Chapter 3

833 32 7
                                    

Chapter 3
The New Friend

Miya Caldwell's POV

We're here at our classroom, mabuti na lang at wala pa ang magiging teacher namin. Umupo kami sa tatlong bakanteng silya sa likod.

"Ganito talaga ang mga upuan?" Manghang sabi ko.

"Yup! 'Yang malaking chair ay para sa'yo at sa maliit naman is for our Guardians." Sabi ni Eriza. Ang cute nga! Magkarugtong ito. Umupo ako sa gitna, sa right ko daw si Zille eh.

"Majesty, come here!" Tawag ko sa Guardian ko. Nasa harap sila nakikipaglaro, kasama si Neia at Yla.

"Tawag ako ni Boss." Rinig kong sabi ni Majesty sa mga kalaro nila.

"Upo ka na dito, baka dumating na 'yong Teacher." Sabi ko and she nodded.

"Neia!" Singhal ni Eriza at agad na pumunta si Neia dito sa amin.

"Tawag mo 'ko, panget?" Tumawa kami ni Zille.

"Eh kung kakatayin kitang aso ka?" Sabi naman ni Eriza.

"Yla, come here girl." At pumunta na si Yla sa tabi ni Zille.

"Sus, katayin mo ako nang ma-goodbye world ka na rin." Ani Neia at nagmake face kay Eriza. Ang kulit nilang dalawa! Hahaha.

"Bwisit ka! Upo ka nga!" Naiinis na sabi ni Eriza.

"Oo na boss, takot ko na lang sa'yo." Sabi ni Neia at umupo na. Sakto namang may pumasok nang Teacher.

"Good morning Silver-A students!" Bati niya sa amin.

"Buti na lang sa A tayo napunta! Magkakaklase tayo nila Zille." Sabi ni Eriza sa akin.

"I am Professor Dysom, your teacher in Defense." Mukhang mas matanda siya ng limang taon sa akin. Ang bata niya kasi tignan bilang isang Professor.

"Ang gwapo niya 'no?" Kinikilig na sabi ni Zille. Sobrang titig na titig siya, nako pag nakita to ni Fyro, siguradong gagawing abo itong si Prof Dysom. Teka, bakit bigla kong naisip ang Fyro'ng bwisit na 'yan? Hay ewan.

"Tss, oo na." Sabi ni Eriza sa kanya at sinamaan ng tingin.

"I heard there's a new student, may you please come in front? Together with your guardian." Agad na kaming tumayo ni Majesty. Lahat sila ay nakatingin sa amin, pumunta ako malapit sa pwesto ni Prof Dysom at sinamaan ako ng tingin ni Zille, I smirked. "Tell us about yourselves." Tuloy ni Prof.

"Good morning, I'm Miya Alyssa Caldwell, 18 years old. A Power Negator and... and..." Tumingin ako kina Eriza at Zille, they gave me a look na sabihin ko ang aking totoong power.

"And, Miss Caldwell?" Takang tanong ni Professor sa akin.

"I'm a Power Negator and also a F-fire charmer." Puro gasp ang narinig ko.

"Pareho sila ni Fyro?"

"How come did it happened?! Impossible!"

"She might absorbed Fyro's power."

Napatingin ako sa nagsabi na in-absorb ko raw ang power ni Fyro. Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay and she mouthed Bitch.

"Class, enough. Guardian, it's your turn." Ani Professor Dysom.

"I'm Majesty, I can make you all to ashes so stay away from my master!" Napapikit ang lahat nang nag-growl si Majesty. Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa mga kaklase ko pati na rin ang mga guardian nila.

"Majesty, relax. I'm okay." Sabi ko at hinimas siya. She nodded.

"You may take your seat, Miss Caldwell." Ani Prof at pumunta na ako sa upuan ko. Nakita kong nakatingin nang masama sina Eriza at Zille sa grupo 'nong nag-bitch sa akin.

The Last Elemental GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon