Chapter 7
TrainingElle Gazon's POV
"Miya, magpalit ka na." Sabi ko sa kanya. Nakahiga siya at nakatayo ako dito sa tabi doubledeck na kama namin.
"Master," Sabi naman ni Majesty kay Miya.
"Ayoko, Elle." Aniya. "Training namin ng bwisit na Fyro na 'yon. Ayokong makita ang pagmumukha niya!" Sigaw niya. "Majesty, sorry sweetie."
Ang init talaga ng ulo niya kay Fyro. Oh well, ako naman ay mainit ang ulo sa isang kaibigan non. 'Yong may pulang buhok. Si Zuko.
"Miya, bumangon ka na d'yan." Sabi ko at niyugyog siya. Bakit ba ayaw nitong magtraining?
Biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko ang bwisit na pula na yan. May lumilipad siyang kasama. Ito siguro ang Guardian niya.
"Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok dito?" Agad kong sabi sa kanya. Nakita kong tumabi si Majesty kay Miya.
"Tss. Hindi ikaw pakay ko rito, si Miya." Aniya. Inirapan ko siya. "Miya, punta ka na raw sa Elemental Headquarters sabi ni Master Hy."
"AYOKO!" Sabi ni Miya.
"Kapag ayaw mo raw, pupuntahan ka ni Fyro at siya ang bibihis sa'yo." Sabi ni Zuko. Napatingin ako sa kanya.
Napatawa na lang ako nang biglang bumangon si Miya at nakita ko ang malaking eyebugs niya. Bakit ganito itsura neto?
"Napuyat ka?" Tanong ko.
"I had a bad dream." Aniya at pumasok na sa banyo.
"Anyare don, Majesty?" Tanong ko.
"I don't know." Aniya. Tumingin ako kay Zuko.
"Alis na!" Sigaw ko sa tulalang Zuko.
"Tss. Aalis na talaga ako, sungit!" Aniya at tumingin ng masama.
"Nagsalita ang hindi masungit. Pwe." Mahina kong sabi.
"May sinasabi ka d'yan?" Aniya.
"Wala! Bwisit! Alis na!" Sabi ko at tinulak siya palabas. Lumipad naman 'yong Guardian niya palabas.
"Masteeeeeeeeeeer!" Narinig kong sigaw ng Guardian kong si Ray.
Pagkatingin ko ay nasa tuka siya ng guardian ni pula! "HOY 'YANG GUARDIAN KOOOOOOOOOOOO!" Sabay takbo nilang dalawa. "Hooooooooy! RAY!"
WALANG HIYANG MGA 'YON HUMANDA SILA SAKIN! Nakakainis! Ray ko!
--
Miya Caldwell's POV
That dream was the worst dream I ever had. I dreamt of him, that stupid Fyro, and I'm marrying him!
That will never gonna happen. Asa pa. As if I will fall inlove with that cruel brat.
Pagkalabas ko ay nakita kong kinakausap ni Elle si Ray at Majesty. "Kapag nakita niyo ang lalaking 'yon, pakikagat na lang ha? O kaya kainin mo na lang siya Majesty." Napatawa na lang ako. Bakit inis na inis si Elle kay Zuko? "Bwisit na 'yon. Balak ka pang kainin ng Guardian niya Ray." Sabi ni Elle sa guardian niya.
"You hate him that much?" Sabi ko. Napatingin si Elle sa akin. "Ano ba nangyari?" Tuloy ko.
Kwinento ni Elle kung paano niya pinaghahabol sina Zuko at 'yong Guardian niya. "May patago tago pa silang nalalaman. Nakalimutan yata nilang Scryer ako! Ayun, nalaman ko kung nasaan sila. Tinali ko yung dalawa at sinuntok ko si Zuko!"
Napahagalpak ako ng tawa. "Talaga? Astig mo Elle ah?"
"Syempre Miya, para sa guardian ko. Ayokong saktan nila ang Ray ko." At hinalikan niya si Ray.
BINABASA MO ANG
The Last Elemental Goddess
FantasyBeing an Elemental Goddess is a dangerous situation. Every student in Forbidden Academy wants to be one but they know it's impossible. Hindi rin nila alam na maraming may gustong pumatay sa kanya. Ang Elemental Goddess ay kayang kontrolin ang apat n...