Chapter 6
The Box of the WickedMiya Caldwell's POV
Biglang tumunog ang speakers. Sabi ni Eriza, every room may ganito para sa mga announcements. "Good evening students. You may now proceed to the Defense Room for the opening of The Box of the Wicked. And please, don't bring your guardians."
"Tara na sa Defense Room! Bilisan mong magpalit, Miya!" Sobrang excited naman si Elle.
"Oo na, patapos na!" Sigaw ko pabalik at sinuot na ang damit ko. Lumabas na ako.
"Ang ganda mo talaga, Miya!" Nakita kong nagsusuklay si Zille.
"Ikaw din kaya. Salamat, Zille."
Lumapit ako sa Guardian kong nakahiga sa kama ko.
"Majesty, stay here. Behave." Sabi ko sa kanya and I pat her head. "Matulog na kayo."
"Yes, Master!" Majesty smiled.
"Neia, huwag tahol ng tahol!" Sabi naman ni Eriza. "Sleep peacefully!"
"Okay." Ani Neia.
"Ray, stay on the box. Okay?" Ani Elle.
"Opo." Sabi ng cute na Ray.
"Yla. You know what to do." Ani Zille.
"Yes!" Ani Yla.
"Tara na?" Tanong ni Eriza.
"LET'S GO!" Excited na sabi ni Elle.
Lumabas na kami ng room. May nakita na rin kaming mga estudyante sa corridors at papunta doon.
Napatingin ako sa dulo. May nakita akong lalaking nakahoodie at natatakpan ang mukha niya. Nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa ng jacket. Bigla siyang napatingin sa gawi namin.
Mas lalo akong nagulat nang tumakbo na siya papalapit sa amin. At may hawak siya. Ang lapit na niya at may inabot sa akin.
Napatingin ako sa ibinigay niya. Ito na ang pinakamagandang bulaklak na nakita ko sa buong buhay ko. Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki, pero bakit niya ako binigyan ng ganito? At bakit tumakbo siya agad?
"Fire rose?" Gulat na sabi ni Elle. "Ang ganda! Sinong kaya 'yong lalaking 'yon?"
"Fire rose? Iisa lang ang pwedeng gu----" Agad tinakpan ni Zille ang bunganga ni Eriza.
"Ano 'yon, Eriza?" Takang tanong ko.
"W-wala. Iisa pa lang ang binigyan ng ganyan. At ikaw pa lang." Aniya.
"Ah, ganon ba?" Asik ko. "Itatago ko lang 'to ah?" Pumasok ulit ako sa room namin at nakita kong tulog na ang mga Guardians namin. Napagod na sila sa kakalaro maghapon.
Inilagay ko ang Fire Rose sa flower vase. Hindi naman siya nakakasakit o nakakasunog. Ang sarap sa pakiramdam na hawak mo ito. Ang Fire Rose na ito ay kakaiba. Imbis na petals, fire ang bulaklak nito.
Bago ako umalis, hinalikan ko si Majesty sa ulo.
"Ang daldal mo!" Yan agad ang narinig kong sabi ni Zille kay Eriza.
"Oh bakit? May problema kayo?" Nagulat sila sa pagsulpot ko.
"Wala, Miya. Ito kasing si Eriza, sinabing crush ko si Sir Dysom kay Elle. Diba, Eriza at Elle?" At pinandilatan niya ng mata si Eriza.
"Ah, oo, Miya." Sabi ni Eriza at ngumiti.
"Yeah." Ani Elle at sobra ang ngiti niya sa akin.
"Ah. Kanina pa kayo weird ah? Pansin niyo ba?" Napailing na lang ako. "Tara na nga." Yaya ko sa kanila at lumakad na kami.
BINABASA MO ANG
The Last Elemental Goddess
FantastikBeing an Elemental Goddess is a dangerous situation. Every student in Forbidden Academy wants to be one but they know it's impossible. Hindi rin nila alam na maraming may gustong pumatay sa kanya. Ang Elemental Goddess ay kayang kontrolin ang apat n...