Dear ex, (walang halong bitterness)

1.2K 12 0
                                    

May bago ka na raw babae balita sakin ng tropa mo. Maganda raw sya nung malayo, nung makalapit, malayo raw gumanda. Dinig ko mas maganda pa raw legs ng tito ko kesa dun. Pakitanong naman kung hindi ba nanlalabo mata nya sa contact lens na halos araw araw nya atang gamit? Okay lang hindi nya suotin minsan, hindi naman nya kasi ikinaganda yun. Nung nakaraang araw may nakakita raw sakanya sa palengke, tirik yung araw kaya humulas yung pagkakapal kapal nyang make up. Ano ba ginagawa nya dun? Nakikipaglandian ba sya sa mga karne't isda?! Tsaka balita ko gusto raw nya sumali sa pageant. Ilang taon na nga sya ulit? 19 ata yun pero yung height pang 13. Pumayat sya konti pero aakalain mong poste, walang kurba e. (Napunta sa muka actually. Puro bako.) Kamusta nga pala yung mga barya nya sa hita, binti tsaka braso? Nakapagpabuo na ba sya? Medyo mahalay kasi tignan. Untidy kumbaga. Maalala ko, last time nya akong kinausap sabi nya, "Your not that beatifull you now that." Ang bait ko kasi ako pa talaga nag adjust. Nga pala, pakisabi good luck sakanya. Sana pumasa sya.

Nagmamahal (ngunit naloko, naiwang wasak, durog, duguan, at hindi mapakinabangan),
Ang iyong ex

Bitchy lines (random quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon