Chapter 2 *Transfer Students*

1.7M 27.6K 4.5K
                                    

A/N: makikilala niyo sa chapter na to ang mga characters! enjoy reading

***

Chapter 2

*Transfer Students*

 

[Timi's POV]

"Timiiiiii! Bumalik ka na ng school! Ang boring pag wala ka eh!" sabi sa akin ni Jasper habang pinapaikot niya ang drum sticks na hawak niya sa mga daliri niya habang nakahilata sa couch namin. Nakapatong pa ang mga paa niya sa hita ko. At home na at home talaga ang loko.

"May tatlong araw pa nga bago matapos ang suspension 'ko 'no! Tsaka wag mo muna ko papasukin! Nag eenjoy pa 'ko sa paghilata ko sa kama buong maghapon." 

"Ikaw naman kasi, lagi ka na lang napapaaway nang dahil sa lalaki. Ang panget naman nung lalaking pinag-agawan niyo nung naka sapakan mo," sabi naman  ni Geo habang hawak-hawak ang remote control ng TV namin at pinapalipat-lipat ang channel.

"Buti sana kung kasing gwapo tulad namin eh! Kaso hindi!" dagdag pa ni William na nakaupo naman sa bean bag.

"Gutom na ko. Tapos na ba magluto si Tita?" singit naman ni Ayen na sa sahig ng sala nakaupo at hinihimas-himas ang tyan niya.

Si Jasper, Geo, William at Ayen. Sila ang mga best friend ko na member ng Endless Miracle or EndMira, ang official band ng Prince Academy, ang school na kung saan kami nagaaral. Mga gwapo ang mga 'yan at habulin ng mga chicks. Yung mga chicks naman na humahabol sa kanila, gusto akong paslangin dahil naiinggit at close ko tong apat na mokong na 'to. Yung iba naman, gusto akong kaibiganin para mapalapit sa EndMira. Mga manggagamit di ba?

Ewan ko ba sa mga babaeng yan. Kung alam lang nila kung gaano ka patay gutom ang apat na to. Kaya nga favorite nilang tumambay sa bahay namin eh kasi parehong magagaling na chef ang mommy at daddy ko. Pag kumain sila dito, para na rin silang nag dine-in sa isang five star hotel.

Maya maya lang din, biglang dumating si mommy at sinabing ready na yung meryenda namin.

"Wow ang special na Carbonara na luto ni Chef Naomi! For sure masarap 'to tita!" pambobola ni Geo kay mommy

Tinawanan ni mommy si Geo. "Ikaw talagang bata ka masyado kang bolero 'no? Manang mana ka sa Tito Drew mo!"

Si Geo Fernandez, pamangkin siya ni Ninong Drew kaya bali parang kinakapatid ko na rin siya. Si Geo ang guitarist/vocalist at leader ng banda. Parang siya rin yung pinaka mature magisip sa kanila kaya tumatayong "kuya" siya ng mga lalaking ito. Mabait 'yan at gentleman. Magaling din kumanta. Boses pa lang niyan, naiihi na sa kilig ang mga kababaihan.

"Tita pwede ba 'kong mag balot nito?" tanong naman ni Jasper, ang drummer ng banda "ibibigay ko doon sa kalandian ko. Sasabihin ko niluto ko para mas ma-fall sa akin!"

"Bagong kalandian na naman? Sus! Hanggang landian lang naman ang kaya mo eh!" pang-aasar ko kay Jasper

Ito kasing si Jasper Yu ang Mr. Pa-fall guy sa grupo. Ang hilig manlandi ng babae pero hindi naman liligawan. Ewan ko ba diyan kung bakit ayaw mag girlfriend ng matino. Pero hindi ko rin naman siya pinapangaralan dahil pareho lang din naman kami ng ugali. At syempre dahil gwapo yan, habulin din yan ng mga babae. 

"Ako rin! Pabalot! Ibibigay ko naman kay Erin!" sabi naman ni William, ang guitarist and second vocal ng banda

"Erin na naman?! Mukha ka talagang Erin! Hindi ka naman pinapansin nun!" sabat naman ni Geo

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon