For my old readers. Hi guys! Since ngayon lang ulit ako nakapag-update, I suggest na basahin n'yo na lang po ulit ang story. May mga konting changes po akong ginawa. ☺️ 'Yan lang po. Enjoy! ❤️
Chapter 8
Sample GameMiya Caldwell's POV
"Ano ba ang ginagawa sa Sample Game? Ugh. Ayoko na!" Sabi ko sa kanila.
"Miya naman eh, andyan na. Kasali ka na." Ani Zille.
"At saka Miya, madali lang ang Sample Game sinasabi ko sa'yo." Sabi naman ni Eriza. "Basta 'wag mo lang gamitin ang Power Negation na powermo. May chance kasi na 'di tatalab 'yan kasi malalakas mga kalaban mo."
"Talaga? Thank you Eriza. Kaya ko kaya sila?" Ngumiti si Eriza sakin.
"You can do it. Ikaw pa!" Sabi ni Elle.
"Si Adrianna nga pala. Bakit wala pa siya?" Nandito kami ngayon sa Defense Room.
"Malelate siya. Kasi napuyatan. May pinuntahan ata kagabi, hindi ko alam." sabi naman ni Dahlia. Saan naman nagpupupunta si Adrianna? Baka nagtraining? Siguro nga.
"Hey guys, I'm here na!" Sabi ng kakapasok na si Adrianna. Nakabrown dress siya.
"Andyan na pala si Adrianna eh!" Ani Dahlia.
"Oh my god? What is she doing here?"
"Diba nakulong siya dahil sa pagtrespass niya? At bakit nakikipag-usap pa siya kay Miya?"
"Paano ba 'yan nakatakas? Ew."
"Crimi--"
"Stop it!" Biglang sigaw ni Dahlia kasi naluluha na si Adrianna. Nakuha na nila ang atensyon ng lahat. "Talagang napalabas na ng kulungan si Adrianna. Dahil ibinigay sa amin ni Principal Calhoun ang susi. At si Miya, na siyang biktima, ay nararamdaman niyang walang kasalanan si Adrianna."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. At nagsimula na naman silang magbulungan.
"Enough, students!" Napatingin kami sa gitna. Nandoon na pala si Principal Calhoun at lahat ng mga Professors dito sa Academy. "Mahigpit na ipinagbabawal sa eskwelahang ito ang ganyang ugali ng mga estudyante!" Nanahimik ang lahat.
"Maaaring pumunta na sa mga pwesto!" Ani Master Hy. Umupo na kami sa may harapan. Magkakalinya kaming anim.
"Mga kasali sa game, maaring pumunta rito sa gitna." Ani Master Hy.
Tumayo kaming sabay ni Adrianna. Still, napapatingin parin ang mga estudyante sa kanya. Ngumiti lang siya at hinila ako.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin, "Okay lang ako, Miya... Kasi alam kong nararamdaman mong wala akong kasalanan. Masaya na ako do'n." Napangiti ako sa sinabi niya sa akin.
"Please make a line, contestants." Luminya kaming lahat. Napahiwalay si Adrianna sa akin dahil sa order daw ng binigay ng Box ang masusunod. Pang 12 siya at ako ay panghuli.
"In the Sample Game, this is just a training for all of you," sambit ni Principal Calhoun sa amin. "Kung ano ang mangyayari sa SG, is just 10% percent of the exact Game." Bigla akong kinabahan. "The Sample Game will be held at the Room of Enchantment Extension Ground."
"Saan 'yon?" Tanong ko sa katabi ko.
"Sa ilalim ng lupa." WHAT?! Anong gagawin namin sa ilalim ng lupa? MAGMIMINA? MAGTATANIM?
"For the students, I require all of you to watch the Sample Game. At dito kayong lahat sa Defense Room." Ani Master Hy.
"Contestants, let's go." Lumabas na si Principal Calhoun at Master Hy... Sumunod na kami. Napatingin sa akin si Adrianna at nagthumbs up siya sa akin, I smiled at her.
BINABASA MO ANG
The Last Elemental Goddess
FantasyBeing an Elemental Goddess is a dangerous situation. Every student in Forbidden Academy wants to be one but they know it's impossible. Hindi rin nila alam na maraming may gustong pumatay sa kanya. Ang Elemental Goddess ay kayang kontrolin ang apat n...