Chapter 5 *Rika Forteza*

1.1M 19.3K 4.1K
                                    

Chapter 5

*Rika Forteza*

 

[Timi’s POV]

“Di mo alam dahil sa yo ako'y di makakain

Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato”

“hoy Jasper tigil-tigilan mo nga yang pagkanta niyan! Nakakairita na! paulit ulit ka na eh! Para ka nang sirang plaka!” sigaw ni Ayen kay Jasper

Itinigil ni Jasper ang pagtugtog ng gitara at pagkanta “eh bakit ba?! Ikaw ba broken hearted?! Ikaw ba ang nakaranas ng rejection?! Hindi naman di ba!” =___=

“palibhasa bro hindi ka sanay ma-reject kaya ganun” natatawang sabi ni William “pero isipin mo na lang na hindi lahat ng babae ay kaya mong akitin”

“that’s not true! Sa gwapo kong to imposible talaga na walang maakit saakin! feeling ko pakipot lang yung babaeng yun! Di ba Timi?!” sabi ni Jasper

“hehehehehe ang gwapo mo talaga Ice…” sabi ko naman

“uh-oh.. mukhang napuno na ng yelo ang pagiisip ni Timi” sabi ni Geo atsaka niya ako nilapitan “uy! Tama na ang pag iimagine! Kahapon ka pa niya nginitian! Hanggang ngayon hindi ka parin nakakaget over?” tanong saakin ni Geo

Tinignan ko siya ng masama “eeeehhh bakit ba! Hayaan niyo na ko” nginitian ko si Geo atsaka ko kinurot sa pisngi “ang cute mo talaga Ice!”

Napakamot siya sa ulo “malala na tama ng babaeng to”

“mas malala pa sa tama ni Jasper” pag sangayon ni Ayen

“nakakatakot pala kiligin ang mga babae. No wonder ang daming nabaliw dahil saakin” sabi naman ni Jasper

kailangan ko na ba tumawag sa mental hospital?” tanong naman ni Will

“heh! Magsitigil kayoooo! Hindi ako nababaliw!” sabi ko sa kanila “nasaan na ba si Ice? Bat ang tagal niyang dumating?” tanong ko sa kanila

Nandito kasi kami ngayon sa music room at nagpa-practice. Magkakaroon kasi ng Aquaintance Party ang mga Junior and Senior students ng Prince Academy at tutugtog ang Endless Miracle sa party na yun. Syempre nakiusap na naman ang mga ito saakin na kung pwedeng kumanta din ako na kahit isang kanta lang. At first ayokong pumayag not unless babayaran nila ako ng sampung libo. Aba syempre! Kailangan ng talent fee no! At first tinatawaran nila ng tinatawaran ang presyo ko. But in the end, napapayag nila akong kumanta ng walang kabayaran ng dahil sa napakatalinong deal ni Ayen saakin.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon