Chapter 37
[Rika’s POV]
“Wala ka pa rin bang balak mag-salita?” tanong sa akin ni Kite habang nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya.
Halos mga 15 minutes na rin ang nakakalipas nang kaladkarin niya ako palabas ng bar. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong-gusto na umalis kaya lang inilagay niya sa compartment ng sasakyan niya ang bag ko at sinabing hindi niya ilalabas yun hangga’t hindi ko siya kinakausap.
“Hanggang kelan mo ba ako dededmahin?” tanong niya sa akin kaya naman agad akong napalingon sa kanya.
“Ahm, gusto ko lang ipaalala sa’yo na sa ating dalawa, ikaw ang unang nandedma.”
Nakita ko ang gulat at guilt sa mata ni Kite dahil sa sinabi ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya.
Mali na sumbatan ko siya. Alam ko naman ang dahilan ng pag-iwas niya eh. Pero bakit kailangang siya pa ang makita ko sa mga oras na ‘to?
Ramdam kong gusto niya akong i-comfort. Pero paano niya magagawa yun kung nasaktan din niya ako?
Sana si Geo na lang ang dumating.
“I’m sorry,” halos pabulong na sabi ni Kite. “Alam kong mali na basta na lang akong umiwas nang hindi ko man lang pinapaliwanag sa’yo ang dahilan.”
Napailing ako, “no need. A-alam ko naman ang dahilan eh.”
“I’m sorry Rika. Pero sana maniwala ka na nung mga panahong nilalapitan kita, wala akong ibang intensyon nun kundi ang maging kaibigan mo. Hindi ko intended na paasahin ka, o saktan ka, o paglaruan ka. I just want to be your friend.”
Napahinga ako ng malalim habang nangingilid na naman ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung matutuwa o masasaktan ako sa sinasabi ni Kite.
Nakakatuwa na kahit na ganito ako, ginusto niya pa rin akong maging kaibigan. Pero masakit isipin na hanggang doon lang talaga ang gusto niyang mangyari.
“I’m sorry if I have to ruin our friendship,” pagpapatuloy niya. “Ayoko lang makita na nasasaktan ka nang dahil sa akin.”
Napa-iling ulit ako, “no Kite. I am the one who ruined our friendship. Masyado kasi akong assumera at napaka-daling ma-fall.”
“Masyado naman akong paasa.”
“Masyado akong mapagbigay ng meaning.”
“Masyado akong gumagawa ng bagay na pwedeng bigyan ng meaning.”
“Masyado akong---“
“—masyado na tayong madrama,” said Kite, cutting me off.
Nagkatinginan kaming dalawa at pareho na lang kaming natawa sa mga sarili namin.
“I miss you,” sabi ni Kite nang medyo kumalma na kami sa pagtawa.
Nginitian ko siya. Siguro kung hindi kami nagusap nang ganito ngayon, malamang nabigyan ko na naman ng ibang meaning ang I miss you niya.
BINABASA MO ANG
The Falling Game (EndMira: Ice)
Teen FictionTimi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's both beauty and brains . But then she meet, Ice--the transfer student and the new vocalist of their sc...