Chapter 55: Decision Making

2.5K 72 2
                                    

Shan's POV

"Oh? Halika na nga dito?" Sabi ko sakanya na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Shan? Is that true na sinabi mo daw sa Sure Magazine na tayo na?" Tanong nya.

Tinitigan ko sya pero hindi ko makita ang emosyon nya! Anong nangyari. Feeling ko parang di nya gusto ang ginawa ko. Yumuko na lang ako at nagsalita. "Sorry! Akala ko kasi matutuwa ka. Sor-" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko nang maramdaman kong yumakap sya saakin at nagsalita.

"Wag kang mag-Sorry. Actually masaya ako. Di ko lang alam kong paano ko maipapakita dahil nabigla ako, imagine? Sanshian Patrize Laurel yung nagsabi non?" Sabi nya ng parang natatawa.. feel ko nakangiti sya habang sinasabi nya yon.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap nya. "Ano ba yan? Magdadrama na nman ako dito? Halikana sa loob ang dami kong niluto for you?" Sabi ko sabay ngiti.

Atsaka pumasok na kami sa loob.
-----

Kevin's POV

kasalukuyan kaming nasa sala at nanunuod ng TV. Ilang linggo narin ang nakalipas nang malaman ng lahat ang tungkop sa relasyon nmin ni shan.
Maya maya't biglang naging ang phone ko.

Calling Mom.....

Tinignan ko nman at si Mommy ang tumatawag.

Napansin ata ni shan ang nagriring kong phone at bigla syang napatingin saakin."sino ?" Tanong nya.

Agad akong tumayo at "Si Mommy! Sagutin ko lang ha?" Sabi ko.

Lumayo ako kay shan tsaka ko kinausap si mommy.

"Hi Mom!" Bati ko

(Where are you? Is it true that you're with Shan Laurel?") Tanong ni mom

Sabi na nga ba ei. Mahirap , Si mom nasa pilipinas. Ang bilis nman umabot ng balita sa pinas.

"Yes mom."

(Son! Please bring shan here! Kinausap ako ng mga laurel na paki-usapan ka daw na tulungang ibalik si shan dito!) Sabi ni mom.

"Per-"

(Son, wala nang pero pero. Ibalik mo na dito si Shan as soon as possible. Imagine? 1 year without communication sila ng parents nya. So please son!)

Ngayon na ba talaga ang tamang panahon? Ngayon na nga ba? Pwedeng next month pa? 'Extend' nman please.. kulang pa ang 1 year!

"I try mom. Sige po bye!"

(Bye son. I love you!)

"I love you mom!"

Enend call ko na. Agad akong bumalik sa tabi ni Shan. Siguro nga panahon na. Ngayon na ang tamang oras...

"Ano? Okay ka lang? Tulala ka?" Sabi nya.

"Ahh. Oo. Okay lang ako!" Sabi ko sakanya.

Agad nman nya akong binigyan ng masamang tingin. "Kevin, you're not a good liar. Halata sa kilos at reaction mo na hindi ka okay. Tell me please!" Sabi nya.

Huminga ako ng malalim.
"Shan. Sabi ni mom na-umuwi na daw tayo! Alam na nila ang balita!" Sabi ko.

Na-nga-nga si Shan ng mga ilang segundo.
"Wh...what? Al...alam na nila na nasa U.S Ako?" Sabi nya.

"Oo. And kailangan mo na daw bumalik sainyo as soon as possibe daw!" Sabi ko.

Napahinga nman sya ng malalim. Tsaka ngumiti saakin "Okay! Lets go back! Tama na siguro ang 1 year. We need to book a flight asap. " sabi nya.

"Are you s-"

"Yeah. Kevs.Babalik ako for my family hindi para kung kani-kanino!" Sabi nya sabay harap saakin at kurot sa pisngi ko "besides may boyfriend ako na napakagwapo!" Sabi nya.

Hayyst. Ginantihan ko nman sya "Basta babalik tayo for good. Hindi para kung kanikanino! Right Shanieee?" Tanong ko.

Tumango nman sya pero patuloy sa pagpisil ng pisngi ko "Yeah. For good only!" Sabi nya.

Tsaka nman kami nagkalasan at nagpatuloy sa pinapanood nmin.

I love you Shan.

-------
Yihey! Babalik na si Shan! Paano ang step ni Thej? Abangan natin..

Sorry for some typos' and Gram. Error.

Tao lang ♡
Hyduuush

Ms. Sungit meets Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon