9th: Eating Worms [Light Version]

2 3 0
                                    

Random

"Ateee, Lythande!!" Sigaw ko sa ate kong kumakain sa kusina

"Ano?!" Inis niyang tanong habang may pagkain pa sa bibig niya

"Ate, nakita ko si crushie kanina. Sabi niya ang pretty ko daww!!" Kinikilig kong kwento sa kaniya at nilagay ang takas na hibla ng aking buhok sa tenga habang para ng nakukuryente sa kilig.

"Tss.. Buti ka pang bata ka napansin ka ng crush mo. Eh ako? Kulang nalang magtwerk ako sa edsa para lang mapansin niya ako." Nangingiyak na sabi ni ate kaya niyakap ko siya

"Huwag ka na cry, ate. Sa ground ka nalang ng school niyo magtwerk, siguradong mapapansin niya 'yon."

"Eh ikaw nalang kaya gumawa, ikaw din naman nagsuggest."

"Bakit ako gagawa nun? Ako nga nagsuggest diba?" Tanong ko at tiningnan ang mukha niya pero nahagip ng kinakain niya ang atensiyon ko.

Wait? Is that a worm?!!

"Bunso trixie, gusto mo?" Tanong niya sabay lahad sa'kin ng pagkain.

"Ano 'yan, ate?"

"Pagkain, hindi ba halata?" Kinakabahan na nga ako, namimilosopo pa ang yawa.

Kinuha niya ang kutsara atsaka tumikim sa pagkain or.. uod.

"Masarap naman ah?" Tanong niya habang ningunguya iyon

Halos masuka ako sa nakikita ko pero bago ko nagawa 'yon ay humahalakhak na siya sa tawa.

Tiningnan ko siya na may pagtatakang ekspresyon.

"It's a prankkkk!!" Sigaw niya "May napanood lang akong prank sa 5 minutes craft, kaya.. " Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil mas pinili niya nalang tumawa.

Puta, paano siya makakapanood ng 5 minutes craft kung bulag siya?

Garden Of Miscellaneous FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon