ko sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya
"A-Ako? Crush mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya at itinuro pa ang kaniyang sarili
No way! Bago palang kita nakita crush agad? Ew ano 'yon crush at first sight? Yukkk!!
Pero dahil cute ako ay hindi ko 'yon sinabi at tumango nalang with matching cutie smile
"Crush din kita! Yeyy!!" Masayang sigaw niya na may pakembot-kembot pa sa pwet niya
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa- este sa sinabi niya
C-crush niya ako?
"Pakasal na tayo, babe!"
"N-No!" Pagtatanggi ko
"Anong NO? Asus 'wag ka nang mahiya" Nakakaasar na sambit niya at siniko ako sa balikat at tinawang ang mommy niya
"Oh, bakit anak?" Tanong ng mommy niya
Agad niya akong inakbayan at walang hiyang nagsabing "Magpapakasal na kami ng jowa ko, ngayon na mismo"
"Talaga? Sige anak" Pagsasang-ayon ng mommy niya mas lalong ikinalaki ng mata ko
"Hali ka na hija, dadalhin ko na kayo sa simbahan" Nakangiting sabi ng mommy niya at hinawakan ang balikat ko at hinatak
Lollipop lang naman gusto ko ah? Ba't naka-abot ako sa puntong magpapakasal na ako?
"Mommy!!"
BINABASA MO ANG
Garden Of Miscellaneous Flowers
Short Storycompilation of short stories. The cover I used is not mine, credits to the rightful owner.