4th : The Cannibal Girl

6 6 0
                                    

Brutal

Isa akong purong pilipinang bata at ang aking ama at ina ay pilipino ngunit noong naghiwalay sila ay nangasawa si mama ng isang indonesian.

Nakatira kami ngayon sa bansang indonesia.

Naglalakad ako sa kalsada na may kinakain na ice cream nang may babaeng lumapit sa'kin at nagtanong.

"Kid, are you a filipino?"

"Yes po!" Sagot ko at ngumiti naman siya

"Bata, gusto mo bang makatikim ng pagkain na mas masarap pa sa ice cream na kinakain mo?" tanong niya habang tinuturo ang ice na hawak ko.

Agad naman akong tumango at ngumiti naman siya.

"Sumunod ka bata" utos niya na agad ko namang sinunod.

Habang kami ay naglalakad naubos na ang ice cream na kinakain ko kaya nagtanong ako sa kanya.

"Ano po ang pagkain na mas masarap pa sa ice cream?"

Nag-hintay ako ng kanyang isasagot ngunit hindi niya parin ito sinasagot at patuloy lang siya sa paglalakad.

Nakarating kami sa isang malaking bahay na may kalumaan.

Pinauna niya akong papasukin ngunit umiling ako kaya siya na ang unang pumasok.

Nang makapasok ako sa bahay niya sinara agad niya ang pinto. Nagtataka ko siyang tinignan pero nginitian niya lang ako.

"Gusto mo na bang kumain?" Tanong niya na may nakakakilabot na ngisi

"Hindi pa po ako g-gutom." natatakot kong saad

"Pero ako gutom na." Nakangisi niyang saad at may pinalabas siyang patalim sa likod niya.

Bago pa ako makatakbo ay biglang may tinusok siya sa binti ko dahilan kong bakit ako natumba at sunod na sunod na niyang sinasaksak ang katawan ko.

Hindi ko maiwasang maiyak at sumigaw dahil sa sakit sa tuwing tinutusok at hinuhugot niya ang kanyang patalim.

Patuloy ako sa pag-iyak at sigaw at siya naman ay patuloy sa pagsaksak ng aking katawan ng unti-unting humina ang boses ko at biglang dumilim ang paningin ko.

Bago ko pa man lumabo ang paningin ko ay may ibinulong ang babae.

"May kakainin na kami "

Garden Of Miscellaneous FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon