Tambalque sisters, this is for you.
Chapter 7.5
The Witness and the EvidenceEriza Abalos' POV
"Ikaw, Wina?!" -Master Hy.
"Hindi. Pero alam ko kung sino." Nagbulungan ang paligid. "I saw her."
"Sino, Ms. Ferr?" tanong ni Principal Calhoun.
"ADRIANNA COLLINS." Napasinghap ang lahat at napatingin kay Adrianna. Na busy sa pakikipag-usap kay Dahlia. AMBISYOSANG BABAE 'TO? Pinahamak niya si Miya!
"Why are you all looking at me like that? May nagawa ba ako?" Playing innocent huh?
"Is it true, Miss Collins?" Tanong ni Principal Calhoun. Kumunot ang noo ni Adrianna.
"True what?" Nagawa pang mag-taray ang bruhildang 'to!
"I swear, I'm gonna kill her," mahinang sabi ni Zille.
"That you are the one who entered Special Quarter without permission." Nanlaki ang mata niya na para bang wala siyang alam sa sinasabi ni Principal.
"Ano po 'yang sinasabi niyo? Ni hindi ko. . ."
"I saw you! Huwag ka nang magmaang-maangan pa!" Singit ni Wina.
"Wala akong pinapasok na Quarter!" agad na sumbat naman ni Adrianna.
"Enough, both of you! Come here in front, Ms. Collins and Ms. Ferr." ani Principal Calhoun.
"Miss Ferr, let me check your head." Inilagay ni Principal Calhoun ang kamay niya sa ulo ni Wina. May bigla siyang na-absorb na kulay puting flames at inilagay sa bowl. May biglang lumitaw na screen at inilagay niya ang flame doon. Nagbulung-bulungan ang paligid nang makita namin sa screen ang pagpasok ni Adrianna sa Elemental Headquarters at dumiretso sa Special Quarter.
"Pa-paanong. . ." -Adrianna
"Ms. Collins, how dare you lie to me!" Agad siyang hinawakan ni Master Hy at tinawag si West para lagyan siya ng posas.
"Hindi ko ginawa 'yon! Hindi totoo 'yon! Never pa akong lumabag sa rules dito!" Pumipiglas siya sa hawak nila.
"So, sinasabi mong sinungaling ako? May ebidensya ako, Adrianna!" Tumaas ang boses ni Wina.
"Hindi na makakasali pa si Ms. Adrianna Collins sa The Enchanted Game of Talents. She will be thrown behind bars for a month!" Agad umiyak si Adrianna sa narinig.
"I didn't do anything!" She pleaded.
"Stop it! May ebidensya at witness kaya wala kang magagawa." ani Master Hy. Dinala na nila palabas si Adrianna.
Napangisi si Wina o guni-guni ko lang? Gutom lang siguro 'to.
"Students, you may leave and go back to your rooms."
--
Miya Caldwell's POV
Nagulat ako sa narinig ko. Si Adrianna ang pumasok doon? Nakakapagtataka. Bakit naman niya gagawin 'yon?
Kakagising ko lang ngayon at 'yan ang news na bumungad sa akin.
"Hindi ako naniniwala." sagot ko kina Zille.
"Wow, Miya. Ikaw pa nagsabi niyan ha?" Ani Eriza at inirapan ako.
"Miya, it's Adrianna's fault. Nakita siya ni Wina." sabi naman ni Zille.
"Sino ang mas paniniwalaan niyo, si Adrianna o Wina?" Tumingin silang tatlo sa akin.
"Si. . ." Natigilan sila.
BINABASA MO ANG
The Last Elemental Goddess
FantasyBeing an Elemental Goddess is a dangerous situation. Every student in Forbidden Academy wants to be one but they know it's impossible. Hindi rin nila alam na maraming may gustong pumatay sa kanya. Ang Elemental Goddess ay kayang kontrolin ang apat n...