5th : Iiwan Ako Ng Jowa Kong Si Lizardo

8 6 0
                                    

Random

"Lizardo, nagmamakaawa ako 'wag mo akong iwan" nakaluhod at nagmamakaawa kong saad

"Patawad xaizhia, ngunit kailangan ko talagang umalis"

Kahit malamig ang pagkakasabi niya nakikita ko parin ang kalungkutan sa kanyang mga mata

"Ano ang dahilan mo para iwan ako? May mahal ka na bang iba?"

Gusto ko na talagang umiyak ngunit pinipigilan ko ito

"Wala akong ibang mahal xaizhia, ikaw lang pero kahit anong gawin natin hindi talaga tayo para sa isa't isa"

Kusa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinapigilan

"Mahal naman natin ang isa't isa. Hindi pa ba sapat 'yon?"

"Pasensya na, hindi talaga" umiiling na sagot niya

"Ngunit lizardo--" naputol ang aking sasabihin ng may mapangahas na bumukas ng pinto.

"MAA!! SI ATE MAY KINAKAUSAP NA NAMANG BUTIKI SA PADER!" Sigaw ng nakababata kong kapatid

"Mabuti na nga yun atleast may jowa." Proud kong sabi

Eh ikaw nagbabasa? Kailan ka magkakajowa?

Garden Of Miscellaneous FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon