Hmmm. sarap talaga ng simoy ng hangin dito sa lugar namen.. Malamig, Fresh at walang halong polusyon. Kaya lalo kong na eenjoy ang pagpasok sa school na sakay sakay ng bike ko. :)) Eto ang regalo sa akin nila Daddy nung graduation ko (Elementary) Kaya simula nung pumasok ako ng Highschool ito na ang service ko. Maliban nalang kapag umuulan, sumasabay ako sa kotse ni daddy.
whooooz... Andito na ako sa parking lot ng mga bike ng School namen :) Halos kasi dito bike lang ang ginagamit, maliban sa mga malalapit lang ang bahay na pwede namang maglakad nalang. Paakyat na sana ako ng hagdan papasok sa campus ng biglang may nagsigawan...
"Mimiatot!!!! Wait for us!"
Waaaah! Ang Lady Gg's pala! O///o Ang mga mahaharot at maiingay kong mga bestfriendsssss. Sila Amelia, Catherine, Therese at Charisse. Lahat sila kikay maliban sa akin. Walang inatupag kundi maghanap ng boylet. Aba'y ewan ko ba kung bakit ako napasama sa mga babae na 'to. basta ang alam ko lang kahit harot sila, mga totoo ko naman silang mga kaibigan.
"Oh? Bakit kayo nandito? Bakit kayo naka school uniform na katulad ng sa akin?" bungad ko sa kanila.
"Hala..Baka kasi kami yung bagong janitor dito?" Sagot ni Amelia.
"E? Talaga? Tawa na ko nyan?" sagot ko.
"Slow mo kase e... Dito na kami mag-aaral simula ngayon! ^__^ " sabat ni Therese.
"Huwaaaat?! O_O" gulat na tanong ko.
"Ayaw mo ba kami dito?? *pout* Nag highschool lang tayo ayaw mo na kaming kasama?! Akala ko ba Friendship forever tayo?! Waaah! TT_TT" Emotera talaga tong si Catherine!!
"Di naman sa ganun.. pero syempre 2 months na nakakalipas nung nagsimula ang klase." paliwanag ko kay Catherine. Baka gumawa pa ng eksena dito e nakakahiya naman -__-
"Ganun talaga.. Walang impossible sa amin. Basta ginusto, tiyak na makukuha namin ~_^V" pagmamayabang ni Charisse.
"Sabagay.. Pero teka? Wag niyong sabihin kaya lumipat kayo dito sa school na pinapasukan ko dahil.. na mimiss niyo na ako???!"
"NO WAY!!!!" sabay sabay na sigaw nila.
"Araaay ko naman! Lakas lakas ng sigaw niyo. :3"
"PAK! kaya nga sigaw di ba?" Reklamo w/ Matching batok ni Therese..
"Aiiiisssshhhh... Manahimik na kayo jan.. okey?? Mimiatot! Tara dito bilis..." Utos ni Amelia..
"Oh? Bakit?" Lapit ko sa kanya.
"Kilala mo ba si Ste..... Kyaaaaaah!!!" Di na natapos ni Amelia yung tanung niya sa akin ng bigla siyang sumigaw
"Hi Mignonette :) Kilala mo ba ako?" Tanong nung lalaki na lumapit sa amin. Matangkad siya, Tapos ang angas ng dating niya,, may earrings pa siya sa tenga.
"uhhhmmmm..." di ako nakapagsalita sa harap niya.
"Ako nga pala si Steve Marc Reyes. Section D. Pwede ko bang makuha email at number mo? ;)"
"Ehhh.. Wait Amelia!! Hintayin mo ko!"
Tumakbo si Amelia.. kaya tumakbo na rin ako.. Tska mabuti na rin yun. DI rin kasi ako sanay makipag usap sa ibang mga tao e. Lalo na mga lalaki sila. Ayaw kasi ni daddy na may lumalapit sa akin na ibang boys kasi baka daw palitan ko na siya.. Di ba ang O.A ni daddy? HAHA. By the way, bakit nga ba tumakbo si Amelia? Hala naman yung babae na yun >.< ang weirdo.. Pero kelangan ko muna pumasok sa klase ko. Baka sabihin nag cutting class ako. Makarating pa sa parents ko, No, No, di pwede.. Never ko pa silang na disappoint!
After 4 Hours.
"Class Dismiss!"
Pagkasabi na pagkasabi palang ni Ma'am nung word na yun, Agad na akong tumakbo papunta sa park. At hinanap ko ang Lady Gg's. At ayun! Nakita ko na. Naka upo sila sa bench, kaya agad kong nilapitan. Pero pagkalapit na pagkalapit ko siya namang umalis is Amelia.
"Oh? Anung nangyare dun?" tanong ko sa ibang Lady Gg's
"Kilala mo ba yung lumapit sa'yo kanina?" pabalik na tanong sa akin ni Charisse.
"Hindi. Bakit anung meron sa lalaking yun?" naguguluhang pagtatanong ko sa kanila.
"Siya ang tunay na dahilan bakit kami lumipat dito. Si Marc, Gustong gusto talaga siya ni Amelia. Sabihin na nating 'dead na dead' sa kanya ang lola mo. Kaya ganun nalang reaksyon niya nung lumapit sayo si Marc sayo at kinukuha ang Number at email mo." Paliwanag ni Catherine.
Umaaaygad! Anung sasabihin ko ngayon kay Amelia?! Waaaaah! Di ko naman kasi alam na ganun pala e >///< pero sige, bahala na... kahit anu nalang palusot ko sa kanya.. Basta maging okey lang siya.
Lumapit Ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Uhmm. Amelia? About sa nangyare kanina. Wag mo ng isipin yun..."
Okey. Halatang masama ang loob niya dahil sa nangyare knina.. walang reaksyon mukha niya.. At di niya rin ako tinitignan sa mata.
"Uhmmm.. Amelia.. Yung kanina? Anu ka ba! Inaasar lang ako ng mga yun :3 Alam mo ba kanina lumapit sa akin si Marc tpos sabi ba naman 'natakot ka kanina noh? Ang dali mo palang lokohin.' tpos sabay sabay silang nagsipag tawa nung mga kaibigan niya. aiy.. oo nga pala. kinuha niya sa akin yung email mo at number. ikaw daw kasi tlaga yung gusto niya e. Di daw ako.. ha-ha-ha.. kaya binigay ko na :D text ka nalang daw niya ah! cgeh. Amelia.. una na ako. Sinabe ko lang sayo.. :))"
Liar! Liar! Ang Liar ko!!! Anu ba itong napasukan ko >_<
Medyo malayo na rin ako sa kanya ng bigla niya akong tawagin.
"Mimiatot! Talaga? Sinabe niya yun Sa'yo?? Ako daw gusto niya?"
"Uhmm.. O.. Oo! Sinabe niya yun sa akin :D Kaya ngiti ka na jan ^__^ Wag ka ng malungkot ah?! Bahala ka.. Kapag malungkot ka baka bigla kang pumangit.. HAHA" Pag chicheer-up ko sa kanya.
"{*PAK!*}
"Aray naman Amelia! tama bang batukan mo ako?" reklamo ko. Ang sakit kasi e!
"HAHA. Ikaw kasi e! Nakakainis ka! Akala ko ikaw yung gusto ni Marc >.< " mangiyak ngiyak na pagkakasabi niya sabay niyakap niya ako.
Omaygaaash! Anu ba'to! Hate dis feeling! Nakaka-guilty! Nagsinungaling ako sa bestfriend ko.. Panu na'to. Baka umasa siya :3 Pero ayaw ko din naman na malungkot siya dahil sa akin..
"Oy! Kayong dalawa jan. Masyado na kayong ma-drama!! Di pa ba kayo uuwe?" Panira talaga ng Moment tong si Therese! Litsi -___-
"Aiy. HAHA. Sorry" (sabay punas ng luha ni Amelia) "Uuwi na ko. Magchacharge pa ako. Baka biglang magtext sa akin si Marc e XD HAHA! Ikaw ba Mia?" Dugtong niya
"Di pa.. May gagawin pa ko e :D Cgeh. Mauna na kayo! Bye!"
YOU ARE READING
My First Love, My True Love
Teen FictionAko si Mignonette. Simple, Maganda (sabi nila), Tahimik, at Matalino. Aral at Bahay lang ang palagi kong ginagawa. Wala akong alam sa tunay na realidad ng buhay. Nang makilala ko si Lucas. Pinaka kinatatakutan kong nilalang sa school. rakista, Mahan...