Chapter 9 - My New Friend, the quiet guy in class

18 2 0
                                    

Dahil nga wala na akong makakasama ngayon sa birthday ko, napag desisyunan ko nang umuwi sa bahay agad. Pero Habang nakapalumbaba ako at inuubos yung milk tea na in-order ko, biglang may umupo sa Harapan ko.

"Hello" bati niya sa akin. Kaya nagulat ako.

Hala? Totoo? Pinansin ako ni Peter?

"He..Hello din" sagot ko sa kanya "Umupo ka"

"Aiy, Sige salamat. Happy Birthday pala Mia."

"Alam mong birthday ko?"

"Oo naman. Pasensya na pala kung di kita nabati kanina."

"Okey lang. Atleast kinausap mo'ko ngayon." tapos napangiti lang siya sa sinabi ko then tumingin siya sa may labas kaya napatingin nalang din ako.

"Ang ganda nung fireworks nuh?"  pagpansin niya kaya napatango nalang din ako at pinanuod yung fireworks display sa labas hanggang matapos. Pagtingin ko kay Peter nakatingin pa rin siya sa may labas as in titig na titig pero nakangiti.

"Alam mo dapat pinapakita mo yang side mo na yan sa room natin. Ngumiti ka rin paminsan-minsan sa kanila para di ka nila tinatawag na weirdo." pagpansin ko sa kanya.

"Hayaan mo sila. Wala naman akong magagawa kung yun tingin nila sakin e." tapos ngumiti lang siya.

"Bakit ba kasi ang tahi-tahimik mo sa room? Wala ka bang kaibigan?"

"Sa totoo lang Mia, wala. Ikaw nga lang yung kinausap ko na kaklase ngayong highschool e."

Nagulat naman daw ako sa sinabi niya. Srsly? O_o

"Nakakagulat ba?" tanong niya pa.

"Uhmm. Oo. Bakit naman kasi ako lang?" 

pero bago pa siya makasagot sa akin, may lumapit na sa amin si Tito Ronald yung may ari ng restaurant na'to. Tinatanong kami kung di pa daw ba kami uuwi kasi magsasara na daw siya at may salu-salo daw sa bahay nila.Anniversary kasi nila ng asawa niya kaya kelangan niyang umuwi ng maaga ngayon. Naintindihan naman namin yun ni Peter at lumabas na rin kami kaagad. 


Habang naglalakad lakad kaming dalawa sa may park, pinagpatuloy namin yung usapan kung bakit ako lang ang kinausap niyang kaklase ever since nung nagsimula ang pasukan. Kasi daw nakikita niyang mabait daw ako at di daw akong mapanghusgang tao.

Medyo na curious naman ako dun sa sinabi niya kaya tinanong ko ulit siya.

"Husga? Bakit ka naman nila huhusgahan?"

then pinaliwanag niya ulit sa akin.

Yung company daw kasi na mina-manage ng daddy niya bumagsak. Masyado daw yun na stress kaya halos gabi gabing umuuwi sa bahay nila na lasing. Dahil namatay na yung mommy niya nung 7 years old palang siya at nag iisa lang siyang anak nito, sila nalang ng daddy niya ang magkasama sa buhay. Gusto ng daddy niya raw na tumigil na siya pag-aaral pero ayaw niya kaya lagi siya nitong sinasaktan. Ayaw niyang malaman iyon ng mga kaklase namin dahil baka husgahan ang pamilya na lalo na ang daddy niya at ayaw niyang mangyari yun kaya mas pinili niyang manahimik nalang palagi kesa makipag-usap sa mga kaklase namin. After niyang ikwento yun sa akin, napansin kong pinupunasan niya yung mga luha niya sa mukha kaya iniya ko siyang umupo muna kami sa isang bench at kumain.

Nanlibre si Peter ng siomai at coke. Nahihiya daw siya kasi sakin kasi wala daw siyang gift.

"Pagpasensyahan mo nalang yang treat ko. Wala kasi akong pera ngayon e. kababayad ko lang ng tuition natin sa school." Sabi niya. Feeling sorry kasi talaga siya.

"Ano ka ba. Ayos lang. Dapat nga ako pa mahiya e. Ako ang may birthday pero ikaw pa nanlibre sakin."

"Sus. Para yun lang. Basta Friends na tayo okey?" tanong niya sakin. tapos niyakap ko siya.

"Thanks Peter sa pagtitiwala mo sakin." sabi ko. pagkatanggal ko ng mga kamay ko bigla siyang tumawa.

"Oh? bakit?"

"Para ka kasing bata Mia e. Ang dungis mo pala kumain? Kagandang babae e. teka lang.... pupunasan ko" tapos hinawakan niya yung pisngi ko.


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Hello po... Ayos lang po ba yung ud ko?

Comment niyo po kung ano sa tingin niyo :) Don't forget to click the cute little star sa may side. 

Thank you and Godbless my beloved readers :* Mwua.

-LYM

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX



My First Love, My True LoveWhere stories live. Discover now