Chapter 33 (12/5/14)

658K 15.1K 2.9K
                                    

Chapter 33

 

[Rika’s POV]

 

(Friday--10:30pm)

 

Nandito kaming dalawa ni Geo ngayon sa garden ng rest house na tinutuluyan namin sa Tagaytay. Naka-pwesto kami sa may coffee table at kumakain ng cheesecake and hot chocolate.

            Hindi na kasi namin nagawa pang maglibot dalawa ni Geo dahil sa amin iniwan ng ibang EndMira ang van at ang mga band instruments nila. Naisipan na lang tuloy naming mag take-out ng makakain sa coffee shop kaya ngayon ay kasalukuyan kaming iwan dalawa dito sa rest house.

            “Sorry ah? Gusto sana kitang dalhin sa isang restaurant kaso naisahan tayo nung tatlo,” iiling-iling niyang sabi.

            Si Jasper, William at Ayen ang tinutukoy niya. Bigla na lang kasi silang nawala kanina eh. Talagang gumimik yung tatlo.

            “Okay lang ‘yun. May dalawang araw pa naman eh. Isa pa medyo pagod na rin ako kaya mas okay na nandito na lang tayo sa bahay.”

            Nginitian ako ni Geo, “kung sa bagay.”

            “Ano na kaya ang ginagawa ngayon nina Ice at Timi ‘no? Saan kaya sila nag punta?” tanong ko habang iniisip kung ano ang ginagawa nila. Marahil kinikilig na ngayon si Timi. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya nang sumunod si Ice sa amin eh.

            Napa-kibit balikat si Geo, “ewan. Baka nasa isang secluded area sila ngayon. Kasalukuyang naka-tali si Ice sa upuan ng kotse niya at hinahalay na siya ni Timi. Pero okay lang ‘yun, ang mahalaga, malayo tayong dalawa sa crime scene.”

            Natawa ako sa sinabi ni Geo, “grabe hindi naman siguro ganoon ka-wild si Timi!”

            “You’ll never know,” ngumisi siya. “But anyway, let’s not talk about them. Magkwento ka naman. Sabi ni Timi palagi kang busy mag review para sa entrance exam. Ano bang course ang plano mong kunin?”

            “Architecture sana. Medyo mahirap kasi makapasa sa quota nila ng Architecture doon sa university na papasukan ko. Isa pa, habol ko talaga ‘yung scholarship.”

            “Scholarship? Bakit naman? Sa status ng family mo, kayang-kaya kang pag-aralin ng father mo sa kahit saang university.”

            “Iba pa rin kapag scholar ako,” sabi ko sa kanya habang naka-ngiti.

            Totoo naman ang sinabi ni Geo. Kaya akong pag-aralin ni daddy sa kahit saang university. Pero kapag umasa ako sa kanya hanggang college, mapipilitan akong mag stay sa puder niya ng ilang taon pa. At ayoko na. Hindi ko na kaya.

            Gusto ko na silang layasan.

            “Teka, ikaw naman. Saan mo balak pumasok at anong course ang kukunin mo?” pag-iiba ko ng usapan.

            “Gusto ko sana magkakasama pa rin kaming EndMira sa isang university para buo pa rin ang banda. Pero hindi ko alam kung possible. Magkakaiba ang universities na gusto nilang pasukan at course na gustong kunin.”

            I sipped my hot chocolate at tsaka tinignan na maigi si Geo, “ikaw? Ano ang gusto mo?”

            “I don’t really know. Hindi ko alam kung anong magandang course ang kukunin na hindi ako tatamarin sa pag-aaral. Ang tanging gusto ko lang naman ay tumugtog ng gitara, gumawa ng mga kanta at magagandang musika, at,” inangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan niya ako sa mata. “At…wala.”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon