Chapter 1

1K 34 2
                                    

Chapter 1
Room of Enchantment

Miya Caldwell's POV

"Noong 1875, ito ang time na itinayo ang Forbidden Academy. Why Forbidden? Kasi bawal ang pumasok dito noon, isang pamilya ang nakatira dito, ang pangalan pa lang noon ng eskwelahang ito ay Lei Castlé Amorre. May Reyna at kanyang tatlong anak, sila ang namumuno rito. Si Reyna Alessandra ay may angking kapangyarihan, lahat ng Elemento ay alam niyang kontrolin. Siya ang unang Elemental Goddess, siya ay pinatay ng kanyang dalawang anak na gustong makuha ang kapangyarihan niya, at iyong isa niyang anak ay napakabuti. Ang pangalawang Elemental Goddess ay namatay na noong ipinanganak niya ang anak niya pero hindi nila nakilala ang anak nito pero matagal na iyon. Pero ngayon, wala naman nang ibinabalitang bagong Goddess at sabi sa libro ring nabasa ko, tatlo lang ang dadaan na Goddess dito sa mundo. Ang sabi rin daw sa Aklat ng Tala, magkakaroon din ng bago, kaso baka siya ang ang Last kasi nga tatlo lang ang pwede. Ang alam ko, ngayong henerasyon, buhay na siya. Marami nang naghahanap sa kanya, pero ang lahat ay bigo kaya patuloy parin nila itong hinahanap." Napakunot ang noo ko.

"Asan na kaya yung Aklat ng Tala?" Tanong ni Zille.

"Hindi ko alam. Ang sabi-sabi naman, ang Aklat ng Tala ay hawak ng mga Elemental Goddess. Pero ang sabi ni Nanay, nandito raw ito sa Forbidden Academy, kasama ang nga labi ng mga Elemental Goddess." Tuloy ni Eriza. Ang galing niya, mahilig nga siyang magbasa tungkol sa aming may kapangyarihan.

"Ano ang Elemental Goddess?" Takang tanong ko.

"Ang Elemental Goddess ay nagtataglay ng maraming malalakas na kapangyarihan. Kaya niyang kontrolin ang apat na elemento. Pero hindi lang ito ang kaya niya, ang sabi ni Nanay, marami siyang special abilities." Napatango ako. Sino kaya itong Elemental Goddess? Napakadelikado naman ng buhay niya.

"E kung hanapin kaya natin yung Aklat ng Tala pati yung mga labi at 'yong Last Elemental Goddess?" Suggestion ni Zille. Nanatiling tahimik si Fyro sa sinabi niya.

"Magandang ideya yan, kaso baka delikado. Ayaw ni Principal ang nangingialam sa mga tungkol sa Academy." Kalmadong sabi ni Fyro. Diniinan niya ang pagsabi ng Principal. "At baka may alam yang KAIBIGAN niyo." Sabay turo sa akin. Bigla akong nanlamig. Ano ang ibig niyang sabihin?

"A-ako? Wala akong alam dyan, kaninang umaga ko lang nalaman na may kapangyarihan ako. Salamat kay Eriza at nagkwento siya tungkol dito." Nanlaki ang mga mata nila.

"Talaga?! Pero bakit ang galing mong gamitin ang kapangyarihan mo?" Manghang sabi ni Zille.

"I don't know? Ang sabi lang kasi ni Mommy, magfucos lang ako and concentrate." Kumunot ang noo ni Fyro.

"Really? Who's your Mom?" Tanong niya.

"Helena Potia-Caldwell." He smirked. Napangiti naman sina Eriza at Zille.

"The great telepathy goddess." Sabay-sabay silang tatlo ang pagsabi niyan.

"Your Dad siguro is Marcus Caldwell?" Manghang sabi ni Eriza. I nodded. "Wow! Ang akala ko kasi relative mo lang sila, parents mo pala!"

"Marcus Caldwell is the best Petrifier ever." Zille said. Ang galing naman pala ng mga magulang ko! Hindi man lang ako sinabihan! I'm so proud of them.

"What happened to their daughter?" Naiinis na talaga ako kay Fyro! I glared at him. I-dedeactivate ko yang power mo! Bwisit ka!

I concentrated. Pero biglang sumakit ang ulo ko. "Ahh!" Sabi ko at hinawakan ito.

"Bakit Miya?" Tanong ni Eriza.

"She's trying to deactivate my power. Well, hindi niya nakaya. Silver lang siya." Sabi ni Fyro. Edi siya na!

The Last Elemental GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon