Brutal
Ngayon ang aking espesyal na araw ngunit bakit hindi manlang ako makaramdam ng saya? Ngayon ang araw na pinakahinihintay nina nanay at tatay na kapwa kakaiba ngayon ang bawat galaw at hindi mawala sa kanila ang kanilang mga ngiti.
"Maligayang kaarawan, anak" Bati ni inay pagkatapos kong umupo sa upuan
"Maligayang kaarawan" Sunod na bati ni itay na tapos na sa paglagay ng mga handang pagkain sa lamesa
Ngumiti ako sa kanila bilang tugon at tumingin sa mga pagkain na nasa aking tapat
"Mukhang hindi ka masaya ngayon, anak? Anong nangyari?" Bigla tanong ni inay na aking ikinagulat
"H-Hindi po. M-Masaya naman po ako lalo na dahil ipinaghanda niyo po ako ng naparaming pagkain ngayong aking kaarawan" Na-uutal kong sambit na ikinangiti ni inay at itay
"Wala iyon, anak. Basta kahit ano ang gusto mo at kailangan mo ibibigay namin iyon sa iyo basta ibigay mo lang din ang aming kailangan sa'yo" Malambing na sambit ni inay na ikinanuot ng noo ko
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko ngunit ngumiti lang siya sa'kin at sumandal sa upuan niya
Nabalot ang silid ng katahimikan at tulala akong nakatingin sa aking plato.
"Kumain kana, anak" Alok ni itay
"B-Busog pa po ako" Sagot ko at aakmang umalis nang biglang nagsalita si inay
"Hindi mo ba nagustohan ang aming handa?" Tanong niya na nakatapat sa bintana na hindi ko manlang namalayan na pumunta siya doon
"Nagustohan ko po-"
"Kung ganon bakit aakma kang aalis? Kaarawan mo ngayon, anak. Diba dapat magdiwang tayo ngayon?" Sambit niya at nilingon ako na may ngiti sa kaniyang mga labi
Ngiting nakakapangilabot.
"I-Inay..." Kinikilabutan na ako sa mga ginagalaw niya
"Labing-walong gulang kana, anak.. Nakalimutan mo na ba ang ating kasunduan?" Sambit niya na ikinatakot ko
"I-Inay.. Huwag.." Iyon na lang ang nasabi ko dahil sa aking takot
"Ilang taon kaming naghintay, anak.." Nagsisimula na siyang humakbang papalapit sa'kin
"H-Hindi mo ako anak!" Sigaw ko sa kaniya ngunit ngumiti lang siya
Pati si itay ay nagsisimula na ding lumapit sa'kin kaya ako'y umaatras. Napupunit na ang mukha nila at kanilang mga balat kaya kitang-kita ko ang kanilang mga laman loob at buto.
Tumakbo ako papuntang pintuan at pilit itong ibinubukas ngunit kahit anong gawin ako ay hindi ito mabuksan
Humagulgol na ako at humikbi. Marami nang nagtutuloang luha saking mga mata.
May biglang humila sa'kin buhok at ipinag untog-untog ako sa pintuan nararamdaman ko na ang aking sariling dugo na dumadaloy sa'king ulo. Iniharap niya ako sa kaniya at nalaman kong si mama pala ang gumagawa n'un- hindi, demonyo.
Itinapat niya sakin ang kutsilyo at ipinagsasaksak sa aking mukha, una niya itong sinaksak sa aking pisngi, noo at hangang umabot sa'king mga mata
Wala akong nagawa kun'di sumigaw nang sumigaw dahil sa sobrang hapdi at sakit na aking nararamdaman at hanggang sa hindi na nagawang kayanin ng aking katawan at humandusay na ako sa sahig pero bago pumikit ang aking mga mata ay may narinig akong nagsalita
"Sa wakas, makukuha na namin ang iyong kaluluwa at muli na kaming mabubuhay.."
BINABASA MO ANG
Garden Of Miscellaneous Flowers
Short Storycompilation of short stories. The cover I used is not mine, credits to the rightful owner.