Chapter 5

771 21 8
                                    

Chapter 5
The Enchanted Game of Talents

Zille Calhoun's POV

"Nasan na si Eriza?" Tanong ni Miya. Nagkibit balikat ako. Andito nga pala kami sa field.

"Galit ba si Eriza sa akin?" Tanong ni Elle. Hinawakan ko ang balikat niya.

"NOPE." Eriza?!

"Eriza! San ka galing?" Tanong ni Miya.

"Nagbasa lang." She smiled. "Hi, Elle!" Natulala kaming tatlo sa sinabi ni Eriza.

"Saan ka pala galing, Eriza?" Tanong ko.

"Makulit. Sa Sacred Library." 'Di na ako nagtanong pa. Alam ko naman na kung ano ang nabasa mo doon ay bawal mong ipagsabi.

"Waaah. Anong binasa mo don?" Napatingin ako kay Miya. Agad kong tinakpan ang bibig niya.

Takang nakatingin sa akin si Miya. "Bawal ipagsabi ang nabasa mo doon, Miya. Kung ayaw mong mamatay." Sabi ko. As usual, nagulat siya.

Napansin ko ang mood ni Eriza. Ganyan siya kapay may nalaman o ano, at kung bakit mabait na siya kay Elle. Ano kaya ang nabasa niya roon?

"Hinahanap ka ni West kanina, nakita ka ba niya?" Tanong ni Eriza sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Uh--oo." Sagot ko.

Nanliligaw sa akin si West at itinatago namin 'to. Alam ko na may gusto si Eriza kay West kaya ayaw kong malaman niya. It's sure that it will hurt her, wala naman akong magagawa kasi gusto ko rin si West. At saka, andyan naman si Kuya eh, Kuya Fyro likes Eriza. Alam ko, kasi napapansin ko naman ang mga tingin niya eh.

"Miya," Nagulat kami sa biglaang pagsulpot ni Zuko.

"B-bakit?"

Napatingin si Zuko kay Elle. At nagulat siya. Huh?

"Bukas na lang daw ang training niyo ni Fyro. Alam mo na, may nagawa siya at nasa Doomed Room." Sabi niya at umalis na. Hindi man lang nakasagot si Miya.

"Sino 'yon?" Tanong ni Elle.

"Zuko Rizen, supladong kaibigan ni Kuya." Sabi ko.

"Ah." Sabi niya. "Ang pangit..." Napatingin ako kay Elle.

"Wow, first time na may nagsabing ang pangit ni Zuko ah?" Ani Eriza.

"Ang gwapo kaya," Sabi naman ni Miya.

"Ayoko sa kanya." Sabi naman ni Elle. Parang may something ah? Hmm.

"Andon na si Professor!" Sigaw ng isa naming kaklase at pumunta na kami sa bleachers.

"Good morning. Wala tayong activities ngayon pero may i-didiscuss ako," Ani Professor Davids. "It's about the The Enchanted Game of Talents." Agad akong napangisi.

--

Miya Caldwell's POV

"The Enchanted Game of Talents? Ano 'yan?" Takang tanong ko.

"The most amazing game to watch, ever." Ani Eriza. "Maraming challenges at ang saya, may mga estudyante na kasali. Ito ang palagi naming pinapanood ni Zille every year, gold students lang kasi ang pwedeng sumali eh." Wow.

"Ano naman ang gagawin d'yan?" Tanong ni Elle.

"Sa game na 'yan, basta, marami kang gagawin d'yan. May battle ground at doon kayo magsisimula ang alam ko pa lang na i-iinclude nila sa Game ay yung Enchanted Maze." Maze?!

"At ang Maze na 'yan ay hindi ang ordinaryong Maze na alam niyo. It is so wicked. Sa mga parts ng games ay d'yan ang pinakamahirap. Out of 20 contestants, baka 5 lang ang makakaya n'yan. It depends." Ani Eriza. "Pero 'yang 5 na 'yan di na nakakahabol sa huli. Wala eh, laging walang nananalo sa Enchanted Game."

The Last Elemental GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon