Chapter 20
[Timi’s POV]
“Masarap?” tanong ko kay Ice habang kabado akong nakatingin sa kanya na tinitikman ang luto kong cowboy casserole.
Hindi siya nag react at sumubo pa ulit ng isa. Siguro para i-double check ang lasa ng niluto ko.
Confident naman akong masarap ‘yan. Aba naman! Eight years old pa lang ako, tine-train na ako ni daddy sa kusina! Imposibleng hindi maging masarap ang luto ko. Pero antokwa naman, kinakabahan ako sa reaction ni Ice.
“Uy ano, masarap ba?” pangungulit ko sa kanya.
Tinignan niya ako habang walang ka-expre-expression ang mukha niya.
“Oo masarap,” matipid niyang sabi at bumalik sa pagkain.
“Weh? Totoo? Eh bakit hindi man lang nag ningning ang mata mo o tumulo ang laway mo o kahit simpleng ngiti nung sinabi mong masarap?”
Tinignan niya ulit ako---blanko pa rin ang expression sa mukha, “ganito ako masarapan.”
Napa-buntong hininga na lang ako.
“Paano na lang pag nag se-sex na tayong dalawa? Poker face ka pa rin?”
Biglang nabilaukan si Ice dahil sa sinabi ko kaya naman dali-dali kong inabot sa kanya ang isang basong ice tea at hinagod hagod ko ang likod niya. Sinalat-salat ang muscles nito. Matigas. Nag g-gym kaya siya? Ba’t ang macho ng likod niya? Pwede ko kayang silipin? I-c-check ko lang kung macho ba talaga ang likod niya.
Pero bago ko pa magawa ang pinaplano ko, lumingon siya bigla sa akin nang may namumulang mukha at magkasalubong na kilay.
“What the hell Timi! Ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo!” irita niyang bulyaw sa’kin.
“’To naman! I’m just joking!” natatawa-tawa ko namang sabi.
Ang pula-pula kasi ng mukha ni Ice. Hindi na siya mukhang yelo eh. Mukha na siyang apoy.
Iniwas ni Ice ang tingin niya sa’kin at ibinaling na lang doon sa niluto kong pagkain.
“Ikaw ha, ba’t ka namumula,” pang-aasar ko sa kanya. “Siguro iniisip mo rin ang bagay na ‘yon ‘no?”
“Wag mo akong idamay sa pagiging madumi ang isip.”
“Aysus! Lalaki ka at imposibleng hindi mo iniisip ang bagay na ‘yun!” patuloy kong pang pang-aasar sa kanya.
Hindi na ako inimikan ni Ice at pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya. Yun nga lang, ang tenga niya ay pulang-pula na.
Napa-ngiti na lang ako.
Ang stiff stiff niya. Hindi madalas magpakita ng emosyon. Pero pag nahihiya siya, kahit naka-poker face pa siya, eh halatang-halata dahil ang bilis mamula ng mukha niya.
Hay naku naman. Mas lalo tuloy nakaka-inlove ang isang ‘to. Ilang cowboy casserole pa kaya ang dapat kong lutuin para magka-gusto na siya sa’kin?
“Baka malusaw ako niyan,” seryosong sabi ni Ice sa akin.
Titig na titig kasi ako sa kanya at hindi ko napansin na naubos na niya ang kinakain niya.
“Uy naubos mo! Nasarapan ka talaga!”
“’Di ba nga, sabi ko masarap,” wala pa ring ka rea-reaskyon niyang sabi.
“Alam mo ikaw, palagi kang seryoso ‘no? Gumi-gimik k aba ha? O namamasyal man lang? O nag papaka-saya sa buhay?”
Hindi ko kasi ma-imagine. Nag d-date kaya sila ni Erin? Kung oo, saan naman kaya sila nag pupunta? Tumatawa ba siya sa harap ng babaeng ‘yun? Ngumingiti? O nag papakita man lang ng kahit anong emosyon?
Iniwas ulit ni Ice ang tingin niya sa’kin at nagulat ako nang bumuntong-hininga siya.
“Matagal na akong nawalan ng karapatan para maging masaya,” mahina niyang sabi pero tama lang para margining ko.
“Huh? Bakit naman?”
Hindi niya ako sinagot instead, tumayo na lang siya at iniligpit ang pinagkainan niya.
“Huhugasan ko lang ‘to.”
Pumunta si Ice sa pinaka-loob ng kitchen niya. Sinundan ko naman siya at nakita kong naka-apron na siya habang nag huhugas ng pinagkainan.
Sumandal ako sa may counter na katabi ng sink at tinitigan siya.
“Bakit mo nasabing wala ka nang karapatan na sumaya?” pangungulit ko ulit sa kanya.
Aba! Nakaka-curious naman kasi ang sinabi niyang ‘yon. Parang may something sa past niya kaya ganyan siya siguro ka-yelo ngayon.
Hinintay ko ang sagot ni Ice pero hindi siya umimik. Napa-buntong hininga na lang ako.
Mukhang wala siyang plano sabihin sa’kin. Kung sabagay, bakit nga naman siya mag oopen-up sa tulad ko?
‘Di bale, malalaman ko rin ‘yan balang-araw.
“Alam mo Ice, hindi pwedeng matanggal sa’yo ang karapatan na sumaya ka dahil in the first place, being happy is not a right but a choice. Hindi ko man alam ang nangyari noon, pero aware ako na kaya hindi ka masaya ngayon ay dahil ayan ang pinili mong mangyari sa sarili mo.”
Nagulat ako nang ibinagsak ni Ice ang hawak niyang plato sa lababo at tinignan niya ako ng masama.
“You don’t know what I’ve been through kaya manahimik ka diyan!”
“A-ano ba kasi ang nangyari sa’yo?”
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata at pinilit kong wag iiwas ang tingin ko. Kitang-kita ko ang galit niya. At parang for the first time, natakot ako sa kanya.
For the first time, umurong ang dila ko.
“You know what? You’re being nosy! Hindi porket hinayaan kita ngayon eh pinapayagan na rin kitang mang-himasok sa buhay ko!” napa-hinga siya ng malalim. “Please, get out!”
“P-pero I-I’m just asking—“
“I said get out!!”
Parang isang malakas na kidlat na dumagundong sa puso ko ang sigaw ni Ice. Galit na galit siya at parang nag-aapoy ang tingin niya sa’kin.
Ano bang nagawa ko?
Tinalikuran ko na lang siya at kinuha ang gamit ko habang dali-daling lumabas ng condo unit niya.
Nanginginig ang buong katawan ko.
To be continued
BINABASA MO ANG
The Falling Game (EndMira: Ice)
Teen FictionTimi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's both beauty and brains . But then she meet, Ice--the transfer student and the new vocalist of their sc...