"Mia, wait lang. Wag kang gagalaw. Steady ka lang."
utos sa akin ni Peter habang Kinakain ko yung siomai na binigay niya sa akin kanina.
"Okey, pero bakit?" tanong ko sa kanya, pero di niya ako sinagot sa halip inilapit niya sa akin yung mukha niya as in lapit talaga kaya medyo nanlaki yung mga mata ko.
Kinawit niya yung mga braso niya sa may leeg ko. Medyo kinakabahan na ako sa ginagawa niya.
Di naman di ba ako gagawan ng masama nitong si Peter di ba? Di ba?
Laking gulat ko sa sunod na nagyari. Tumalsik si Peter sa sahig at may dugo rin siya sa may labi niya.
"Peter! Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ng panyo yung dugo niya sa labi, tumango lang siya sa akin.
Tumayo ako at hinarap yung gumawa nito sa kanya at binulyawan ko.
"Ikaw?!! Epal ka rin eh! Tignan mo ginawa mo sa kaibigan ko oh! Problema mo ba? ha??" pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Nakakahiya tuloy buti nalang medyo madilim dito sa lugar namin ngayon. Sana di nila ako makilala o mamukhaan.
Sana rin walang kakilala dito sila Mommy at Daddy. oh Lord please?? Nawala tuloy yung composure ko at breeding :3 Kainis kasi ang epal e.
Di siya sumagot sa halip tinulungan niya nalang makatayo si Peter at tumakbo ng siya paalis sa harap namin.
Para ngang kilala ko siya e. Familiar kasi yung mukha niya sa akin. Di ko alam kung saan ko siya nakita. Ay naku! nakakapanggalaiti e -.-" Naiinis ako sa kanya. Di porket malaki yung katawan niya kesa sa amin pwede na niyang gawin yun basta-basta. Yung manununtok ka ng ibang tao na wala naman ginagawa sayo...
Tapos ngayon tatakbo-takbo siya? Kung di rin bastos e! Kinakausap ko siya tapos tatalikuran niya ako? Anong klaseng tao yun? Aisssssst...
"Tapang kanina ah? Pati ako natakot sayo kanina. Para kang bubuga ng apoy. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Pang-aasar sa akin ni Peter habang naglalakad kami pauwi.
Napag-pasasyahan kasi namin na umuwi nalang after nung nangyari kanina. Masyado kaming umeksena sa park. Nakakahiya.
"Heh! Manahimik ka jan Peter.. Kainis lang kasi talaga kanina yung lalaki na yun. Akala mo kung sino.. urghhhh. nanggiigil ako!"
"Hahahahaha. Sa totoo lang nag kyuuuut... kyuuut... kyuuuut mo kanina nung nagagalit ka. Pulang pula yung mukha mo. Bwahhahahahaha." Di pa rin siya tumigil sa pang-aasar sa akin nuh? Kung siya kaya sapakin ko ngayon?
"Sasapakin kita jan Peter. Oh. Nandito na pala tayo sa tapat ng bahay e. Pasok ka muna?" pag-aaya ko sa kanya.
"Hindi. Okey lang ako. Gabi na rin. Baka nandun na si Papa sa bahay. uw na ko Mia. Byeee~" at naglakad na siya palayo. Ako naman pumasok na sa gate namin. Ang dilim nga e. Walang kailaw-ilaw. Baka tulog na family ko. Pero ang aga naman ata? 9:00 palang ah? hayaan mo na nga. Pagod lang sila siguro lahat.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Yan po. 3 Chapters po ngayon UD ko ah? Bumabawi po ako sa inyo XD Hahahahahahaha. Paki support po story ko. Love you :* mwua.
Want to dedicate pala tong chapter na 'to sa bestfriend ko na kanina ko pa kausap sa phone kaya ginanahan akong mag-open :D Yun lang. Sheyyr lang po~ Hekhek.
Please Vote this chapter and comment kung ano sa tingin niyo.
-LYM
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
ESTÁS LEYENDO
My First Love, My True Love
Novela JuvenilAko si Mignonette. Simple, Maganda (sabi nila), Tahimik, at Matalino. Aral at Bahay lang ang palagi kong ginagawa. Wala akong alam sa tunay na realidad ng buhay. Nang makilala ko si Lucas. Pinaka kinatatakutan kong nilalang sa school. rakista, Mahan...