Chapter 4
Deepest SecretsMiya Caldwell's POV
Second day of classes.
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko kay Eriza.
"Sports daw. Paano na yan? Si Adrianna na ang panalo, sigurado." Ani Eriza.
"Sino si Adrianna?" Tanong naman ni Elle.
"Yung nagsabi sa'yo witch sa cafeteria kahapon." Sabi ni Zille.
"Totoo naman eh." Narinig kong bulong ni Eriza. Agad ko siyang siniko.
"Ano sabi mo, Eriza?" Tanong ni Elle.
"Wala," Sabi ni Eriza at ngumiti ng mapait.
Nagbell. Ugh. Klase na naman.
"Tara na," Yaya sa amin ni Zille.
"'Kay." Sabi ko.
"Oh my god," Agad napakapit sa akin si Eriza na nakatingin sa likod ko. And there, nakita ko si Fyro at West. Naglalakad papunta sa amin.
Nang makalapit sila ay ang tamis ng ngiti ni West kay... Zille? Todo pacute naman si Eriza. Si Elle ay nakatingin lang sa dalawang lalaki.
"Where are you going?" Sabi ni Fyro.
Napalingon-lingon ako sa paligid. 'Di naman ako ang tinatanong ni Fyro diba?
"I said, where are you going?" Hindi ako diba?
"MIYA CALDWELL, SAAN KA PUPUNTA?!" Sabi ko nga ako 'yon.
"Uh. Magkaklase?" Sabi ko.
"Let's go," Aniya at hinawakan ang kamay ko.
"S-saan?" Nautal kong sabi at tumingin kay Eriza, Zille at Elle. Nagkibit-balikat lang sila.
"Elemental Headquarters." Ani West. "Ngayon ang training n'yo ni Fyro, Miss Caldwell. Napa-excuse ka na rin namin sa mga klase mo. Kailangan mong i-master ang kapangyarihan mo kasi isa ka sa mga nagtataglay ng malakas na kapangyarihan." Tuloy niya.
"Elemental Headquarters?" Takang tanong ko.
"Tss. Bobo." Narinig kong sabi ni Fyro.
"Anong sabi mo?! Sinong bobo?" Agad akong inawat ni Zille. At sinabing pagpasensyahan na lang si Fyro. "Pakibitawan nga 'yong kamay ko." Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan.
"Miya," Napatingin ako kay Zille. "Ang Elemental Headquarters ay training ground ng mga Elemental charmers, gaya ninyo."
"Zille's right," Ani West. Tumingin ng masama sa kanya si Fyro. Bakit kaya? "Uh. Doon kayo magtetrain ni Fyro sa red door kasi doon ang Quarter ng Fire."
"Kaya tara na, sinasayang mo ang oras." Ani Fyro.
"Bakit kailangan ko pang magtraining?" Tiningnan ako ni Fyro.
"Tss." Aniya at nagulat na lang ako ng hinagisan niya ako ng bolang apoy!!!
"Aray!" Sabi ko. Nadaplisan ang braso ko sa apoy niya. Napaupo ako sa sakit.
"KUYA!" Ani Zille.
"Okay ka lang, Miya?" Sabi ni Eriza. Tumango lang ako.
"Fyro, sorry sa gagawin ko." Ani West. "Mr. Fyro Calhoun you are hereby detained at the Doomed Room for 5 hours." At may posas kulay red ang biglang lumitaw sa kamay ni Fyro. "That's for hurting a fellow student. It's a rule in this Academy not to hurt someone using your powers."
"Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Beast!" Sigaw ni Fyro sa akin.
"At ako pa ang may kasalanan? You hurt me!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
The Last Elemental Goddess
FantasyBeing an Elemental Goddess is a dangerous situation. Every student in Forbidden Academy wants to be one but they know it's impossible. Hindi rin nila alam na maraming may gustong pumatay sa kanya. Ang Elemental Goddess ay kayang kontrolin ang apat n...