Chapter 21 (10/03/14)

741K 16.3K 4K
                                    

Chapter 21

 

[Timi’s POV]

 

Nakakainis na yelong lalaking ‘yon! Ang bipolar niya masyado! Ganda-ganda na nang namumuong atmosphere sa’min dalawa sukat mag init bigla ang ulo! Hayop siya, ‘di ko makalimutan ang ginawa niya!

            Lagpas 24 hours na ang nakakalipas simula nang sigawan ako nung Yelong lalaking ‘yon pero ‘di pa rin ako maka-move on. Hindi ako makakuha ng strength sa kung saan para pakalmahin ang nag wawalang galit sa puso ko.

            Paano ba naman, ako na concern ako pa sinigawan? At ba’t idinaan niya sa pagpapalayas sa taong nagluto para sa kanya ang galit niya? Sana ‘di ba hinalikan na lang niya ako para everybody happy?!

            Kakainis talaga!

            “Timi, mula kanina pa pag-pasok natin ka naka-simangot diyan. Hanggang ngayon na uwian na, naka-simangot ka pa rin?” sabi ni Rika sa akin habang sinisilip niya ang mukha ko. Naka-patong kasi ang ulo ko sa arm-chair ko at malayo ang tinatanaw ko sa bintana ng classroom namin.

            “Okay lang. Kahit naka-simangot ako, maganda pa rin ako,” sabi ko naman sa kanya.

            “Alam ko naman ‘yun. Pero sino ba ang dahilan nang pag-simangot mo?”

            Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko si Rika na mukhang concerned na concerned sa’kin

            “Rika, pagka ba may taong nagpapakita sayo ng concern, ano mararamdaman mo?”

            “Hmm… syempre ma-t-touched ako—“

            “Exactly!” sabi ko bago pa niya matapos ang sinasabi niya. “Di ba matutuwa ka? Ma-to-touched ka? ‘Di ba? Patunay lang na abnormal ang isang yun kasi imbes na matuwa siya sa pagka-concern ko eh sinigawan pa niya ako! Nakakainis!”

            “Eh, sino ba yung tinutukoy mo?”

            Ipinatong ko ulit ang ulo ko sa armchair ko at bumuntong-hininga.

            “Isang lalaking abnormal pero gwapo,” malungkot kong sabi sa kanya.

            “Okay lang ‘yan Timi. Baka naman ayaw lang niya pag-usapan sa ngayon ang problema niya kaya ganun.”

            “Pero abnoy pa rin siya! Hmp!”

            “Timi…” hinagod-hagod ni Rika ang likod ko na para bang sinasabi niyang wag na akong malungkot.

            Kahit papaano naman gumaan ang pakiramdam ko. Iba pa rin pala pag mag babae kang kaibigan. Yung gentle. Yung malambing. Pagka kasi may problema ako at EndMira ang kaharap ko, katakot-takot na pamamrangka ang sasabihin nila sa’kin. Harsh sila mag comfort to the point na sarap nila minsan patikimin ng flying kick.

            Medyo nagiging okay na ako nang magulat ako dahil may isa pang kamay na pumatong sa balikat ko.

            “Anyare diyan?” dinig kong sabi nang isang lalaki kaya naman napalingon agad ako at nakita ko si Kite na parehong nakaakbay sa’ming dalawa ni Rika at naka-ngisi ng malawak.

            “O, dyan ka pala Saranggola.”

            “Ba’t naka-simangot ka? Gutom ka ba?”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon