Waaaah! Pagod na ako.. Anu ba yan >.< Kanina ko pa hinahanap yung Section D. Yung room ni Marc.. San kaya yun?
Hanap... Hanap.. Hanap..
Ang dilim na, di ko pa din mahanap yung room nila.. Aiiisssh... Kung di lang talaga para sa ikakasaya 'to ni Amelia e! Di ko pagtyatyagaang maghanap ng room ng ibang tao :3 Kapag nalaman pa 'to ni Daddy. Magagalit pa sa akin yun!
Teka.. Yapak ng paa yun ah?! Mia! bilisan mo sa paglalakad.. Pagpabukas mo na yang pinaplano mong gawin.. Gabi na rin.. Aiy naku! Kapag sayo may nangyari masama....
"Waaaaaaaaah!" May nanghila sa akin!
"Wag ka ngang maingay.. Manahimik ka na lang jan.." boses lalaki siya
"Huh? Sino ka ba ha?" "Uy! Sino ka ba? Tska pakawalan mo nga ako!!"
Sunod sunod kong tanung sa kanya. Pero di siya nagsalita.
"Utang na loob naman! Pakawalan mo ako!"
Sigaw ko. pero di niya pa din ako pinapansin. Andito kame ngayon sa isang classroom. Ang dilim dilim. Di ko nga ma-recognize yung mukha nung kasama ko ngayon e.. >///<
"Kapag di mo ko pinakawalan di....."
"TSK!"
Di ko na napagpatuloy yung sasabihin ko ng bigla siyang pumalatak. At
O_O
H I N A L I K A N nya ako sa L I P S !!!
"Urghhhmmmm!!!"
Bumabaon yung labi niya sa labi ko. Parang magdudugo na nga yung lips ko sa sobrang diin ng paghalik niya sa akin, Tapos hawak hawak niya pa yung mga kamay ko kaya di ko siya maitulak tulak.
"Urghhhmmmm!!!"
Until now corner niya pa din ako sa isang sulok habang magkadikit pa din mga labi namin. Hanggang makakuha ako ng Tyempo.
"Araaaaaay! " reklamo niya.
*PAK! PAK!*
Tinapakan ko kasi siya tska sinampal bago ako umalis.. Langyang lalaki na yun! PERVERT!! Ninakawan niya pa ako ng halik.. Nakakainis! TT>TT Kung alam niya lang gaano kahalaga sa akin yun! Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!!!
pero.. Teka! Paano ko malalaman kung sino siya?? E. Di ko nga man lang nakita yung mukha niya.. :3 Aiy! Basta! May oras din yun sa akin! >;(

VOCÊ ESTÁ LENDO
My First Love, My True Love
Ficção AdolescenteAko si Mignonette. Simple, Maganda (sabi nila), Tahimik, at Matalino. Aral at Bahay lang ang palagi kong ginagawa. Wala akong alam sa tunay na realidad ng buhay. Nang makilala ko si Lucas. Pinaka kinatatakutan kong nilalang sa school. rakista, Mahan...