Chapter 4 - For My Bestfriend's Happiness

49 4 4
                                    

Kyaaaah! Di ako nakatulog kagabi.. Di ko makalimutan yung nangyare sa akin.. Di ko matanggap na may nagnakaw sa akin ng pinag iingatan kong 'First Kiss'. Anu bang trip ng lalaki na yun? Sa dinami raming pwedeng pag tripan bakit ako pa?! Di naman siya amoy lasing.. Kaya malamang sa malamang nasa katinuan naman siguro siya.. Pero bakit niya ginawa yun.. May problema ba siya sa akin?! tsssss...

"Hoy!!!! (*CLAP!!!!*)

"Aiy! T*e ng Nanay kong kalbo!"

Langyang mga Lady Gg's na 'to! Tama bang gulatin ako?! >////<

"Bakit kanina ka pa tulaley jan? Tapos tignan mo nga yang eyes mo oh! eeeew. Laki ng eyebags! " Panlalait ni Therese.

"Oo nga! Ang panget mo ngayon! HAHA. :D Uy! tignan mo. Lusaw na yung Ice Cream mo! Kakainin mo pa ba yan? Akin nalang yan kung ayaw mo!"  Sabay kuha ni Catherine sa Ice Cream ko.

"Uy! Cathy naman e! Wala pa akong sinasabe! Takaw takaw mo naman -___-" Reklamo ko

"Parehas lang kayo.. Kapag nasa mood ka din naman.. Lahat ng pagkaen namen ay sayo.." Sabat ni Charisse

Nga naman.. May point si Charisse dun. HAHA. Pero yung sa akin naman kasi may kapalit e :3 Tinuturuan ko naman sila sa mga lessons nila >_<

Andito pala kami ngayon sa Ice Cream parlor na malapit sa school namen. Vacant time kasi namen ngayon. Dito ako hinila ng mga Lady Gg's para magpalipas ng oras.

"Tigilan niyo na nga yan.." pag aawat ni Amelia sa amin.

"Mimiatot! Bakit hanggang ngayon di pa din nagtetext sa akin si Marc?! :("

Aiy! Oo nga pala.. About kay Marc.. Di ko pa siya nakakausap!! Baka makahalata na si Amelia :3

"Di pa siya nagtetext?! Ah.. Eh.. Antayin mo lang.. Magtetx din yun! Cgeh! Alis na ako.. May gagawin pa pala ako sa school!!" Palusot ko, Sabay takbo palabas ng Ice Cream Parlor.

"Huh? Anu Nangyare sa babae na yun?" naguguluhang tanong ni Therese.

"Baka nagalit dahil sa ICE CREAM?! Ang babaw naman niya! Papalitan ko naman e >_< sabihin niya lang..." Pag dadrama ni Cathrine.

"Takaw takaw mo kasi! Alam mo namang kulang pa nga sa kanya yung Ice Cream na yun e :3 Inagawan mo pa.." Pangongonsensiya ni Charisse kay Cathy XD

"Eh. Akala ko kase ayaw na niya yung Ice Cream niya e.. Edi kinuha ko nalang kesa masayang :3 Sarap pa naman nun.." sagot ni Cathy kay Charisse

"Tigilan niyo na nga yan -___- Namomroblema kayo kay Mimiatot! DI pa kayo nasanay sa babae na yun.. May di nagawa lang na assignment yun kaya tumakbo sa school.. Kumaen na nga  tayo.. Libre ko na.." Sabat ni Therese.

"YEY!" sabay sabay  na sigaw nila ng marinig ang magic word 'LIBRE' :3

XXXXXXXXXXXX

Utang na loob! Hinaningal ako dun ah?! Pero okey lang, nakita ko naman na yung room nila Marc :D HAHA. Andito ako ngayon sa tapat ng pinto nila tpos sila ng mga kabarkada niya andon sa kabilang dulo nagkakasatan kaya di nila ako mapansin pansin. Kelangan ko ng kumatok baka kapag nagtagal pa ako maabutan ako dito ng mga Bestfriends ko, Makapag isip pa ng iba yun -____-

(*Tok! Tok! Tok!") katok ko sa pinto nila para mapansin naman nila ako.

"Oh? Mia? Bakit ka nandito?" gulat na tanong sa akin ni Marc.

"Pwede ba kitang makausap? Dun tayo sa may fish pond sa likod ng school. Para walang makakita sa atin :)"

Aya ko kay Marc. Pumayag naman siya at sumunod sa akin. Oo, ako yung pinauna niya, gentleman pala siya di lang halata sa looks niya kasi mukha siyang badboy.

Lakad.. lakad.. lakad.. At andito na kami sa fish pond. Kami lang dalawa. Di kasi ito madalas puntahan ng mga estudyante kaya tahimik dito. Matagal din na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Halata ang awkwardness na nagaganap sa pagitan namen.

"uhmm. Mia.. Ano na yung kelangang pag-usapan natin?" pagbasag niya sa katahimikan.

"ah. ehmm.. Tungkol sa panliligaw mo sa akin.." sagot ko.

"Anung tungkol dun? Sabihin mo lang sa akin." sambit niya ng mahinahon.

"Kasi nagkakaroon kami ng di pagkakaintindihan ni Amelia. Kasi honestly gustong gusto ka nung kaibigan ko na yun. Nagseselos siya sa akin. Ayaw ko naman maging ganun kami.. Mahalaga siya sa akin. Kaya kung pwede? Wag nalang ako? Siya nalang. Mas deserving siya sa pagmamahal mo. Sorry Marc.. Alam ko naging mabaet ka sa akin. pero kasi wala talaga e. Ayaw ko ng patagalin pa'to. Ayaw na kitang paasahin pa, sana maintindihan mo ko. Para sa atin lahat din 'to. Si Amelia nalang.. Mahal na mahal ka nun. Pero sana wag mo nalang sa kanya ipaalam na nag usap tayo ah? Sorry talaga.. :("

Medyo nahihiya ako sa ginawa ko kay Marc. pero para sa amin lahat naman tong ginagawa ko e.. Sana maintindihan niya ako.. Sana..

"Mia. Bakit ka nagsosorry sa akin? :) Ako nga dapat magpasalamat sayo e. Salamat kasi naging tapat ka sa akin. Di mo na pinatagal pa.. Baka di nga tayo talaga para sa isa't-isa. Kaya pipilitin kong mapansin si Amelia gaya ng sabi mo. Baka nga sa kanya ko mararamdaman ang tunay na pagmamahal.. Titigilan na kita, pero di ba pwede pa naman tayo maging magkaibigan? Kahit ihinto ko na ito? Papayag ka ba?"

"Oo naman! HAHA :D Baka mas maging close pa tayo sa isa't-isa kung ganun lang tayo.. Salamat talaga.. Di ko alam kung paano kita mapapasalamatan.. Napaka swerte ng taong mamahalin mo! Sana maging maayos kayo ni Amelia.. Pagpasensyahan mo nalang yun ah? Makulit lang talaga siya. Wag mong sasaktan kaibigan ko kundi.. Di kita mapapatawad... HAHAHA! . " sabay yakap namen sa isa't-isa.

Napaka swerte ko talaga at napapalibutan ako ng mga ganitong kaibigan.. Akala ko di niya ako maiintindihan at magagalit siya sa akin.. Buti nalang malawak ang pang unawa ni Marc.. At Napaka positive niya mag-isip. yes! Makakahinga na ulit ako ng maayos.. Di ko na kelangan magsinungalng sa bestfriend ko :D Thanks talaga kay Marc....

My First Love, My True LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang