16th : The Red Strings Attached Part 2

0 0 0
                                    

Romance

Nakapagtataka, halos ilang oras yatang hindi nagpakita ang baliw na ‘yon simula nang pagpasok ko ng klase hanggang sa naglunch break na.

Baka naman late? O baka naman hindi talaga siya pumasok? Paanong hindi siya papasok, may nangyaring masama ba sa kaniya?

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang naisip ko. Posibleng may nangyaring masama sa kaniya!

Nagmadali akong lumabas sa classroom ko at umambang pumunta sa classroom niya para tingnan kung nando’n ba siya nang may nakasalubong akong pamilyar na lalaki. Nakasuot siya ng pangkaraniwang uniporme ngunit nakabukas ang lahat ng butones nito kaya kitang-kita ang kaniyang puting sando, siya 'yong tumawag kay Kokey kahapon!

“Uy, Sofia. Ikaw pala ‘yan!” bati niya sa’kin na ipinagtaka ko.

“Alam mo ang pangalan ko?”

“Syempre naman! Palagi ka kayang tinatawag ni Nikolas,” bahagya siyang natawa.

“Tungkol kay Nikolas pala.. Alam mo ba kung nasaan siya?” tanong ko na nagpakunot ng kaniyang noo.

“Hindi mo alam kung nasa’n si Nikolas?”

Umiling ako sa tanong niya. “Umabsent ba siya?”

“Hindi. Sa katunayan nga, nasa Canteen siya ngayon.”

Napahinga ako ng maluwag dahil wala naman palang nangyaring masama sa kaniya. Gago siya, bakit niya naman ako pinag-aalala ng ganito? Humanda talaga siya sa’kin!

Minadali ko ang aking paglalakad para makapunta agad sa Canteen at nang nasa entrance na ako nito ay hinanap ko siya sa pamamagitan ng aking mga mata hanggang sa nakita ko siyang mag-isang nakaupo sa isang table ng dalawang tao. Lalapit sana ako nang biglang may babaeng tumabi sa kaniya habang may hawak itong tray ng mga pagkain.

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila. S-Sino ang babaeng ‘yon?

Nag-usap sila sa kung ano hanggang sa may binulong ang babae sa kaniya na kapwa nila ikinatawa.

“May girlfriend ka na pala Nikolas! Ipakilala mo naman kami!” sigaw ng lalaking nasa kabilang table.

Napatingin ang ilang nakarinig sa sigaw niya kaya agad silang dinumog ng kanilang mga kakilala.

“Infairness, bagay kayo!” rinig kong puri ng isang babae.

Pinagmasdan ko ang babaeng katabi niya. Mapungay ang mga mata nito at may kaliitan kaya masasabi kong chinita siya, matangos ang kaniyang ilong at perpektong hugis ang kaniyang labi. Isang tingin mo lang sa kaniya ay masasabi mo na talagang maganda siya kaya.. bagay nga silang dalawa.

Bumuntong-hininga ako at umalis na sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit masyado akong nanliliit sa sarili ko matapos kung pagmasdan ang babaeng ‘yon at kung bakit parang kumikirot ang dibdib ko noong nakita ko silang magkasama, nang silang dalawa lang.

Hindi naman ako nagkakaganito dati lalo na kung tungkol kay Nikolas. At kung dati ay siya ang iniisip ko, puro naman inis ang nararamdaman ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang puso kong hindi maawat sa pagtibok. Posible kayang..

Gumulong ako sa kama at nilublob ang ulo ko sa unan. Hindi. Hindi p’wede ‘to!

Inayos ko ang posisyon ko at dinama ulit ang puso ko. Hindi, natural naman talagang tumitibok ng mabilis ang puso.

Kinaumagahan ay pagpasok ko palang sa gate ng school ay may humarang sa daan ko.

“Sofia the first!” masiglang bati niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Garden Of Miscellaneous FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon