Chapter 12
[Timi’s POV]
“No Timi! Hinding-hindi kita pag bebentahan ng cocktail drinks or any alcoholic drinks dito sa bar ko. Patay ako sa tatay mo!” sabi ni Ninong Rence sa akin, kaibigan nina mommy at may ari ng isang sikat na bistro.
Kauuwi ko lang kahapon galing Subic at depress na depress ako. Bukod kasi sa inlababo na ako sa yelong ‘yun, aba ang magaling na lalaki, walang naalala sa mga pinag gagagawa at pinagsasabi niya sa akin nung gabing ‘yun! Ni hindi niya maalala kung paano siya naka-punta sa kwarto namin!
Nung pauwi kami, sobrang bad mood ako at nahalata naman niya kaya naging bad mood na rin siya. Nag hiwalay kami nang landas na parehong naka-busangot ang mukha.
At ngayon naman, nandito ako sa Bistro ni Ninong Rence at inaantay si Jasper. Gusto ko magpaka-lasing kaso ayaw naman ako pag bentahan.
“Eeeeehhh Ninong naman eeeeehhhh! Pag hindi mo ako pinayagan, hahanapan ko si Tita Kryzel ng ibang asawa! Mas gwapo at mas hot sa ‘yo!” pag babanta ko sa kanya. Si Tita Kryzel ang best friend ni mommy at asawa nitong si Ninong Rence.
“Go ahead! Alam kong hindi ako ipagpapalit nun!”
Napa-simangot na lang ako. Kainis. Edi sila na may true love.
Maya-maya lang, dumating na si Jasper.
“Hey Timi! Ang panget mo ngayon!” salubong niya sa akin.
I just glared at him. Bwisit na ‘to!
“Tito Rence! Isa nga pong Mojito diyan! Na-miss ko na po ang mix niyo eh!” masiglang sabi nito sa Ninong ko.
“Alright! One Mojito, coming up!”
“What the hell?!” singhal ko sa kanila. “Bakit siya pinagbentahan mo, ako hindi?!”
“Kaya na niya sarili niya,” sabi nito sa akin habang pine-prepare niya ang Mojito ni Jasper.
“Kaya ko na rin ang sarili ko! I’m eighteen for pete’s sake!”
“You’re still a kid.”
“He’s just one year older than me!” reklamo ko pa rin habang tinuturo si Jasper.
“He’s a guy!” sagot naman niya habang inilalapag ang order ni Jasper sa harapan namin.
“Gender equality please!”
“Oh eto, inumin mo! Masarap ‘yan,” may inilagay na milkshake si Ninong sa harapan ko.
Seriously, MILKSHAKE?! Sanggol ba talaga ang tingin nila sa akin?!
Bago pa ako makapag-reklamo, iniwan na kami ni Ninong doon at pumasok na sa back duct. Mukhang gagawa na ng office works. Minsan na lang kasi siya gumawa ng drinks. Pag talagang kilala niya ang customer, siya ang gumagawa.
I take a sip on my drink. Infairness, masarap naman.
“So, ano ang nangyari sa ‘yo?” tanong ni Jasper.
Tinignan ko siya…
…at nag simula na naman ako ngumawa ng iyak.
“Ayoko na Jasper! Ayoko naaaaaa! Ang sakit! Ang sakit sakit! Hindi ko na kayaaaaaa! Baket?! Tell me! Bakeeeet!!?”
“H-huy! Tumigil ka nga!” saway niya sa akin. “Baka isipin nila pinapaiyak kita!”
“EEEhhhh kasi naman eeeeehhhh!”
Inabutan ako ng panyo ni Jasper, “punasan mo nga luha mo. Ang panget mo na lalo!”
“Hayop kaaaaaaa!” sabi ko sa kanya.
“Alam mo, in love ka pa lang kaya wala ka pang dapat ika-iyak! Tsaka ka na ngumawa nang ganyan pag broken hearted ka na dahil sa kanya!”
Tumigil ako sap ag ngawa at binatukan ko si Jasper ng malakas.
“Aray naman! Bakeeet?!”
“Kainis ‘to! Parang siguradong-sigurado ka na mabo-broken hearted ako kay Ice ah!”
“Eh in love ka na eh. At asahan mo, pag na-in love ka, karugtong na niyan ang masasaktan ka. Hindi mo ma-i-iwasan yun. Mangyayari at mangyayari iyon.”
Napa-buntong hininga ako.
“Kaya nga ayoko nitong nararamdaman ko eh. Ayoko na mag mahal kasi kahinaan yun eh. Ayoko na mag bigay ng way para masaktan na naman ako ng iba. Once is enough.”
May namuo na naman luha sa mga mata ko kaya napa-hinga na lang ako nang malalim
“Timi,” naramdaman ko ang braso ni Jasper na umaakbay sa akin kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. “Falling in love? Isang bagay yan na kahit ano’ng gawin natin, hindi natin ito maiiwasan. Parang ang masaktan din. Naiintindihan naman kita eh. Playboy rin ako at pareho rin tayo ng dahilan kung bakit ayaw natin mag seryoso. Pareho kasi tayong takot masaktan. But Aiscelle came into my life and the moment I saw her, I realized, I still want to take the risk of falling in love and getting hurt again. Kasi alam ko, mas mahihirapan lang ako kung pipigilan ko ang nararamdaman ko. At alam ko, kung hindi ko ulit susubukan, habang buhay ako’ng mag-sisisi.”
Humiwalay si Jasper sa pagkaka-akbay niya sa akin at tinignan niya ako sa mga mata.
“Be strong, Timi. Alam kong masasaktan ka. Pero kung talagang mahal na mahal mo na si Ice, then it’s worth trying. Wag mo nang hayaan na saktan ka pa nang nakaraan mo.”
Napa-ngiti ako sa sinabi ni Jasper.
Siguro nga hindi pagiging matapang ang pinapakita ko kundi pag papaka-duwag. Takot akong masaktan ulit kaya natakot din akong mag mahal.
Pero nalinawan ako sa mga sinabi ni Jasper.
Siguro nga, it is time to give it a shot.
Afterall, pag nahulog sa akin ng bongga si Ice, winner! Ang hot hot kaya niya!
Ang galing pang humalik!
****
A/N : At dahil maikli lang ang update ko ngayon, I'll try to post the next chapter tomorrow or on Sunday!
Tweet me :) @iamalyloony
#TeamIceTi
#TeamKiTi
#TheFallingGame
BINABASA MO ANG
The Falling Game (EndMira: Ice)
Teen FictionTimi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's both beauty and brains . But then she meet, Ice--the transfer student and the new vocalist of their sc...